Feel ko lang magdedicate kay Ate Aya ng marami. Di ko alam, swear. HAHAHAHA.
Paano mo naman nasabi?
Dumating na kami sa venue, mabangong mabango nga e Surf Bar ang pangalan noong bar. Pagdating namin nagseset-up na sila ng mga instrumento. Yaong mga kasama ni Tom sa banda e iyon ding mga kaklase namin noong high school si Tadeo sa drums, si Jude sa lead guitar, si Santiago sa organ, bass guitar naman ang hawak ni Tom at siya rin ang bokalista. Hindi nga ako makapaniwala na Tom and Friends ang pangalan ng banda nila e, dapat All Saints Band ito dahil puro pangalan ng santo ang mga pangalan nila.
Naupo lang ako sa gilid malapit sa counter. Hindi ako iinom ng alak, tubig lang sapat na. Di man ako ang lover boy na gusto ng mga babae e, liver lover naman ako. Tsaka baka may halong sabon ito. Isa pa, menor de edad kaya ang mga tao rito kaya tiyak juice at tubig lang ang iseserve. Kalahating oras na lang bago magsimula ang program e, tinawag ako ng kalikasan. Medyo naligaw pa nga ako pero ayos lang pogi pa rin. Papalabas na ako sa banyo nang magsalita iyong mga kasabay ko sa loob.
“Pre, ready na ba yaong kahon?” nakarinig na naman ako ng kahon badtrip talaga ‘yon. Hindi na ako nagtagal, ang panghi e.
Pagbalik ko sa kinauupuan ko e, napalunok ako. Anak ng puto bumbong oh! May babaeng nakamicro skirt na nakaupo sa high stool tapos nakadikwatro pa. Mahaba ang medyo brown niyang buhok at nakasuot ng hanging blouse. Anak naman talaga ng tipaklong oh! May krisis na ba sa tela ngayon? Lalapitan ko na siya ng may biglang humarang.
“Kanina ka pa?” pagtingin ko anak ni Michael Jackson oh! Hinalikan niya sa pisngi ang babae. Si Jack Asuncion? Kulang na lang e lumuwa ang gwapo kong mata nang makita ko sa malapitan yaong babaeng kasama niya.
“A…mihan?” tinignan ko siya mula paa paitaas. Hindi naman mukhang bastusin yaong damit niya. Pero bakit ganito ang gayak niya? Biglaang pagbabago putangina! Bakit naiinis ako? Hindi ba siya nilalamig? Kulang na lang e batukan ko ang sarili. Summer ngayon Jawo! Summer!
Sasagot na si Amihan ng unahan siya ni Jack-Ass, “Bakit Jawo may problema?” maangas na tanong nito sabay tupi sa manggas nang itim niyang jacket. Pulubi yata ang isang ito e, sa tuwing makikita ko e laging iyon ang suot na jacket.
“Ako wala, baka ikaw mayroon?” sabay talikod ko. “Huwag na huwag mo akong tatalikuran, Lakandula,” hinatak niya ang t-shirt ko. At muntik na akong maisahan sa mukha, “Pare, wag sa mukha gwapo ‘yan e.”
Inis na ang mukha niya pero napawi ito ng haplusin siya sa braso ni Amihan. Bakit ako naman ang nainis? Ano bang problema ko? Bwisit! Umalis na ako roon at sa likod na pumwesto. Aba! Mahirap na muntik nang madisgrasya ang kagwapuhan ko kanina.
Nagmamasid lang ako sa paligid. Di ko maiwasang di mapailing. Mga naninigarilyong kabataan ang nasaksihan ko. Magkano nga ba ang isang piraso ng kamatayang ito? Tatlong piso? Sa halagang tatlong piso mababawasan ang buhay mo. Mura lang pala ang kamatayan.
Saktong alas sais ng gabi nagsimula ang programa. Maingay at maraming sponsors na binanggit. May mga nagfront act at anak ng dahong palay oh! Ilang beses ba ako magugulat ngayong araw? Bakit nagfront act si Jack-Ass at si Amihan? Anong kabalintunaan ang ginagawa nilang pagsayaw sa harap? Bakit tila bumabaligtad ang sikmura ko at parang nanggigigil ako nang lumapat ang palad ni Jack-Ass sa beywang ni Amihan? Anong kawirduhan ito? Putangina. Hinablot ko ang tubig na iniaabot ng waiter at ininom ito para maalis ang nakakapaksyet na pakiramdam na kasalukuyan kong nararamdaman. Gumana naman at medyo naibsan ito. Nang matapos na silang sumayaw kung sayaw nga ba ang tawag doon para lang kasi silang magsyotang naglambingan sa harap e tinawag na ang mga kalahok. Marami rin pala ang kasali. Sampu ang participants at unang magtatanghal sila Tom. Nakita ako ni Tom at kumaway. Sinaluduhan ko naman siya at sumigaw na galingan niya.
BINABASA MO ANG
Nakakapagpamurang Kamalasan
Humor"Nakakapagpamura man ang buhay ko, malas man ako sa pantaha niyo. Gwapo naman at ang matindi pa e, isa pa ring alamat." - Jaworski Lakandula © ubiquitous_stories