Kabanata 8

349 30 22
                                    

Maraming Salamat

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng mangyari ang insidenteng iyon. At sa totoo lang unti-unti akong kinakain ng takot. Paanong ang isang peklat sa mukha ng tao ay maaaring magdulot ng ganitong pangamba? Hindi ko maintindihan.

“Pre, akala ko lilibing ka?” tanong ni Tom sa akin. Binatukan ko siya dahil sa tanong niyang mali ang balarila.

“Sira! Hindi ako lilibing, makikipaglibing!” hinimas niya ang batok bago sumagot, “Oo na! Ito naman poot na poot!”

“E, sa mali naman talaga!” dagdag ko pa tsaka ako tumayo.

“Saan ka pupunta?” nakakaubos na ng pasensya itong si Tom, pasalamat na lang siya at kaibigan ko siya! Tangina napakatanga e!

“Ililibing kita! Tumayo ka na nga riyan at pupunta na tayo roon,” tumayo naman siya at sabay na kaming naglakad.

Sabado ngayon at sa pagkakaalam ko ngayon ang libing ni Eduardo Lakandula. Hindi ko alam kung bakit gusto kong pumunta sa libing niya pero kasi… basta! Hindi ko maipaliwanag!

“Sigurado ka ba diyan?” tanong ni Tom sa akin.

“Hindi ko alam pero masama ba? Wala namang mawawala di ba?” umiling lang siya at nagpatuloy na.

Habang naglalakad kami ni Tom napapaisip pa rin ako. Ano bang pumasok sa kokote ko at gusto kong makiramay sa lalaking kaapelyido ko? Tanong din ang sagot sa mga katanungan ko.  

Isang liko na lang at malapit na kami sa chapel ng may nakita kaming nagkakagulo. Maraming tao, pero isa lang ang sigurado mga tsismoso’t tsismosa ang mga ito.

“Anong nangyari?” tanong sa akin ni Tom.

“Iyan ang aalamin natin,” sagot ko tsaka ako tumakbo.

May mga pulis sa lugar. Nilagyan nila ng harang ang harap ng chapel. Tinangka kong lagpasan ang harang  na ito pero sinita nila ako. Kaya ang ginawa namin, pumunta kami sa isang maliit na eskinita na ang dulo ay isang puno malapit sa chapel, hindi kalayuan ang pwesto namin ni Tom sa mga nag-uusap na pulis kaya rinig pa rin namin ang pinag-uusapan nila.

At base sa narinig ko, nawawala ang bangkay.

“Bakit kaya nawala ang bangkay pare?” umupo ako sa upuang kawayan sa tabi ng puno bago ako sumagot.

“Hindi ko alam. Pero dalawa lang ang nakikita kong rason, una baka may atraso siya sa taong gumawa ng pagnanakaw na ito. Pangalawa, baka naman…” tumingin ako kay Tom.

“Baka ano?” tanong nito.

“Baka, hindi talaga ninakaw ang bangkay kundi…”

“Ano nga?” iritang tanong nito.

“Baka nabuhay!” natatawang sagot ko dahilan para batukan ako ni Tom.

“Nagkakalokohan na tayo rito pare. Umuwi na nga tayo baka nilibing na ng patay ang sarili niya,” sabi ni Tom sa akin.

“Psh. Sira!”

“Teka, pre iihi lang ako mauna ka na sa may panaderya mo na lang ako hintayin,” sabi ni Tom sa akin, nagtataka man sinunod ko siya at  umalis na ako. Karumaldumal kasi ang amoy ng ihi ni Tom.

Halos limang minuto rin akong naghintay sa panaderya. Ewan ko ba riyan kay Bartolome, tatlong litro yata ang inihi.

“Putragis Tom! Napakatagal mo naman! Ilang litro ba ang inihi mo?” natawa lang ito. Pero may kakaiba sa ikinikilos niya. O baka napaparaning lang ako?

“Nadulas kasi ako. Tangina! Ang sakit ng puwitan ko pre!” sabi na napapraning lang ako. Kakaiba ang ikinikilos niya dahil nadulas siya. Ang tanga talaga!

Nakakapagpamurang KamalasanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon