"You can't be serious Andrew! How about Cams?"
"Wala na kami L.A" tipid niyang sagot sa pangungulit ng kaibigan. Nag-aayos siya ng mga gamit at pauwi na sila mula sa isang linggong volunteer program na in-sponsored ng university nila. At nais nitong dumiretso sila sa tambayan ng mga nursing student dahil gusto nitong puntahan ang kaibigan ni Camil na siyang kasalukuyan nitong pinupormahan. "Besides, siya ang tumapos sa relasyon namin"
"Pero hindi yan ang paniniwala niya pare. Do you even know what's the meaning of cool off? And I even thought you were crazy about her."
"I don't do cool offs, you should know that by now." Sinabayan niya ng paniningkit ng mata ang tinuran.
"And the highschool girl? Hindi kaba natatakot sa karma? Hindi ba at kasing-edad lang siya ng kapatid mong babae?"
"And why would I? Maganda ang intension ko kay Stacey." Halatang nagulat ito sa sinabi niya.
"No, you are not, Andrew!" Bahagyang tumaas ang tinig ni L.A.
Huminto si Andrew sa ginagawang pag-aayos ng gamit at hinarap ang kaibigan. "Yes, I am serious. And as per Cams, I've been trying to contact her pero mukhang busy siya sa ojt. I can't get through her. But I will talk to her soon. She will understand."
"You think?"
"She doesn't have a choice."
Napailing nalang si L.A. Mukhang seryoso nga si Andrew sa bagong kinahuhumalingan nito. "Then you better do it soon." Payo niya sa kaibigan. Last time he saw Camil ay nais ng babae ba kumpiramhin ang tungkol sa naturang topic. He denied knowing na lilipas rin ang pagkahumaling ng kaibigan sa dalagitang binabakuran nito. "You know I still don't understand."
"You will never understand, L.A. And I will not force you to understand either." Pagtatapos ni Andrew sa diskuyon nila. Hindi niya gusting ubusin ang energy sa pag-explain dito. Basta ang alam niya ay totoong lahat sa puso niya ang mga sinabi niya tungkol sa damdamin niya kay Stacey. "When you find someone who could change your perspective about being in a relationship, sabihan mo ako." Natatawang saad niya dito.
Nagusot ang gwapong mukha ng kaibigan.
At least si Andrew ay naniniwala pa sa pag-ibig. Hindi siya kailanman nakipag-relasyon ng walang emosyon sa isang babae. Nagkataon lang na iba ang damdamin niya para kay Stacey. Call it karma, pero iba ang attachment niya sa babae. It's as if she's holding his whole world now. Pero imbes na mag-complain ay taos-puso niya iyung tinanggap sa puso.
Nakapalumbaba si Stacey habang nakatingin sa labas ng bintana ng café na pagmamay-ari ng tiyahin. It's Sunday, wala siyang pasok kaya nag-volunteer siyang tumulong . Ngunit wala doon ang concentration niya.
Mahigit isang linggo na nang huling magkita sila ni Andrew. Yes, they were officially dating. Ilang buwan na rin itong nanliligaw sa kanya. Pero mas gusto niyang i-categorize sa Mutual Understanding ang status nila. Kumbaga formality lang ang ginagawa nito dahil para sa binata ay girlfriend na siya nito at boyfriend naman niya ito. Although hindi pa rin niya sinasabi ang three magic words or ang big flat YES rito.
Ipinagpasalamat nalang niyang ito mismo ang kumausap sa ina at tiyahin upang ipaalam ang balak. Erika disagreed at first. Nang gabing sabihin niyang may dadalaw sa kanya ay labis-labis ang sermon na tinanggap niya mula rito. Lalo nang mapag-alaman nitong mas matanda ng ilang taon sa kanya si Andrew.
"I don't agree with this Stacey. Twenty two years old is just too old for you. Ano,wala kanang planong mag-college at mag-asawa nalang!"
"Hindi mo kailangang magtaas ng boses, Erika. Let's meet the man first before you judge him." Pakiusap ni Eden.
BINABASA MO ANG
The Martinez Siblings Book I: Because I Love You
Romance"In his eyes was the same tenderness and love he had for her nine years ago. Ganito rin siya titigan nito noon. As if she was the only girl in the world." Simula namg mamatay ang ama ni Stacey ay naging magulo na ang buhay niya. After 3 years of re...