Chapter 18
Laurence
Pagkatapos kong mag log in ay dere-deritso na akong nagtungo sa elevator. Iniisip ko parin kung paano ko ba papatigilin ang boss ko sa pang ha-harass n'ya sakin.
Napabuntong hininga ako habang nag iisip kung paano ko ba sasabihin sa kanya na tigilan na n'ya ako. Napabuntong hininga ulit ako habang nakatuon ang mga mata sa sapatos ko, waring naghahanap dito ng sagot sa bagay na iniisip ko. Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na may tao rin pala sa loob ng elevator.
"Hi, there my sweetie pie" ani ng baritono at pagaw na boses ng lalaki dahilan kaya napaigtad ako dahil sa gulat dahil sa taong parang kabute na bigla-bigla nalang sumusulpot kung saan. Walang iba kundi si Wade. Ewan ko ba sa sarili ko pero naghuhurumintado nanaman ang puso ko.
"Ano nanaman ba Wade?" Kunwari ay inis na sabi ko dito. Pero sa loob-loob ko ay halos kumawala na sa dibdib ko puso ko at hindi magkamayaw na maghurumintado sa pagtibok ng mabilis ang puso ko. Naknang tupa Laurence!
Umakto lang itong parang walang naririnig. At sa halip ay may lumapit pa ito sa'kin. Sunod nitong ginawa ay iniligay nito ang kaliwang braso sa balikat ko para akbayan ako.
Nakakunot ko itong tiningnan dahilan para lingunin ako nito sabay ngisi. "Good morning, biscuit" sabi nito. Hindi parin nawawala ang ngisi nito sa labi dahilan para sumilip ang mapuputi at pantay nitong ngipin.
"Where's my kiss, sugar cane?" Tanong nito na ikinainis ko at the same time ang pag lipad ng mga paro paro g sa tiyan ko. Ewan ko ba pero imbes na maasiwa ako sa mga kung ano-anong tawag n'ya sa'kin ay tila nagugustuhan ko pa yata ito? Iba ang dating nito sa akin eh.
"B--bitawan mo nga ako?" Utal na sabi ko dito at tinanggal ang pagkaka akbay nito sa'kin. Kunwari ay inis ako dito. "Ba--baliw ka ba Wade? Pareho tayong lalaki!" Sabi ko dito
"t--tsaka t--tigilan mo nga ako sa kakatawag mo ng kung ano-anong pangalan!" Lihim akong napatampal sa noo dahil sa pagkautal ko. Tangna naman oh!
"So what if we're both guys? Who told you that only men and women can kiss? Guys can kiss each other and women can kiss each other too. And no. Why would I stop calling you random names when I know for a fact that you like it? " Sagot nito.
"Kahit na!" Sabi ko at sinamaan ito ng tingin. "Tsaka si--sinong nagsabi sa'yo na nagugustuhan ko yung mga kung ano-anong tawag mo sa'kin?" Dugtong ko.
He scoff. "It's just a hunch, but I know you like it" Aniya at inalis naman nito ang pagkaka akbay sa'kin. Suddenly I feel empty when he took off his hands away from me. Sumeryoso naman ang mukha nito bago inangat sa harapan ko ang kanang kamay n'ya na may hawak na paper bag.
Nagtataka naman akong tiningnan ang hawak nito. "Ano yan?" Takang tanong ko habang nakakunot ang noo sabay turo sa paper bag na nasa kamay nito.
"Food. Isn't it obvious? I didn't eat breakfast, so we're gonna eat together at the office." Bakit kasama pa ako? S'ya lang naman ang hindi kumain 'di ba—
"I don't take 'no' as an answer." dugtong nito bago ko paman matapos ang nasa isip ko.
"As if naman may choice ako." Bulong ko.
"What?" Tanong nito. "Ah wala po boss ang sabi ko akin na yang dala mo." Sabi ko sabay kuha sa paper bag na hawak n'ya.
"Stop being sarcastic or I'll kiss you" banta nito.
Nataranta naman ako sa sinabi nito kaya hindi na ako nagsalita pa. Maya-maya pa ay naramdaman ko nalang na may malaking braso ang dumapo sa balikat ko. Nilungon ko naman ang tao na nagmamay ari nito at sinamaan ng tingin.
YOU ARE READING
DFS 1: My Boss Is My Ex-lover
Casuale[Warning! BxB/BL/SPG] [ONGOING|UNEDITED] Laurence Aiden Gomez knows too damn well that he's straighter than the pole your mom dances on. But that was until, he met this man named Godwill Wade Dela Fuente his lover, way back in highschool and happene...