Chapter 4

762 31 1
                                    

Chapter 4

Laurence


"Kuya? Matagal ka pa ba d'yan? Taeng-tae na ako. Ano bang ginagawa mo d'yan?" Sigaw ni Jepoy mula sa labas ng pintuan ng banyo. Namimilipit ito sa sakit ng tiyan. Kanina pa kasi ito nagpipigil sa tawag ng kalisakan niya.


Denedma ko lang ito at nagputuloy sa pagligo. Ngayon lang ako ginahan na maligo kahit malamig ang tubig. Siguro, dahil 'to sa excitement na nararamdaman ko, unang araw ko kasi ngayon sa trabaho.


Sa awa naman ng diyos ay natanggap ako sa trabaho. At ang hindi ko mapaniwalaan ay si Godwill Wade pa talaga ang amo ko! What a small world indeed. Hindi ako makapaniwala na naging malusog na siya at higit sa lahat ay ang laki-laki na ng pinagbago niya.


"Tangna kuya lalabas na siya! Maabutan na dito!" Sigaw nito mula sa labas pinipigilan nito na hindi maabutan ng tawag ng kalikasan.

"Putragis naman 'tong si Jepoy eh" Inis na turan ko at napilitang magbanlaw. Sumilip ako sa pinto.


"Ano ba Jepoy? Naliligo pa ako dito oh? Pagbigyan mo naman muna ako mga ten minutes pa pwede?" Pagalit na ani ko dito.


"Eh kinana ka pa d'yan eh. Ang tagal mong maligo. Ano bang ginawa mo d'yan kuya? Mamaya ka nalang magjakol d'yan sa loob kuya taeng-tae na talaga ako hindi ko na kayang pigilan." Anito.


"Hoy tado ka wala akong ginagawang kababalaghan dito ha—"


"Oo na kuya 'wag ka nang maingay d'yan papasukin mo na ako." Anito at tinulak ang pinto dahilan para makapasok ito sa loob.


"Hoy hoy anong ginagawa mo? Teka lang Jepoy wala akong sout na brief!" Tarantang sabi ko nang tinulak nito ang pinto para pumasok.


"Eto naman si kuya, pareho naman tayong lalake eh. Takpan mo nalang iyang pototoy mo,"


"Takpan mo nalang din yung ilong mo kuya." Anito at wala na itong sinayang na oras at agad-agad nitong ibinaba ang shorts na sout nito at kaagad na umupo sa iniduro at kasunod ay nagpasabog na ito ng mabahong amay na sama ng loob.



"Putragis ka Jepoy ang baho!" Reklamo ko at agad na lumabas ng banyo. Mabuti nalang ay nakapagtapis ako ng tuwalya.


Hindi na ako nito pinansin. Abala na ito sa pagpapasabog ng sama ng loob.


"Mama oh si Jepoy walang modo bigla-bigla nalang pumapasok sa banyo habang naliligo ako!" Sumbong ko kay mama na nasa kusina at abala sa pagluluto ng agahan.


Ako ang panganay sa aming magkakapatid ngunit minsan ay ako ang parang umaakto na bunso dahil sa may pagka isip bata ako minsan.


Katulad nalang ngayon na tudo sumbong ako dahil sa nalanghap ko pa ang amoy ng tae ni Jepoy.


"Hay naku Laurenzo. Tigil-tigilan niyo ako ha ke aga-aga pa't binubwesit n'yo na agad ako!" Pagalit na ani ni mama.


"Eh kasi naman si Jepoy hindi makapaghintay, alam niya naman na naliligo pa yung tao eh—"


"Isa?!" Akmang ibabato na sa'kin ni mama ang hawak nitong sandok kaya napatigil ako sa pagsasalita.



"Sabi ko na nga po magbibihis na ako..." nakalabing ani ko at walang nagawa kundi ang tumalikod na para umakyat sa kuwarto.


"Hayyy diyos ko! Ang kukulit ng mga anak ko! Malas na nga ako sa mga naging asawa ko, malas pa sa mga anak. Ano bang klaseng buhay 'to?" Ayan nanaman tayo sa pagpaparinig ni mama.


DFS 1: My Boss Is My Ex-loverWhere stories live. Discover now