Special Chapter XI: Struggles of Long Distance Relationship

7 0 0
                                    


Long distance, time differences o ang pagka-miss sa kasintahan. She's grateful about Angela's safety and Andrew has enough reason to come to Canada as soon as he can. Pero hindi nito gustong bumalik kung Tourist visa ang gamit.

"I want to stay with you for a long time. Gawin natin ito sa mabilis na paraan. Bigyan mo ako ng oras para ayusin ang mga papeles ko."

Gusto niyang mangulit at itanong kung ano ang mabilis na paraan na yun pero hindi niya nais maubos ang konting oras na mayroon sila atmauuwi sa pag-aaway. Muli ay nakuntento na lang sila na mag-usap sa video call.

Dumaan ang mga araw at lingo... Dumalang ang communication nilang magkasintahan dahil sa magkaibang-oras lalo at on-call si Andrew sa ospital. Isang chance ang nakuha niya at agad siyang nag-desisyong lumipad pa-Pilipinas.

"Bakit hindi mo na lang ilaan sa pagpapahinga. Alam kong naii-stress ka sa trabaho mo kaya bigyan mo ng oras ang katawan mong makabawi."

Sumimangot siya. "Don't you want to see me? I miss you terribly."

Mula sa screen ay bigla nalang itong lumitaw. And that bashful smile appeared in front of her. "You just don't know how hard it is for me right now? Minsan ay mas gusto kong hindi na lang tayo nag-uusap ng ganito. It's just hard seeing you up close and yet you're so far away."

Lalong sumidhi ang kagustuhan niyang umuwi kahit sandali lang. "At least I could say hi to everyone. Hindi kami nagkita ni Angela sa naging pag-uwi ko."

"Kung ganun ay ihanda mo ang katawan mong magkaroon ng jet-lag. I don't want to hear your complaints. Ipapaalam ko ang pagdating mo kila Mama kapag sigurado na."

"It sure is."

"I hate disappointments. Alam mo yan."

Hindi man niya gustong marinig yun mula dito ay nagpahinuhod siya. Hangga't hindi siya nakakalipad pa-Pilipinas ay hindi pa sila pwedeng magdiwang.

Hinila niya ang pagdaan ng mga araw. And before she knew it she was already in the Philippines, again. But this time, just to meet everyone, especially her friends Angela and Gail. And of course to spend time with her boyfriend.

Halos isang beses nga lang nakasama ang magulang ng kasintahan sa inihandang dinner ni Aurora Martinez sa maayos na pagkakaligtas sa unica hija nito. The rest of that short vacation ay inubos kasama si Andrew at ang pag-update sa sa sarili ng tungkol sa nangyayari sa Maid Cafe.

They dined out, watch movies at lahat ng ginagawa ng mga magkasintahan. Doon din sila nanatili sa condominium na binili ni Andrew bilang investment. Ni hindi na nga napansin ni Stacey ang paglipas ng mga araw. Bago pa niya nalaman ay pabalik na siya muli sa Canada.

"I don't want to let you go." Halos hindi na maalis ang kamay ni Andrew sa bewang niya habang nasa labas sila ng airport.

"Neither do I." Dinikit niya ang noo sa braso nito. When are they going to stop saying goodbye to each other? Hinanda na niya ang sarili sa muli nilang paghihiwalay. Wala siyang inaksayang segundo at lahat ay inilaan kay Andrew and now her heart is starting to shrink again. "I spend all my time with you but still not enough."

"Maswerte nga tayo at pumayag si LA na kunin lahat ng shift na hindi ko napuntahan."

"Tell him my thanks. Ipakikilala ko siya kamu sa Canadian." Biro niyang nakangiti pero ang bigat parin ng puso. "Please do fix your paper and come to Canada. Ayoko na ng long distance."

"It's not even a year. Yung iba nga ay taon ang binilang bago nagkasama."

"Sila yun, iba tayo. You can do something. I know you can. Masyado ka lang sumusunod sa alituntunin kaya lalong natatagalan." She rolled her eyes at her accusation towards him. Natitiyak niyang by the book na naman ang sinusunod nito.

The Martinez Siblings Book I: Because I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon