Chapter 14

442 20 4
                                    

Chapter 14

Laurence

Lunes...

"Hoy Laurenzo magmadali ka na d'yan! Ano bang ginagawa mo at hindi ka pa bumababa d'yan? Male-late ka na sa trabaho mo! Kukupad-kupad kang kumilos ano ka? Ceo?! Naku kang bata ka nakakahiya sa boss mo!" Ang umalingaw-ngaw na sigaw ni mama mula sa baba.

Nandito parin kasi ako sa loob ng kuwarto ko nakaharap sa salamin at inaayos ang buhok ko. Ewan ko ba pero sa pag aayos talaga ako ng buhok natatagalan.

"And'yan na ho ma!" Sigaw ko pabalik at pinasadahan ng kamay ang buhok ko bago bumaba.

Pagkababa ko ay naabutan ko ito sa sala na busing-busy sa pag aayos ng bagong bili nitong appliances at mga gamit para sa mga bata. Napakunot ang noo ko dahil dito.

San kaya nakakuha si mama ng pera? Nagtatakang napatanong ako sa sarili.

"Ma bakit may bago kang appliances? San ka nakakuha ng pera pambili?" Takang tanong ko. Kita kong nagulat ito sa tanong ko.

"Ah... eh... p--pinag ipunan ko. Oo. Hindi ba't sinabi ko sayo dati na plano kong bumili ng flat-screen tv tsaka washing machine? Kaya eto na. Bumili na ako." Sagot nito.

Oo nasabi nga dati ni mama na gusto n'yang bumili ng appliances para dito sa bahay lalo na yung tv dahil kamailan lang ay nasira yung tv namin tsaka washing machine din para hindi na daw s'ya maglaba gamit ang kamay.

"Baka nangutang nanaman kayo sa payb-six ha?" Sabi ko.

"Ay hindi ah! Pinag ipunan ko talaga ito!" Depensa nito. Pinaniwalaan ko nalang ito.

"Gwapo ko na ba ma?" Pakuway na tanong ko. Umakto pa akong modelo sa harapan nito at pinasadahan ng kamay ang labi ko.

"Aba'y oo naman!" Mabilis na pag sang ayon nito. "Gwapong-gwapo naman talaga ang panganay ko sadyang may pagka bungaw lang," napanguso ako sa huling sinabi n'ya. Ngingiti na sana ako ng malaki pero napawi iyon dahil sa huling sinabi nito.

"Good mood tayo ngayon ma ha?" Tanong ko.

"Oo naman. Sinusunod ko lang ang payo mo na dapat simulan ang araw ko ng good vibes dahil hindi nakakaganda kung palagi nalang ako nakakunot ng noo. At natutuwa rin ako dahil mas lumalakas ang benta ng gulay sa pwesto natin sa palengke." Aniya.

"Talaga ma? Sana palagi lang malakas ang benta natin sa palengke para palagi kayong good mood para hindi palaging bad vides sa bahay natin," sabi ko.

"Ano kamo? Hoy ikaw Laurenzo ako'y tigil-tigilan mo at baka malintikan ka sa'kin?" Duro nito sa'kin ngunit alam ko na hindi ito galit. Kahit na palaging matalak itong mama namin ay s'ya parin ang dabest mother in the world para sa'min.

"Ma, thank you po sa lahat-lahat. I love you," Buong ngiti kong sabi dito. Hindi ko mapigilang yakapin ito. Sinamantala ko na ang pagkakataon na yakapin ito dahil nasa good mood ito ngayon.

"Thank you saan? Naku Laurence ha lubuyan mo nga ako't ayaw ko sa mga drama-drama na yan." Pilit itong kumawala sa yakap ko ngunit nas hinigpitan ko lang ang pagkakayakap dito.

"Ma, salamat sa lahat-lahat ng mga sakripisyo mo sa amin. Alam ko na sawa ka na sa buhay na ganito dahil ilang beses ka na naming nadissapoint ay heto ka parin at hindi mo kami pinababayaan ng nga kapatid ko. Kahit na walang kwenta ang mga tatay naming magkakapatid ay nagpapasalamat parin kami dahil ikaw ang naging nanay namin. Para sa amin ay ikaw ang pinaka super-ultra-mega-giga at dabest mama in the world. Salamat sa pagtitiis mo at pagtaguyod sa amin kahit na mahirap kaya ipinapangako ko sayo ma na i-aahon ko kayo ng mga kapatid ko sa hirap. Magsusumikap akong magtrabaho kahit na magkanda kuba-kuba pa ako; basta ang mahalaga ay maiahon ko kayo sa hirap. Promise ko po yan ma," mahabang turan ko at hindi ko mapigilan ang maluha. Kumalas naman ako sa yakap at binigyan ito ng matamis na ngiti.

DFS 1: My Boss Is My Ex-loverWhere stories live. Discover now