Remake

11 2 0
                                    

"An Author's Choice"

- Remake -

Disaster(Short Story)

#PHS_Player01

Nagtakbuhan kami at naghanap ng ligtas na masisilungan ng mag simulang bumuhos ang ulan pero hindi ito katulad ng isang ordinaryong ulan lamang. 

Isa ito sa naitala ng mga sayantipiko na the worst case of acid rain on earth, Halos ubusin nito ang kalahati o higit pa ng papulasyon ng mga tao sa mundo kasabay nito ang pagkakaroon ng malalakas na lindol at mga natural disaster sa ibat ibang panig ng mundo.-Unang pinabagsak ang ekonomiya ng bawat bansa kasunod ang pagkalat ng mga ibat ibang uri ng sakit kung dati ang simpleng ubo lamang ay kayang maidaan sa gamot ngayon ay hindi na. Lahat ng mga medicine company ay nagsara kung hindi man nagsara ay nasira dahil sa matinding pagbago bago ng klima,

nagkaroon din ng malawakan tag gutom lumaganap ang cannibalism para lang mabuhay hindi na rin kaya ma kontrol ng gobyerno ang mga galit nilang mamamayan naging survival of the fittest ang labanan ang batas na para lang sa mga hayop ay ginagamit narin ng mga natitirang tao sa mundo.

Mas delikado ang buhos ng acid rain ngayon ilang araw na rin namin di nasisikatan ang araw daig pa namin ang daga sa sobrang tago ng tago makaligtas lang pero ito na yata ang huli at di na mauulit pa.-Nagpunta kami sa isang abandonadong gusali sa di kalayuan sa gitna ng malakas na ulan ay muli siyang nagpakita sa amin. 

Nakita na namin siya noon bago niya subukin gunawin ang mundo gamit ang natural disaster. At di siya nabigo sa mga balak niya sa maikling panahon malapit na kami maubos 

Dahan dahan naglakad sa amin ang batang babae papalapit sa aming pinagtataguan habang ang mga kasama ko naman ay nag iiyakan na dahil alam nila at alam ko din na ito na ang aming kamatayan. 

"Ano pa ba ang gusto mo?" 

lakas loob na tanong ko

"Kinuha mo na ang lahat ng sa iyo, balak mo pa ba na ubusin ang lahi ko". 

Hindi muna niya sinagot ang tanong ko imbes patuloy siyang lumalapit sa amin, ang bawat nilalakaran niya ay nagkakaroon ng mga berdeng damo at tinutubuan ng ibat ibang uri ng magagandang bulaklak, ngunit ang mga nilalamapasan niya ay muling nasisira muli itong nasusunog dahil sa acid rain na siya rin ang may gawa.

Tumigil siya kung saan ako nakaluhod at nakaharap sa kanya. Ang musmos niyang batang babaeng mukha na halos di ako makapaniwala na ang buong akala ko ay kwento lamang ay totoo pala. 

Ngayon ay kaharap ko mismo nanginginig ang katawan ko sa takot kahit anong oras ay maari niya kaming patayin kung gugustuhin niya, 

Binuka niya ang kanyang palad at pinalabas ang makakapal na ugat ng puno inisa isa ang ang aking mga kasamahan piniga niya ang bawat isa na parang mga basahan ang bawat ugat ay pinasok niya sa katawan wala siyang pinaligtas maliban sa akin lamang.

Naging agresibo ang mga tao sa paggawa ng makinarya sumira ng husto at umabuso sa mga natural na yaman na ibinigay sa atin naging polluted ang lahat hanggang sa umabot pa sa pagkakataon na kahit mga domestic pets ay naging extinct na

Ngayon ay nakaharap ko mismo ang inakala ng lahat ay kwento lamang, 

ngunit hindi sa imahe ng dalisay na babae kundi sa katauhan ng batang babae bilang tagawasak at maniningil sa lahat ng pang aabuso sa kalikasan. 

At ako ang nag iisang naiwang saksi at maglalathala para sa mga susunod na henersyon kung magkaroon ulit kami ng pagkakataon para mabuhay. Hinawakan niya ang balikat ko at nagsimula siyang magsalita

"Ikaw at ang mga susunod na henerasyon mo ang magpapatunay na ako'ay hindi isang kwento lamang, 

na minsan ang tinatawag niyong inang kalikasan (Mother Earth) ay naglakad sa lupa bilang isang batang babae at binura ang lahat ng aking mga anak maliban sayo. 

Dahil ito ang kailangan para makapag simulang muli....

End😕

One Shot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon