Stacey was walking on her way home. Ginabi na siya dahil dumaan pa siya ng City Library kanina. Grabe pala ang hirap humanap ng sasakyan kapag ganitong rush hour. Ang ending ay nag-tricycle nalang siya. And to her dismay ay hanggang gate lang siya ng subdivision hinatid dahil hinarang na ito ng gwardya. Kaya naman ngayon ay mag-isa siyang naglalakad sa kalsada.
Napangiti siya nang maalala ang gabing inihatid siya ni Andrew noong party ni Angela. Bigla tuloy niyang na-miss ang kasintahan. Umalis na naman kasi ito, but this time ay nagawa nitong magpaalam sa kanya.
"Stacey?"
Nalingunan niya ang isang babae, wearing an all-white uniform. Natiyak niyang nursing student ito sa pinapasukang University ni Andrew base sa lanyard ng suot nitong id. The girl was beautiful with a voluptuous body. At lalo siguro itong maganda kundi lang ito mukhang aburido. Sa tingin niya ay mas matanda lang ito ng konti sa kanya.
Behind the girl are her classmates, Shelly and her company. Naningkit ang mata niya. Ano na naman kaya ang gusto ng mga ito. "Yes?"
"I'm Camil" She raised her chin. "And I'm Andrew's girlfriend!" There was a firmness in her voice.
Nag-salubong ang kilay niya sa sinabi nitong pangalan. Camil. Is she the girl Shelly had referred to as Andrew's girlfriend? But she said Cams. Nilingon niya si Shelly. Her reaction proved her suspicion. Cams, as in Camil! Umilap ang mata niya.
"Siguro ay nagulat ka." Pagpapatuloy ng babae. "I can't blame you. Andrew is a very handsome man kaya naman naiintindihan ko ang pagiging womanizer niya. Pero masyado nang matagal ang paglalaro niya kaya kailangan ko nang putulin." Hindi galit ang boses nito but she can sense possessiveness in the girl's voice every time he mentions Andrew's name. Hindi din ito mukhang nagbibiro sa sinabi.
But she can't just believe her. She promised Andrew that she will trust his words. Sinabi nitong mahal siya nito kaya dapat niyang paniwalaan iyon. He has his plans for them.
Pero hindi rin niya sinabing hindi ka niya kayang saktan! Sulsol ng sutil na bahagi ng isip.
Oh shut up! Hindi kayang gawin ni Andrew ito. "At bakit ako maniniwala sayo?"
"Well, you should be. Bakit ako mag-aaksaya ng oras puntahan ka kung alam kong wala akong mapapala."
"Alam ko kung saan ako lulugar sa buhay ni Andrew," matapang niyang saad. Hinawakan niya ng mariin ang singsing na bigay ng kasintahan na parang puwede siya kumuha ng lakas doon.
Camil laughed as if she was missing an inside joke. "Oh Stacey you are so young and innocent kaya naman naiintindihan ko kung bakit ka napaniwala ni Andrew agad. Kung ako sayo, ako na ang kusang hihiwalay sa kanaya, at least you can save your pride." Nasa mata nito ang awa para sa kanya. And she hated it!
She raised her chin, and smiled at Camil. She may be young but not foolish. "Wala kang pruweba kaya bakit ako maniniwala sayo." Kung wala itong maipapakita na ebidensya ay nag-aaksaya lang ito ng oras dahil hindi niya paniniwalaan ang lahat ng sinasabi nito.
Sandali itong hindi nakapag-salita. Nag-aapoy ang mata nito sa pagkakatitig sa kanya. It was full of hate. Matabang ang ngiting pinakawalan nito bago ilahad ang palad sa harap niya. May singsing doon na agad niyang nakilala. Mayroon din itong singsing na katulad na katulad ng sa kanya.
Naalarma ang isip niya at hindi naitago ang pag-singhap. Why? Ilan ang ganoong singsing ni Andrew?
Mula sa likuran ni Camil ay nagsalita si Shelly. "I warned you, Stacey. Hindi man tayo close na dalawa ay binalaan kita, not for your sake but for Camil's. I tried to discard you pero mahirap kang kausap."
BINABASA MO ANG
The Martinez Siblings Book I: Because I Love You
Romance"In his eyes was the same tenderness and love he had for her nine years ago. Ganito rin siya titigan nito noon. As if she was the only girl in the world." Simula namg mamatay ang ama ni Stacey ay naging magulo na ang buhay niya. After 3 years of re...