"Merde! Umandar ka na please!" Hindi mapigil ang pagmumura ni Stacey dahil sa sobrang inis. Kanina pa niya sinusubukan paandarin ang kotse. Bumaba siya ulit at itinaas ang hood ng sasakyan. Pinakatitigan ang makina at iba't-ibang kableng nasa harapan. Bumagsak ang balikat dahil sa frustration. Paano niya mapapaandar ang sasakyan kung wala siyang alam doon?
Sa sobrang inis, on impulse ay nasipa niya ang gulong ng kotse at napasigaw sa sobrang sakit. "Ouch, wooh!" Impit niyang daing. "What is your problem? bakit ba ayaw mong umandar?" Sigaw niya na parang naiintindihan siya ng sasakyan. Nag-panic ang utak niya. She needs to go home.
Tumawag ang magulang kanina upang sabihin ang biglaang pag-uwi ng mga ito bukas. Kaya imbes na sa ospital siya magpalipas ng gabi para samahan si Caitlin, ay kailangan niyang umuwi upang ihanda ang bahay sa pagdating ng mga ito kasama ang bunsong kapatid.
Ilang araw na rin niyang hindi pinagtutuunan ng pansin ang bahay dahil sa sobrang busy sa salitang pagpunta sa Maid Café at sa ospital. Napasandal siya sa kotse at umabrisyete. Alam niyang sambakol ang mukha niya pero wala siyang pakialam. Ayaw naman niyang mag-taxi dahil gabi na, she doesn't want to bring herself into uncontrollable situation
Saktong huminto ang isang sasakyan sa tapat niya. Bumukas ang bintana at agad sumungaw ang gwapong mukha ni Andrew. "Need help?"
Napaungol siya. Another complication, she though. "I don't need anything Andrew kaya pwede ka nang umalis." Pagtataray ni Stacey. Ayaw niyang mabaling ang init ng ulo sa binata kaya kailangan na nitong umalis. Ngunit sa malas ay hindi ito apektado sa pagtataray niya at sa halip ay binuksan ang pinto sa passenger seat.
"Come on Stacey, ihahatid na kita sa inyo. Nasabi ng kapatid mo kanina nang i-check ko siya sa kwarto na kailangan mo daw umuwi. Come on, hop in."
Wala na siyang nagawa kundi sumakay. A little time to spend with him was a bad idea. But she doesn't have choice dahil kailangan niyang makauwi agad. Tutal sino ba naman ang magbe-benefit sa pagsasama nila kundi siya rin naman di ba
Oh shut up heart, you've caused me enough embarrassment, paninita sa sariling puso. Ilang beses na ba siyang muntik mapahiya or rather talagang napahiya at nasaktan dahil lagi niyang sinusunod ang sinisigaw nito.O well, atleast kay Andrew lang umeepekto ang pagiging marupok niya.
"You're not in the mood today." Puna ng binata nang makitang nakasimangot siya.
Hindi siya sumagot at sa halip ay tumanaw na lang sa labas ng bintana. Hanggang makarating sa bahay ay hindi na nangulit pa si Andrew na labis niyang pinagtakhan.
"Thanks for the ride." Pagpapasalamat niya nang humimpil ang sasakyan sa tapat ng bahay ng tiyahin. Tangka niyang bubuksan ang pinto nang pigilan siya nito sa braso. Nagtatakang nilingon niya ang binata
"Not so fast." He taunted as his eyes danced in silent laughter.
Laking gulat niya nang bigla siyang hilahin palapit nito at yakapin."W-What are you doing?" Nagugulahang tanong niya pero hindi nag-tangkang manulak. Napasinghap siya sa sunod na ginawa ng binata.
Isiniksik ni Andrew ang ulo sa may leeg niya and shower her with little kisses. Nakaramdaman siya ng bahagyang pagkalito. Gusto niya itong itulak pero ayaw gumalaw ng sariling katawan.
"Bakit tayo nagkaganito Stacey. We were supposed to be happy. We are happy back then. And I miss you so badly." There was agony in his voice.
Was it possible? Pwede bang ipeke ang kalungkutan sa boses ng tao? Kung ganoon ay napakagaling na aktor ng binata.
"Sabihin mo sa akin kung bakit nasa iyo pa rin ang singsing na binigay ko sayo. Because to me, it only means one thing."
Because I still love you, gusto niyang isigaw dito. Na kahit minsan hindi ito nawala sa puso't isip niya. Na kahit milyon-milyong distansya ang layo niya rito ay nanatiling ito ang mahal. Na kahit anong tikis niya sa sariling damdamin ay ito pa rin ang sinisigaw ng puso. And lost your heart again?
BINABASA MO ANG
The Martinez Siblings Book I: Because I Love You
Romance"In his eyes was the same tenderness and love he had for her nine years ago. Ganito rin siya titigan nito noon. As if she was the only girl in the world." Simula namg mamatay ang ama ni Stacey ay naging magulo na ang buhay niya. After 3 years of re...