Kabanata 12

377 22 11
                                    

Kinilig talaga ako sa comments mo Ate! Salamat!

Sagot sa mga Katanungan

Dala ang ilang artikulong nakalap ko tungkol kay Eduardo Lakandula ay lumisan na ako sa bahay nila Tom. Sa dirty kitchen nila ako dumaan sa likod ng bahay nila dahil dumating na ang mga magulang niya. Ngayon lang ako sobrang natuwa sa pagdating nila dahil parang nakaligtas ako sa isang tanong na di ko matutop ang tamang sagot.

“Ako may gusto kay Amihan?” tanong ko sa sarili kasabay ang pagturo ko sa bandang puso. Ano ba ito, nababaliw na ba ako?

Naglakad na lang ako at hindi na nagsalita baka kasi mapagkamalan akong may sayad dahil kinakausap ko ang sarili ko. Sinisipa ko ang maliliit na bato na nadaraanan ko at ang tangi kong naalala e ang mukha ni Amihan nang aksidenteng mabato ko siya noong mga bata pa kami. Napangiti ako pero agad din akong napailing. Ano bang nangyayari sa akin?

Umupo ako sa may waiting shed na sira na yaong upuan, idagdag pa na naalis na ang pintura nito. Pero ayos lang, basta makaupo lang ako okay na. Napagod ang kagwapuhan ko sa paglalakad e.

Tinignan ko ang mga papel na hawak ko at binasa ito. Wala namang kakaiba kay Eduardo Lakandula, isa siyang environmentalist at drug advocate. Hindi naman siya sobrang yaman dahil base sa mga nakalap ko e hindi siya nakapagtapos sa kolehiyo. Anong rason bakit ginawa ito sa kanya? Napakapit ako sa tubo ng waiting shed dahil muntik nang bumigay ang upuan nito. Sus ginoo! Muntik na ako roon. Pumara na ako ng dyip at sumakay. Habang nakadungaw ako sa labas e naririnig ko ang usapan ng mga aleng katabi ko.

“Nabalitaan niyo ba yaong nangyari sa Surf Bar? Yaong may nalaglag na bangkay? Diyos ko! Masyado nang makasalan ang mundo. Marami ang nahulihan ng droga karamihan mga kabataan pa. Ano bang nangyayari? Katapusan na ba ng mundo?” eksaheradang sabi ng isang babaeng sa tantiya ko ay nasa edad tatlumpo na. Pabirong hinampas naman siya ng isa pang babae, sa pakiwari ko, sila’y magkumare. “Mare, huwag ka ngang praning. Hindi pa katapusan ng mundo. Katapusan pa lang ng buwan! Nagbayad ka na ba sa Meralco? Baka maputulan kayo ha? Napakainit pa naman ngayon,” napangiwi ang kanyang ‘kumare’ sa sinabi niya. Maging ako ay natawa nang mahina. Anong koneksyon nito sa hinihumutok noong ale na kumare niya? Ang labo talaga.

Hindi na ako nakinig pang muli sa kanila. Papadilim na rin at ako na lang ang nag-iisang sakay ng dyip. Pwede nga akong gumulong sa loob e. Pagdaka’y may sumakay na lalaking naka-dilaw. “Bayad nga,” sambit nito. Inabot ko naman ang bayad niya sa drayber. “Saan bababa?” tanong ng drayber. “Sulucan,” sagot naman nito. Tinignan ko siya. Taga-Sulucan ako at kailanma’y di ko siya nakita sa barrio namin. Bago siya roon? O baka may dadalawin? E, ano bang pakielam ko?

Kaunting minuto pa at nakababa na ako sa kanto. Ang ipinagtatakha ko lang e kung bakit nakasunod sa akin ang lalaking nakasabay ko sa dyip. Medyo nakakatakot. Alam kong artistahin ako pero hindi naman yata tama na hindi pa nga ako lumalabas sa mga palabas e may paparazzi na agad. Unfair para sa ibang nasa industriya na. Pero syempre biro lang ‘yon! Kinausap ko siya sa kabila nang pangambang bumabalot sa ‘kin mukha kasing may problema siya.

“Mawalang galang na ho pero mukhang may problema ho kayo. May maitutulong ho ba ako?” magalang kong tanong. Ako lang ba ito o sadyang parang nakakita siya ng bituin sa pagkakangiti niya? Diyos ko! Sabi na dapat hinayaan ko na lang.

 “Nakakaloka kasi e! Naliligaw na yata ako. Saan ba itey? Itong address na itech?” ano ba ito? Itey? Itech? Diyos ko! Lalaking lalaki ang dating tapos… tapos kikay pala! Kakaiba talaga.

 “Pogi, haggardo versoza na ang byuti ko. Saan ba ang haws na ito pogi?” napakamot na lang ako. Inilahad niya sa akin ang address at nagulat ako.

“E, address ito ng bahay namin ah? Sino po ba kayo?” napatakip siya sa kanyang bibig. Sinipat niya ang mukha ko tapos hinawakan ang magkabilang braso sabay yakap. Ay teka! Ano ito? “Teka lang ho, maaari na ho kayong bumitaw,” sabi ko.

Nakakapagpamurang KamalasanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon