9 Years Ago
Stacey shut the door behind her and walked directly to her bed with her sister on her arms. Ngunit hindi pa rin iyon sapat upang mawala ang ingay na naririnig sa labas. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang ginawa ang bagay na ito sa mga nakalipas na lingo.
Narinig niya ang mga nagkakabasag na gamit sa labas kasabay ng mataas na tinig na nagtatalo. Bigla ang pagsagi ng takot sa kanya. Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid.
"Stacey, what's happening? I can hear Mommy's voice, is she and Daddy fighting again?"
Napayuko siya at sinalubong ang nagtatanong na mata ni Caitlin. Tinitigan niya ang maamong mukha ng nakbabatang kapatid. Bahaghang nabawasan ang takot na nararamdaman nang matitigan ang magandang mukha nito
Pilit niyang pinaaaliwalas ang mukha " No Caitlin, they were just discussing something" pero kahit siya'y napangiwi sa alibi niya
"You always say that, but I saw how mommy throws the vase on the wall"
Nabigla siya sa narinig. Unti-unti na siyang nauubusan ng maidadahilan sa kapatid. Nitong mga nakaraang lingo ay napapadalas ang pag-aaway ng ina at stepfather niya. Dati naman nang nag-aaway ang mga ito ngunit simple at naayos naman agad ng hindi na nagkakasakitan. Pero ngayon ay iba na. Halos maubos na nga ang mga gamit nila dahil nababasag ang mga iyon kapag ibinabato ang mga ito ng ina sa stepfather. Hindi naman niya alam ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang mga ito.
Hindi mo alam o ayaw mo lang intindihin, sabi ng utak niya. Siguro nga dahil ayaw niyang makialam. She only focus on the things na mas importante kaysa pag-aaway ng dalawa.
Kung alam lang niya na magkakaganito'y hindi nalang sana siya pumayag na muling mag-asawa ang ina.
Six years ago nang biglaang mamatay ang daddy niya. At first sinubukan nilang mag-ina na mamuhay ng silang dalawa lang. They survived, pero ilang buwan lang. Unti-unting naubos ang perang naiwan ng daddy niya. Hanggang sa walang-wala na sila. Hindi naman kasi makahanap ng trabaho si Erika. Ano nga bang alam gawin nito maliban sa magpaganda?
Part of her wanted to blame her father, dahil hinayaan nitong umasa ang mommy niya rito. Ibinigay nito lahat ng pangangailangan nila, sobra pa nga sa kinakailangan. Kaya naman ng mamatay si Richard ay gumuho ang mga pangarap nilang mag-ina. Until her mother met her stepfather, Carl Smith, isang dayuhan sa Pilipinas na agad na-inlove sa kanyang ina. A whirlwind romance ika-nga. They fell in love with each other,got married and before she knew it ay nakapag-migrate sila sa Canada.
She doesn't want to go that time dahil graduating siya ng elementary at siya ang valedictorian. By then ay ayos na ang lahat ng dokumentong kailangan at ang visa nilang mag-ina. Kaya kahit labag sa kalooban ay napilitan siyang sumama.
Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Erika. Nakita niya nang i-lock nito ang pinto at dumiretso sa kinaroroonan ng cabinet, kinuha ang traveling bag at inilagay ang gamit nilang magkapatid.
"M-mom, what's happening why are you packing our things?" Inilapag niya ang kapatid sa kama at nilapitan ang ina. Astounded by what her mother is doing.
"Help me pack Stacey, where going back to Philippines"anitong hindi man lang nag-abalang tumingin sa kanya.
Nanlaki ang mata niya. "W-what?" nabiglang tanong niya. "M-mom wag kang pagigla-bigla hindi tayo pwedeng umalis. Paano ang pag-aaral ko dito. " iyon agad ang unang pumasok sa isip ng dalaga nang marinig ang salitang pag-alis. Graduating na siya ngayon at kabubukas palang ng klase. Bukod doon ay running for valedictorian siyang muli. Mababalewala nanaman ba ang pinaghirapan niya ng makailang taon.
BINABASA MO ANG
The Martinez Siblings Book I: Because I Love You
Romance"In his eyes was the same tenderness and love he had for her nine years ago. Ganito rin siya titigan nito noon. As if she was the only girl in the world." Simula namg mamatay ang ama ni Stacey ay naging magulo na ang buhay niya. After 3 years of re...