Chapter 6

728 29 2
                                    

Chapter 6


Laurence


"Hayyy..." mahinang napahugot ako ng malalim na paghinga. Nakapikit ang matang minasahe ko ang batok ko dahil sa ngangalay na ito dahil kanina pa ako nakasubsob sa harap ng tambak na papeles.


Nakakapagod! Unang araw palang ng trabaho ko pero tambak na agad ang gawain ko.


Pagod kong tiningnan ang mga tambak na mga papeles na gustong ipa-compute sa'kin ni boss Wade. Hindi pa ako nangangalahati dito. Kung bakit naman ba kasi ang dami-daming papel na ito eh. Tinitingnan ko palang ang mga ito pero nakakaramdam agad ako ng pagod.


Argh nakakatamad!


'Hoy Laurenzo kaya walang nagtatagal na trabaho sayo dahil tatamad-tamad kang kumilos! Diyos ko namang bata ka! Kaya walang asenso ang buhay natin eh.'


Dinig kong sigaw ni mama sa isip ko.


Tsk. Grabe talaga si mama. Pati ba naman sa isip ko dinig ko ang panenermon n'ya? Kaboses pa talaga ni mama ni mama ang konsensiya ko.


"Si mama talaga oh. Tsk," napailing nalang ako bago ibinalik ang sarili sa pagtatrabaho.


"Hi!" Biglang sabi ng boses sa likod ko. Napalingon naman ako dito.


"H--hello." Medyo nahihiya kong sabi dito. Ang ganda kasi nito kaya hindi ko mapigilan ang makaramdam ng hiya.


"Ako nga pala si Christine," anito na naka ngiti sabay lahad ng kamay.


Tinanggap ko naman ito at nakipag kamay at ngumiti pabalik.


"Laurence, pero pwede mo nalang ako tawaging 'Rence' or depende nalang sa'yo kung anong gusto mong itawag sa'kin." Ngiting sabi ko.


"Nice to meet you Rence," Sabi nito at hindi parin binibitawan ang kamay ko.


Awkward na ngumiti ako. "Uhm nice to meet you din" sabi ko.


"By the way nag lunch ka na ba?" Tanong nito.


"Ah... maglu-lunch palang" sagot ko.


"Great! Sabay na tayo? Ok lang ba?" Hindi parin nito binibitawan ang kamay ko.


"Uhm... yung ano ko..." sabi ko at tiningnan ang kamay niya na nakahawak parin sa kamay ko.


"Ay sorry, hihi" anito sabay bitaw nito sa pagkakahawak sa kamay ko.


Ewan ko ba pero, Hindi ako comfortable na hawak niya ang kamay ko kahit na maganda siya. Ewan ko, liban kasi sa kaibigan kong si Ela ay wala pa akong ibang babae na nakasama. Ngayon lang may nagyaya sa'kin kaya hindi ko alam kung papaano ako dapat kumilos. Hindi kasi ako sanay.

Sure ka bang straight ka? Biglang singit ng utak ko.


Oo naman! Sure ako dun! Sadyang hindi lang talaga ako sanay.


"So ano? Tara na?" Ani nito.


"Tara," Sagot ko.


Agad naman kaming lumabas sa accounting department at nagtungo sa third floor ng building kung saan naroon ang cafeteria. Malaki ang building na ito kaya natural na may cafeteria dito sa loob para sa mga empleyado.


Pagkarating namin ay agad naman kaming nakapag order at sabay na kumain.



Actually, masaya naman palang kasama si Christine. Madaldal siya kaya't nawala na yung awkwardness na nararamdaman ko kanina sa kanya. Panaka-naka kaming nag uusap tungkol sa kung ano-anong bagay habang kumakain.


DFS 1: My Boss Is My Ex-loverWhere stories live. Discover now