Hindi naging madali ang pananatili ni Andrew sa Vancouver. Aminado ang binata na nag-eenjoy ito kapag kasama si Stacey. Natuto na rin nga itong magluto para sa kasintahan upang libangin ang sarili.
"Am I making you busy?" tanong ng dalaga isang araw na pagkagaling nito sa trabaho at naghanda ng pagkain si Andrew.
"Put down your things and let's eat."
Humalik siya sa pisngi nito bago tumuloy sa kama at ilapag ang gamit at ang laptop.
"How's the job hunting?" tanong niya nang makabalik ng kusina. Nagningning ang mata nang makita ang set-up ng mesa. "Wow, mukhang makakatipid tayo sa dinner sa labas. Saan ka natutong magluto?" Pasta night and wine.
"Those are simple dishes that anyone can find on the internet."
Dumako ang mata niya rito. Napasin niya ang pananamlay nito. "What's wrong? May problema ba?"
Umiling si Andrew at pinaupo ang katipan sa katabing silya. "Worried about unnecessary things. I have to call my parents that I'm extending my stay. Kung gusto kong makahanap ng trabaho dito ay kailangan kong mag-take ng exam. There's no other way. Marami pa akong kailangang asikasuhin bago ako makapasok ng tuluyan sa isang ospital."
"I know it's hard-"
"I am not complaining, Stace," napabuntong hininga ito. "I just didn't expect ut to be like this. Bago ako makapag-umpisa ay kailangan kong bumalik ng Pilipinas. I have to get the proper credentials."
"Let's check for the proper credentials that you need. Pagkatapos ay umuwi ka sandali sa Pilipinas para ayusin ang lahat. At para pormal na ipasa ang resignation mo."
"Then we will be apart again."
"But not for long. Konting sakripisyo pa Andrew." Pinisil niya ang kamay nito. "Promise, sa susunod na off ko ay pupunta tayo sa mga kalapit na ospital para itanong kung ano ang mga qualifications na kailangan mo."
"Ilang beses mo ng sinabi sa akin yan."
Nakagat ni Stacey ang pang-ibabang labi. Aminadong lagi ngang ipinagpapaliban ang pangako dahil sa trabaho.
Nagpatuloy si Andrew. "Wala akong intensyong pasamain ang loob mo sa sinabi ko. Nakikita ko kung gaano ka ka-busy sa trabaho mo at ayokong mag-umpisa ng isang argumento tungkol dito. But can you atleast give me that one day? Para masamahan mo ako kung sakali."
"I promise, this coming off at lalabas na rin tayo, is that okay with you?" Tipid na tango lang ang naging sagot nito. Bumaba siya sa kinauupuan at niyakap ito. "I am holding on to our promises."
"Enjoy your job dahil kapag naka-settle na ako dito ay gusto kong bitawan mo na yan. Hindi siya nakakatulong sa atin. Masyado ka ng busy ngayon pa lang. Pano kapag nagkaroon na tayo ng anak?"
"W-What? Matagal pa yun. Two or three years pa. Let's have a baby once we settle down. At kapag nabili ko na ang bahay ng gusto kong bilhin."
"Speaking of that, hindi ba't sinabi mo na may balak kang bilhing bahay at lupa. I want to see that too. Maglalagay ako ng down payment para mabili na siya."
Pinanlakihan ng mata si Stacey. "B-But, it will be expensive."
"Expensive? Sa akin?" Itinuro ng hintuturo ang sarili at pagak na tumawa.
"Hindi ako nagbibiro. Ang downpayment na sinasabi mo ay malaking halaga dahil hindi peso ang pinag-uusapan natin. It will be in Canadian dollar." Pinagdiinan ang sinabing currency na sinabayan pa ng panlalaki ng mata.
"At hindi talaga ako nagbibiro Stace, kahit yun man lang ay magkaroon ako ng silbi."
"Please don't say that." Kahit papano ay naiintindihan niya ang pakiramdam ng kasintahan. Nararamdaman niya kung ano ang dulot ng sitwasyon nito ngayon. He must be feeling useless. Pakiramdam na parang hindi umaayon dito ang mga pangyayari. She had been to that same situation before. Nung pa-umpisa palang siya. "Will you feel better if we do that?" Tumango ito. "Then let's do that. Ayokong nakikita kang nagsa-suffer dahil sa akin. Not physically but emotionally. I'm here okay." Pinisil niya ang kamay nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/152503860-288-k870049.jpg)
BINABASA MO ANG
The Martinez Siblings Book I: Because I Love You
Romance"In his eyes was the same tenderness and love he had for her nine years ago. Ganito rin siya titigan nito noon. As if she was the only girl in the world." Simula namg mamatay ang ama ni Stacey ay naging magulo na ang buhay niya. After 3 years of re...