Nang mga sumunod na araw ay naging napakasaya ni Stacey. Lagi silang magkasama ni Andrew. Kahit na sabihing nandun pa si Sigmund na kailangan niyang pag-ukulan ng pansin bilang bisita ay naiisingit parin niya ang kasintahan. It was an amazing moment being with someone you love. Iyun ang napagtanto niya. She was always inspired at everything she do, at laging naglo-look forward sa pagkikita nila ni kasintahan. Minsan pa nga feeling niya ay gusto niyang hilain ang oras para magkita na sila. Hindi pa sapat ang madalas nilang pag-uusap sa cellphone.
Isang araw habang pabalik si Stacey sa kwartong tinutuluyan ng kapatid ay nakasalubong niya si Andrew sa corridor kasama nito ang kaibigang si LA.
Agad umahon ang pananabik sa puso niya sa kabila ng pagkakakita lang dito kagabi. Yung pakiramdam na parang gustong lumundag ng puso niya palabas ng dibdib sa sobrang kilig lalo at nakadagdag sa appeal nito ang suot na uniform. So white at sa paningin niya ay para itong isang angel. A handsome one! At kanya ito. Pilit niyang sinupil ang kilig na nararamdaman sa puso.
Pasimpleng nagkatinginan ang dalawang lalaki bago magpaalam si LA na nakakaintindinding nagpatiuna at iniwan ang kaibigan.
Nagtanguan silang dalawa bago siya lampasan.
"Hi." Kyemeng bati niya kay Andrew na may pigil na ngiti sa labi. Kung wala lang sila sa kinaroroonan at walang ibang taong nagdaraan ay kanina pa dapat siya yumakap rito.
Parang iisa ang iniisip ay inabot ni Andrew ang kamay niya at hinila siya.
"Where are we going?" Naguguluhang tanong niya. Bahagyang itinago ang mukha dahil pinagtinginan sila ng ilang nadaanang nurse na natuon ang mga mata sa magkasalikop nilang kamay ni Andrew.
Hindi sumagot ang kasintahan pero nagpatianod siya. Kahit saan naman siya dalhin ni Andrew ay salaam talaga siya. Echos niya lang niya syempre kunwari ang magtanong. Maya-maya'y isang pinto ang binuksan nito at pinapasok siya. Sa tantiya ni Stacey ay isang maliit na opisin iyun. Nagsalubong ang kilay niyang nilinga ito. "What are we doing here?" Takang tanong niya.
"We cannot flirt with each other in the corridor, right? I saw the hesitation in your eyes to come near me." He said teasingly. Inilahad ang mga kamay at hanggang tenga ang ngiti sa labing nagsalita. "What are you waiting for?"
Pinamulahan siya pero hindi nag-atubiling naglakad palapit rito at nagpakulong sa mga bisig nito. It was heaven being in his arms. Niyakap siya ni Andrew ng mahigpit na ginantihan niya ng mas mahigpit pa doon. Ipinikit ang mata at ninamnam ang tila pag-heleng nararamdaman. Hindi matatawaran ang kapayapaang nararamdam habang nasa mag bisig siya nito. Maya-maya ay naramdaman niyang umakyat ang kamay ni Andrew at dumako sa magkabilang-pisngi niya. Bahagyang itinaas ang mukha upang mapatingala siya rito saka unti-unting bumaba ang labi ni Andrew sa kanya at ginawaran siya ng mainit na halik sa labi.
Agad niya iyong tinugunan na tulad ng paraan ng paghalik ng kasintahan sa kanya. Her heart was beating so fast that she for afraid of doing it wrong.
Andrew explored the softness of her mouth. Ang panunukso ng dila nito sa kanya ay naghatid ng hindi maipaliwanag na init na dumaloy sa buong katawan niya, and just below her belly.
They were both breathless nang pakawalan ni Andrew ang labi niya. "Why do I still miss you like crazy kahit nagkita lang tayo kagabi," anito at patuloy na tinutudyo ang sulok ng labi.
Isang marahang tawa ang pinakawalan niya. "Anong sinasabi mo Andrew." Ang kamay ay pasimplen ipinasok sa loob ng suot na labgown ni Andrew. She wanted to feel the warmth heat of his body. "I have to tell you this, you looked so handsome, I mean more handsome when you're wearing your uniform."
"Are you getting turned on with it?" He flaunted teasingly, tumuwid ng tayo at pinangalandakan ang suot.
"Oh my gosh! You really have to do that" She rolled her eyes and laughed. "Kaninong opisina pala ito? Ayokong madatnan tayo ng kung sinuman at iba ang isipin sa atin."
BINABASA MO ANG
The Martinez Siblings Book I: Because I Love You
Romance"In his eyes was the same tenderness and love he had for her nine years ago. Ganito rin siya titigan nito noon. As if she was the only girl in the world." Simula namg mamatay ang ama ni Stacey ay naging magulo na ang buhay niya. After 3 years of re...