Kabanata 19

144 6 2
                                    

Dilim


"Anak, sino ang nagpadala sa iyo ng mga kahong ito?" tanong sa akin ni nanay habang inaantay namin si Chief.

"Hindi ko ho kilala nanay sa shop ni Tita Tori kasi 'yan iniwan," sagot ko.

"Anak, may hindi ka ba sinasabi sa akin? Magtapat ka nga, may nangyari bang kakaiba sa iyo nitong nakaraan bukod sa pagdating ni Uro?"

"Nay, mayroon nga po. Unang araw ko sa trabaho noon ng magdeliver kami ni Tom ng bulaklak sa chapel. Eduardo Lakandula, ang pangalan ng patay. Nag-log ako sa listahan ng mga bumisita dahil nahabag ako sa kanya. Wala man lang kamag-anak o kahit sino ang dumalaw sa kanya. Pagkatapos noon nay, parang puro kamalasan ang nangyari sa akin," kwento ko kay nanay.

"Nay, muntik rin po akong masagasaan buti na lamang at nailigtas ako ng mamang may pilat sa mukha. Ito nga nay, naiwan niya sa tabi ng kalsada yaong kwintas niya," dagdag ko pa at kinuha ko sa bulsa ko ang kwintas.

Tinignan ni nanay ang kwintas. Sinusuri niya itong mabuti na parang mayroon siyang nakikita na hindi ko nakikita.

"Jawo, alam mo bang mayroong ganito ang tatay mo? Teka, kukunin ko," sabi ni Nanay. Parang may kung anong tumalon sa puso ko. Ilang sandali pa ay bumalik na si nanay hawak ang isang kwintas. Iniabot niya ito sa akin.

"Nay, parehong pareho nga po. Ang galing naman po," tinitignan ko ang mga kwintas kumbaga sa tao para itong kambal.

"Anak, sigurado akong malaki ang kinalaman ni Uro sa pagkawala ni Tom. Ang mga kahong ito? Tignan mo't tila isang maze, ito ang simbolo ng isang parte ng Hacienda Gracia, ito ang laruan ni Ama noon," sa di malamang dahilan ay mayroon akong nabanaag na sama ng loob sa tono na iyon ni Nanay.

Napatigil kami ni Nanay dahil sa tunog ng sasakyang narinig namin. Dumungaw kami sa labas at nakita si Chief, nakabalik na pala sila. Kaagad namang pumunta si Nanay kay Chief.

Nag-usap sila at ilang sandali pa ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang senaryo na kahit kailan ay hindi ko inasahan. Kasama ang mga magulang ni Tom at ang mga pulis ay papunta kami sa San Miguel. Sa lugar kung saan minsang nanirahan ang aking ina.

Isinandal ko ang aking ulo sa salamin at tinignan ang kalsadang aming dinaraanan. Marami na ngang nangyari sa akin. Ang gusto ko lang naman ay makilala ang tatay ko bakit ang dami pang segwey. Napabuntong hininga ako. Patuloy kong tinitigan ang mga sasakyan hanggang sa makaramdam ako ng antok. Unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata.

"Nandito na nga yata tayo, Jun. Oo, ito na nga ang gate," naalimpungatan ako sa boses ni nanay. Pinatay ni Chief ang makina ng sasakyan.

"Walang bababa, ipapahatid ko kayo sa pinakamalapit na istasyon ng pulis para masigurong ligtas kayo," sabi ni Chief at tuluyan na siyang bumaba.

Tinawag ni Chief ang isang pulis at may binulong siya rito. Maya maya pa'y ang pulis na kausap ni Chief ay nasa loob na ng sasakyang sinasakyan namin at dadalin na kami sa istasyon ng pulis.

Bago tuluyang umandar ang sasakyan ay nakita ko ng umalis si Chief kasama ng kanyang team at pumasok na sa Hacienda Gracia. Samantalang kami ay binabantayan ng iba pang pulis at papunta na sa istasyon ng bayang ito. Pero may mali akong nararamdaman kaya kailangan ay makabalik ako sa Hacienda Gracia dapat ay naroon ako sa operasyon.

"Nay, ipahinto niyo po ang sasakyan, tinatawag po ako ng kalikasan," paalam ko kay nanay. Alam kong mali ang binabalak kong ito pero alam ko na may kahahantungan ito.

"Nay, mahal na mahal kita," sabi ko kay Nanay bago ako tuluyang bumaba kasama ng dalawang pulis. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala pero tumango siya at nagwika, "Mahal na mahal din kita, anak. Mag-iingat ka."

Nakakapagpamurang KamalasanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon