Chapter 5

784 39 2
                                    

Chapter 5

Laurence




Tahimik kong tinitingnan ang pagpalit ng numero sa elevator. Mag isa lang ako sa loob ng elevator papunta sa 27th floor.


Bahagya kong inayos ang sout kong corporate suit na nabili ko lang sa ukay-ukay sa halagang isang daan. Kahit papaano ay mukha akong decente ang malinis tingnan. Hindi rin mahahalata na galing lang sa ukay-ukay ukay ang sout ko.


Pinasadahan naman ng kamay ko ang aking buhok para ibalik ito sa ayos, medyo nagulo kasi ito ng kaunti dahil sa hangin na tumatama habang nasa loob ako ng sinasakyan kong jeep.


Naks naman Laurence, tayong mayaman kahit ukay-ukay lang ah? Pogi din natin ngayon ha? tsk!


Napangiti ako dahil bagay na bagay sa'kin ang sout ko ngayon. Mas lalong kitang-kita ang taglay kong kapogian.


Nang tumunog ang ang elevator sa 27th floor, inayos ko ulit ang sarili ko bago humakbang palabas.


Pumasok kaagad ako sa lobby ng DF Construction at doon ko nakita sa lobby ang receptionist.


Agad naman ako ditong lumapit para bumati.


"Hi ma'am good morning po. Ako po yung bagong accounting assistant—"


"English please" maarteng sabi nito. Inirapan pa ako nito sabay subo sa lollipop na hawak nito.


Hindi ko maiwasan ang pakunot ang noo ngunit pinilit ko na ngumiti ang magpaka propesyonal. Bago palang ako dito kaya hindi ako maaaring gumawa ng bagay na magiging nitsa ng pagkatanggal ko sa trabaho.


"Sorry about that ma'am. As I was saying, I'm Laurence Aiden Gomez I'm the new accounting assistant of—"


"Mr. Gomez?" Putol nito sa pagsasalita ko.


"Yes ma'am" nakangiti kong sagot kahit na medyo nababanas na ako sa pagkamaarte nitong receptionist na 'to.


"Oh, so it's you? Mistor Woyde wonts you to his offix. He told mewr that you should go to his offix befowr you go hor." Anito at tinuro ang daan papuntang main office ni boss.


"Huh?" Naguguluhang sabi ko. Hindi ko kasi masyadong naintindihan ang sinabi niya dahil sa subo nitong lollipop habang nagsasalita.


Inirapan naman ako nito bago inilabas sa bibig nito ang subong lollipop. "My god simple instructions you connot follow" mataray nitong ani.


Tangna! Nakakaasar 'tong babaeng 'to. Eh kung hindi ka sana abala d'yan sa pagsubo ng kendi mo edi sana magkakaintindihan tayo! Inis na ani ko sa loob ko.


"Sorry ma'am," hinging paumanhin ko.


"Sabi ko, pinapapunta ka daw muna ni boss sa private office n'ya. Kakausapin ka daw muna ni Boss bago ka pumunta dito. Since nandito ka naman, mag log in ka na muna dito bago ka pumunta sa office n'ya."


Ayon edi nagkaintindihan din tayo! Tss.


Gusto kong pang ikutan siya ng mata. English daw pero nagtagalog naman pala. Tsk.


"Thanks" Ani ko at pilit na nagsulat ng pangalan ko sa log book bago bumalik sa elevator. Nakita ko pa ang pag irap nito bago ako tumalikod.


Hindi ko nalang ito pinansin at samakay nalang ulit sa elevator at pinindot ang pinakamataas na floor ng building kung saan nandoon ang office ni boss.


DFS 1: My Boss Is My Ex-loverWhere stories live. Discover now