Chapter 2

799 36 1
                                    

Chapter 2

Laurence




Halos mamuti na ang mga mata ko dahil sa pagud at gutom. Kanina pa ako palakad lakad dito sa kalsada at ilang kompanya na ang pinag apply-an ko pero ni isa ay walang may tumanggap sa akin. Sinabi lang na tatawagan nalang daw nila ako pero ang totoo n'yan ay hindi naman pala.




"Hayyy" mahabang pag buntong hininga ko.




"Burpppp..." Tunog ng mga gutom na mga alaga ko sa loob ng tiyan ko.




Napahinto naman ako sa paglalakad at napayukong tinignan ang tiyan ko at hinawakan ito.




"Easy lang kayo d'yan mga buddies... heto na hahanap na si master n'yo ng malipat gotohan para makakain na tayo." Napangiti ako at nagsimula ulit sa paglalakad.




Minabuti ko na maghanap muna ng gotohan o karenderya na malapit lang na pwedeng makainan. Isa lang naman akong dukha at wala akong pera para kumain sa mga fast food. Sakto lang din ang isang daan na pera sa loob ng wallet ko na sapat lang para pamasahe pauwi.




Kaya ako nag resign sa dati kong pinagtatrabahuan ay dahil sa maliit ang pasweldo at mag iisang taon na ako doon sa dati kong pinagtatrabahuan pero hindi pa ako nagiging regular employee. Iyon ang rason kong bakit ako nag resign dahil hindi sapat ang sinasahod ko para tustusan ang pangangailangan ng pamilya ko. Sapat lang ang sinasahod ko para sa pang gatas ng mga pamangkin ko.



Totoo nga na mahirap talaga ang maging mahirap pero mas mahirap ang walang pangarap. Kaya kahit na mahirap... heto ako't nagsusumikap para maiahon ang pamilya ko sa hirap.




Naks magkaka tugma lahat ah?




Panay ang pagtulo ng pawis ko habang naglalakad sa ilalim ng tirik na sikat ng araw. Nakalimutan ko kasi na magdala ng payong eh. Kaya ang siste eh, inilagay ko nalang sa ulo ko yung dala-dala kong folder para maibsan ang init ng araw.




Ilang sandali lang ay may nakita akong gotohan na nasa kabilang kalye lang kaya dali-dali akong tumawid nang kalsada at tinungo ito para doon ay kumain muna at pansamantalang magpahinga.




"Anong sayo noy?" Tanong ng babae




"Isang goto nga po" sagot ko at naupo na sa maliit na mesa na plastik.




"Ano pa?"




"Ah dalawang basong tubig" Ani ko. Kanina pa din kasi ako uhaw na uhaw dahil sa init. Ramdam ko din na basa na ang likuran ko dahil sa pawis.




"Sige, maupo ka na muna at maghintay d'yan." Ani nung babae bago ito pumasok sa loob.




"Hoh. Ang init talaga dito sa pinas" mahinang ani ko habang maingat na inaayos pataas sa mga braso ko ang manggas ng sout kong light blue na long sleeves. Nagpaypay din ako gamit ang dala kong folder dahil hindi nanonoot talaga ang init ng araw sa balat ko.




"Eto na po ang order n'yo ser." Basag ng babae sabay lapag ng inorder ko sa lamesa.




Tinawag pa talaga akong sir? Eh sa itsura kong 'to na mukhang dugyot? Ser pa ba ako nito? hahaha.




"Salamat ho." Sabi ko ng nakangiti.




"Walang anuman" balik na sabi nito at nginitian din ako bago ito tumalikod para asikasuhin ang iba pang customer.




Una kong ininom ang isang basong tubig dahil kanina pa talaga ako nauuhaw. Pagkatapos ay nagsimula naman na akong kumain.





...

Kahit na medyo bitin ang kain ko at kahit na dumadaing pa ang mga alaga ko sa loob ng tiyan ko ay wala naman akong magawa dahil salat talaga ako sa pera.




Ininom ko nalang ang isa pang baso ng tubig at ilang pahinga muna ng ilang minuto bago bumalik ulit sa paghahanap ng mga establishmento na nagha-hire na pwede kong pag apply-an.




Sa halos maghapon kong paglalakad ay iba't-ibang kompanya at establishmento ang pinasukan ko ngunit kagaya kanina ay ni-isa ay wala paring may tumatanggap sa akin.




Ano ba naman 'to? Ang malas ko yata ngayon. Wala manlang may tumanggap sa'kin.




Bagsak ang balikat ko habang papalabas dito sa kompanyang pinag apply-an ko.




"Hay..." Nagpakawala nanaman ako ng malalim na paghinga.




Nakakapagod pero hindi ako pwedeng sumuko ngayon. Dapat makahanap agad ako ng trabaho dahil ako lang ang inaasahan ng nila mama at ng mga kapatid ko.




Kailangan ko na makahanap agad ng trabahong mapapasukan.




Paano nalang kung wala akong mahanap sa loob ng isang linggo? Saan kami kukuha pambili ng pagkain? Pambayad sa upa ng bahay? Pang gatas ng mga pamangkin ko?




Habang naglalakad ay hindi inaasahang napadako ang tingin ko sa tarpoline na nakasabit sa poste ng kuryente.




Nakasulat dito na may job hiring ang isang construction company.




Kailangan nila ng accounting assistant at sakto naman na pasok ako sa position na hinahanap nila. Ang mas nakaka engganyo pa ay yung sahod na amaabot lang naman sa tumataginting na thirty thousand pesos! Halos triple pa ito sa sahod ko sa dati kong pinagtatrabahuan.




Binasa ko naman ang nakasulat na address dito at saktong malapit lang naman ang dito ang kompanya nila. Mga isang sakay lang siguro ng jeep.




Tiningnan ko muna ang laman ng wallet ko kung magkano pa ang laman. Singkwenta pa pesos pa. Sampong piso ang bayad sa jeep pamunta doon sa kompanya na balak kong pag apply-an tapos trenta pesos naman ang pasahe pauwi sa'min. Kahit papano ay may tira pa naman na sampong piso.




Agad-agad naman akong pumara ng jeep para puntahan ang address ng construction company.

Sana ay swertehen ako ngayon. Wala na talaga akong pera tsaka hapon na at pagod na ako sa maghapong paglalakad sa ilalim ng mainit na araw.




Pagkarating ko ay namangha ako dahil sa laki at pang bonggalow na desenyo ng building sobrang taas din nito. Sandali ko munang pinagmasdan ang building bago nagtungo sa loob at hinanap ang hiring manger nila.




Agad naman ako nitong pinapunta sa office nito para kausapin. Hindi ko naman maiwasan ang matuwa dahil ang akala ko ay uuwi ako ngayong araw na luhaan pero hindi pala dahil qualified ako para sa posisyon na hinahanap nila! Pinapabalik nalang ako nito bukas para sa initial interview.




"Hoh! Yes! Thank you lord I love you!" Tuwang-tuwa kong sabi nang makalabas ako.




Sana matanggap ako dito. Please lord... hindi ko talaga sasayangin ang opportunity kapag natanggap ako dito. Sabi ko sa loob ng utak ko at nagpatuloy na sa paglalakad paalis sa DF Construction Company.




Mahaba din ang araw na ito at talagang napagod ako kakalad boung araw pero napawi ang lahat ng iyon dahil sa tuwang nararamdaman ko dahil sa wakas ay nakahanap ako ng katiting na pag asa na makakapag trabaho ako sa leading construction company ng bansa. Sana lang talaga ay matanggap ako dito.





______________















DFS 1: My Boss Is My Ex-loverWhere stories live. Discover now