Chapter 11

672 30 0
                                    

Chapter 11


Laurence


Dumaan muna kami sa isang mall para bumili ng damit pamalit sa damit na sout ko kanina dahil sa may nagkalat ditong katas ko. Habang s'ya ay hinubad naman ang sout n'yang suit at itinira nalang ang panlood nitong puting white na long sleeves.


I really feel claustrophobic inside here. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kasama ko na nandito sa loob ng sasakyan. Panaka-naka ako nitong inaalis ang tingin sa daan para bigyan ako ng tingin.


Hiyang hiya ako dahil sa nangyari. Parang gusto ko nalang mawala nalang bigla dahil sa sobrang hiya. Sana bigla lamunin nalang ako ng upuan sa loob ng kotse na ito.


Putragis Laurence! Ang lakas-lakas mong umungol! Sigaw ko sa sarili. Bakit ko ba hinayaan na mangyari yun? Hindi ko siya dapat hinayaan na gawin sa'kin yun!


Pero bakit gano'n ang naging reaction ng katawan ko? Nakakahiya! Ang bakla-bakla ko! Bakla na ba ako? Pero lalaki ako eh, hindi dapat gano'n. May mga crush akong babae eh.


Pero may naging karelasyon ka na ba? Sabat ng boses sa isip ko.


Inaamin ko na wala pa akong naging karelasyon pero... dahil lang yun sa mas inuna ko ang pamilya ko kaya wala hindi ako pumasok sa pakikipag relasyon. Ewan ko ba sa sarili ko pero wala pa akong enteres na maghanap ng girlfriend—sa ngayon. Pero alam ko talaga sa loob ko na babae ang gusto ko.


Baka naman may pagka bading ka talaga hindi mo lang alam? Sabat ulit ng boses sa utak ko.


Sa kabilang banda ay hindi ako nakaramdam ng pandidiri sa nangyari. Parang may kung ano pa nga sa loob ko na nagsisimulang umusbong at parang... parang nagustuhan ko pa nga ang ginawa niya—tangna!


Umayos ka nga kahit na kaunti ngayon lang Laurence? Anong ba 'tong pumapasasok sa isip ko?


Arghhh! Putragis! Hindi pwede 'to Laurence!


Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Lalo na nang dilaan nito ang katas na nasa kamay nito.


Naramdaman kong may nabubuhay na bagay sa loob ng pantalon ko. Dahil sa naiisip ko. Shit! Umayos ka Laurence!Kalimutan mo yun Laurence! Lihim kong tinampal ang sarili ko para maalis ang bagay ba nasa loob ng isip ko.


Ano ba kasi ang pumasok sa utak n'ya at naisipan niyang gawin iyon sa'kin? Tsaka bakit ba tinatawag n'ya akong love? May pagka possessive din s'ya gaya nalang nung nangyari nang kasama ko si Christine 'tas yung kanina sa elevator nang nagpakilala si Ralph. Tapos yung pag promote n'ya sa'kin bilang secretary? Ano bang plano n'ya? fuck! Naguguluhan talaga ako sa kinikilos n'ya.



Mag ingat ka Laurence baka paraan n'ya lang yan para gantihan ka. Dinig kong bulong ng boses ni Ela sa loob isip ko.



Oo nga. Dapat hindi ako magpadala sa mga ikinikilos niya. Baka ka nga paraan niya 'to para gantihan talaga ako sa ginawa kong pamamahiya sa kanya dati. Pero matagal na panahon na yun eh. Mga bata pa kami nun tsaka sa kilos na ginagawa ni Wade. Mukha naman siyang mabait. Sadyang may pagka bipolar lang talaga minsan.


Mukhang napansin yata nito ang pagiging tahimik ko. Maya't-maya ako nitong tinitingnan pero hindi ko ito pinapansin. Lalo na't naiilang ako sa mga tingin niya.



Paminsan-minsan ay nagsasalita ito at may mga bagay itong itinatanong. Sinasagot ko naman ito ng hindi nililingon at tipid lamang ang mga tugon ko dito.



DFS 1: My Boss Is My Ex-loverWhere stories live. Discover now