Chapter XVII: Claire de lune

52 0 0
                                    

Wala silang imikan sa loob ng sasakyan ni Adrew.

Lihim siyang nangingiti dahil sa suot ng binata. Ang kombinasyon ng suot nitong putting v-neck na t-shirt ay pinaibabawan nito ng amerikana, tight jeans sa pang-ibaba na marahil ay suot na nito kaninang bago pumasok na tenernuhan ng Balenciaga rubber shoes. Pero sa halip na mag-mukhang weird ay tila lalo itong kumisig sa suot. Very refreshing ang dating ng aura nito.

Samantalang naka-simpleng jeans at blouse lang siya. Hindi na siya binigyan ng pagkakataong makapag-bihis nito.

"Close your eyes, Stacey" Maya-maya'y utos ni Andrew habang nagmamaneho.

"Huh?"

"I said close your eyes." Ulit nito.

Nagtataka man ay sumunod siya. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang humimpil ang sasakyan. "Can I open my eyes now?"

"No, no, no, not yet" Awat nito sa tangka niyang pag-dilat.

Si Andrew ay mabilis na lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ang dalaga sa kabila. Maingat na inalalayang makababa habang nakapikit pa rin ito.

Si Stacey ay hindi maintindihan ang sarili kung bakit sumusunod siya sa lahat ng gusto ng binata. Gayong pwede naman niya itong hindi sundin. "How long are we going to walk?" Curious na tanong nang magpatuloy sila sa paglalakad.

"Just bear with me, Stace?"

Napabuntong-hininga siya.

"Malapit na." Bulong ni Andrew at agad sinenyasan ang mga naghihintay na kasama para sa mga plano.

Maya-maya'y naramdaman ni Stacey ang pagbitiw ni Andrew sa kanya. Nanatili siyang nakatayo doon habang nakapikit pa rin.

"Andrew?" Alanganing tawag sa binata ng hindi na makatiis. Itinaas ang dalawang kamay at sinubukang kapain ito, pero wala ito. Muli siyang napa-buntong hininga.

Naghintay pa siya ng ilang sandali at nang hindi makatiis ay tuluyang nagdilat ng mata. Nakita niya ang nagkalat na mga glass candle sa daan. Nakahilera iyon patungo sa isang mesa sa gitna ng halamanan. Sa dulo niyon ay naghihintay ang isang lalaking nakatalikod. At hindi siya kailanman magkakamali kung sino ito.

Sumilay ang isang ngiti sa labi. Same old, romantic Andrew. Sa kabila ng paglipas ng mga panahon ay napanatili nito ang pagiging romantiko nito. Corny at times, but still makes her heart flutters. Kahit may alinlangan ay tinalunton niya ang daan palapit rito. Nang makalapit na siya ay saktong humarap ang lalaki sa kanya. Ang mata'y buong pananabik na nakatuon sa kanya.

Inabot nito ang kumpol ng tulips sa kanya. Pero imbes na matuwa ay nangunot ang noo niya. Bigla kasing rumagasa ang alaala ng kahapon. She remembered their very first date at dahilan iyun ng biglang pagsikip ng dibdib.

''A-Ano na naman bang laro ito Andrew? This isn't funny at all!" May bahid ng galit ang tinig niya.

Naglaho ang ngiti sa labi ng binata. Stacey looked away dahil sa sakit na rumihistro sa gwapong mukha nito. "This is not a game Stacey! I won't exert an effort to prepare all these things just to look funny!"

Hindi siya nakasagot at humalukipkip.

"Kahit ngayon araw lang Stacey. Birthday ko ngayon. Hindi mo ba ako mapagbibigyan?"

Humarap siya rito upang tingnan kung nagbibiro lang ito. Wala ang madalas na ngiting nakapaskil sa labi ng binata. At sa halip uncertainty ang naka-rehistro doon. So, ang gwapong lalaking tulad nito ay nakakaramdam din pala ng ganoong emosyon. And like before, her heart melt by the scene. Napabuntong-hininga siya nang mapagtantong hindi pa rin niya ito kayang tiisin.

The Martinez Siblings Book I: Because I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon