Chapter 9

722 27 0
                                    

Chapter 9


Laurence


Naghuhurumintado parin ang puso ko dahil sa kaba.


Masyado kasing malapit ang mukha nito sa mukha ko. Literal na naaamoy ko na ang fresh breath nito na tumatama sa mukha ko habang nagsasalita ito.


What the? hahalikan nanaman ba ako ng lalaking 'to?


Hindi! Hindi ko na hahayaan na mahalikan niya ako sa pangalawang pagkakataon! Nakuha niya na yung first kiss ko kaya hindi ko na hahayaan na sa kanya pa mang galing ang second kiss ko!


"B--bitawan mo nga ako!" Utal na sabi ko at tinabig ang kamay nito.


He just give me a simper smile as he smirked


Hindi parin nito binibitawan ang pagkakahawak sa baba ko.


"What?" Kunwaring tanong nito habang may mapaglarong ngiti ito sa labi.


Naramdaman ko ang paghapit nito sa bewang ko gamit ang isa niyong kamay.


Kita kong pinasadahan nito ng tingin ang mga labi ko bago nito dinilaan ang mga labi niya para basain.


Kinakabahan na napalunok ako ng sunod-sunod.


Shit Laurence ayan nanaman siya! Sigaw ng boses sa loob ng utak ko.


Agad-agad ko itong tinulak bago paman niya magawa ang plano niyang gawin.


"L--layuan mo nga ako!" Sabi ko.


"Ano nanaman ang gagawin mo ha?" Pag-aakusa ko dito.


Hindi ako nito sinagot sa halip ay nakangisi lang ako nitong tiningnan.


"What? I ain't doing anything," nagmamaang-maangan pa ito.


"H--hahalikan mo nanaman siguro ako 'no?"


"Sinasabi ko sayo, huwang mong gagawin na ulit iyon kung hindi... kung hindi..."


"Kung hindi ano?" Hindi parin nawawala ang ngiting aso nito.


Tangina neto ba't ba ako kinakabahan? Ikalma mo ang sarili mo Laurence!


"S--susuntokin ulit kita!" Sabi ko.


Akma naman itong lalapit ulit. Napaatras naman ako.


"Then do it," unti-unti nanaman itong lumapit.


Wala sa sariling napatakbo ako sa loob ng office nito.


"D'yan ka lang huwag mo akong lalapitan! Gago ka!" Sigaw ko dito. Nasa likod ako ng sofa na nandito sa loob ng office nito.


He just chortle while giving  me an amused look.


Baliw ba itong lalaking 'to? Ba't parang natutuwa pa siya? May saltik talaga ang taong 'to.


"Alam mo bang first kiss ko yun ha?!


"I'm glad, I was the first one to kiss you," ani nito.


"Gago ka Wade! Wala kang karapatan para gawin sa'kin yun! Bakla ka ba?!" Sabi ko pero bigla nalang nagdilim ang mukha nito. Mukhang na offend ko yata siya dahil sa huling sanabi ko.


Parang kanina lang ay pangisi-ngisi pa ito pero parang bigla nalang nag iba ang timpla nito.


"Go to work, stop being so stubborn," malamig na sabi nito at tumalikod para tunguhin ang table nito at naupo sa swivel chair nito.


DFS 1: My Boss Is My Ex-loverWhere stories live. Discover now