Hinubad niya ang suot na tsinelas at pinaglaruan sa paa ang mga ligaw na damo. She's very fascinated by this little creature. Na kahit tapak-tapakan ay hindi pa rin ito namamatay. Instead, it struggles to survive, na parang sinasabi nito na may karapatan din itong mabuhay.
"Why are you here, Stacey?"
Napaangat ang ulo niya mula sa pagkakayuko nang marinig ang tinig ni Andrew. Nakatayo ito hindi kalayuan sa kinauupuan. His hands crossed over his chest at madilim ang binabadya ng mukha. He slowly walked towards and sit beside her without asking for permission.
"How did you know I'm here?" Matabang niyang tanong.
His eyes flickered to her. "Huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko."
Nakasimangot siyang nag-iwas ng mata. "Gusto ko lang magpahangin." Pagdadahilan niya.
"Hindi ka ba nag-eenjoy sa barbecue party?"
She dropped her eyes at once. "Hindi sa ganoon," tanggi niya."Pero ganoon ang nakikita ko sa mukha mo. Is there something wrong, sweetheart?" May pag-aalala sa boses ng binata.
Stacey wanted to tell him about the incident a while ago with Arthur and his girl, Shelly. She was really upset! Pero hindi niya alam kung paano. She hated confrontations. Baka magka-initan pa ito at si Arthur, lalo at alam niyang medyo nakainom ang huli.
Besides, natatakot parin siya.
Lingid sa kaalaman ni Andrew ay hindi parin siya gaanong at ease sa relasyon nila. It could be because of her age? Dahil unang beses niyang pasukin ang pakikipag-relasyon? And a lot of things.
She's just afraid of doing it wrong. At hindi niya nais mairita si Andrew kapag inungkat niya ang tungkol doon. She wanted her to trust him. And she does trust him. Pero hindi niya mapigilang hindi mapaisip lalo na kapag magkalayo sila. Para siyang mababaliw kaka-isip. Knowing na attractive si Andrew. Imposibleng walang nagkakagusto ditong ibang babae.
And at this point of time, hindi niya kayang mawala ito sa buhay niya. Strange, pero sa kabila ng maikling panahon ay napasok ng binata ng ganoon kalalim ang puso niya. She likes him a lot that just the thought of losing him scared her so much.
"Dinala mo ako dito pero hindi naman kita nakakasama." Sa halip iyon ang naisatinig niya. Well partly it's true. Minus Arthur and Shelly ay okay naman ang lahat. But still, she wanted to spend time with him.
Malungkot itong ngumiti. "Kaya ka ba malungkot?" Andrew held both her hands and gently squeezed them."Sorry, I'm rushing my book report. It's due tomorrow."
Dahil sa narinig ay nakonsensya siya. Heto siya at nag-iisip ng masama sa kasintahan pero yun pala ay may importante itong ginagawa. "No, its okay, sana sinabi mo para alam ko."
"But you're right dapat inaasikaso ko ang girlfriend ko before anything else."
"You had a valid reason. So I understand," she said sheepishly.
Muling sumeryoso ang mukha nito. "Every free time I have, I should be spending it with you. Because I might not be able to do so."
Bigla siyang naguluhan sa sinabi nito. Bakit saan ito pupunta at anong gagawin? He was like saying goodbye to her.
Nakita marahil nito ang takot sa mukha niya kaya hinigpitan ang hawak sa kamay niya. As if giving her an assurance that everything is okay.
Pero hindi naging sapat iyon. Umahon pa rin ang kaba sa dibdib niya. "Anong ibig mong sabihin, Andrew?"
"These coming months ay palagi na kaming aalis. Isinasanay na kaming malayo sa pamilya namin. I know it was part of becoming a doctor. Kaya dapat ibinibigay ko lahat ng oras ko sayo. Kung sakaling nagkukulang ako. I hope you understand."
BINABASA MO ANG
The Martinez Siblings Book I: Because I Love You
Romance"In his eyes was the same tenderness and love he had for her nine years ago. Ganito rin siya titigan nito noon. As if she was the only girl in the world." Simula namg mamatay ang ama ni Stacey ay naging magulo na ang buhay niya. After 3 years of re...