Chapter 1

1.4K 38 8
                                    

A/N: Before you proceed, please be guided that this book is an LGBT book (MXM). If you don't like this kind of genre, ngayon palang, sinasabi ko na na umalis ka na dito! Huwag niyo akong ibash dahil marami na akong mga basher sa buhay kaya huwag ka ng dumagdag pa!

Ps. Be ware of profanities and Spg scenes. This story in unedited. Sadyang nag improve lang ang writing skills ko. Charot HAHAHAH

Ok yun lang.

_____________

Chapter 1

Laurence

Nandito kami ngayon sa quadrangle ng school at dito namin naisipan na mag study. Vacant time kasi ngayon at dito namin naisipan na pumunta. Hindi naman mainit dito dahil may mga puno dito na nagsisilbing lilim sa init ng araw. Marami ding mga kapwa namin mga estudyante na nandirito, may mga ilan na dito pinili na kumain ng lunch dahil may mga booth stores at vending machines dito. Parang park ito kung titiningnan.

"Rence," basag ni Ela.

"Hmm?" Sagot ko na hindi parin inaalis ang
tingin sa libro.


"Tignan mo kanina pa iyang si Wade nakatingin sa direksiyon natin. Siguro may crush na siya sa'kin? hihi" Halatang kinikilig na sabi nito.


"Ambisyosa ka Ela. Eh kung mag aral ka nalang kaya? Sige ka hindi talaga kita papakopyahin?" Baling ko sa kaibigan kong si Mechaela na inignora lang niya.


Speaking of Wade, hindi ko alam kung anong mayroon sa lalaking iyon. Lagi siyang sunod ng sunod sa akin. Lagi din ako nitong kinukulit. Hindi ko naman masasabi na bully o pinag ti-tripan ako nito dahil wala naman itong kalokohang ginagawa. Sunod ng sunod lang talaga ito sa'kin. Tuwing uwian ay lagi ako nitong inaabangan sa gate ng school at bigla-bigla nalang sasabay sa paglalakad ko.

Minsan din ay bigla nalang ako nitong bibigyan ng pagkain na sinusubukan kong tanggihan pero itong kaibigan kong matakaw ang tumatanggap. Parang hindi naman yata gano'n ang pamamaraan kung gustong makipag kaibigan ng isang tao? Ayaw ko namang sabihin na may crush sa sa'kin dahil malabong mangyari ang bagay na iyon sa pagitan naming dalawa! Sadyang kakaiba lang talaga siyang kumilos na hindi ko maintindihan kaya lagi ko itong iniiwasan.

He's a creepy weird guy. I must say.

Hindi ko rin maiwasan ang makaramdam ng hiya dito dahil sikat ito sa school kahit na payat ito at nerd. At sa dinami-daming tao dito sa school ay kami pa talaga ang pinili niyang lapitan.

"Hala Rence! Papalapit na siya oh!" Tarantang sabi nito nang makitang papalapit sa direksiyon namin ang payatot na anak ng principal na si Godwill Wade Dela Fuente. Kaka transfer lang nito noong mga nakaraang linggo at nagkataon pa na naging kaklase namin ito.

Halatang may crush dito ang kaibigan ko. Inaamin ko na may hitsura naman talaga ito kahit payatot ito at nerd.

"Ang gwapo-gwapo niya talaga kahit payat siya." Kilig na turan nito.

"Umayos ka nga d'yan Ela. Ikaw talaga puro lalaki at gwapo ang inaatupag mo imbes na mag aral. Maliit na panahon nalang ang gugugulin natin para matapos tayo sa highschool kaya huwag mo munang isabay ang crush-crush na ganyan at baka mabuntis ka pa ng maaga" Inirapan lang ako nito.

"H--Hi" parang nahihiya na sabi ni Wade nang makalapit ito sa pwesto namin. Hindi ko alam pero parang nakakaramdam ako ng kaba kapag nilalapitan niya ako—kami.

Shit lang bakit ba ako kinakabahan sa lalaking 'to?


Pinili ko na umakto na parang hindi apektado sa prensensiya nito.


DFS 1: My Boss Is My Ex-loverWhere stories live. Discover now