Chapter 3

786 46 3
                                    

Chapter 3

Laurence




Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa malakas na pagkalampag ni mama sa pintuan ng kuwarto ko.




"Hoy Laurenzo gumising ka na! Pasado alas nuwebe na male-late ka na sa interbyu na pupuntahan mo!"




Halos humiwalay na rin ang kaluluwa ko mula sa katawang lupa ko dahil sa boses ni mama na mas masahol pa sa lakas ng tunog ng megahone.




"Oh shit!" Taranta akong napabangon.




Ewan ko ba kung nakalunok ba 'to si mama ng megaphone o ano. Ang lakas-lakas kasi ng boses nito. Tingin ko ay dinig pa yata ang boses niya sa kabilang baranggay.




"Ano Laurence? May plano ka pa bang bumangon d'yan?!" Kinalampag ulit nito ang pintuan ng kuwarto.




Si mama naman oh. Hindi pa siya marunong magpahina ng boses n'ya?




Pero sanay naman na kaming lahat kay mama eh. Sadyang matalak lang talaga si mama.




"Opo ma gising na ho!" Sagot ko.




"Ayan, alam na ngang may interbyu ka pero nagpupuyat ka pa! Kakaselpon mo yan! Wala talagang magandang maidudulot ang selpon na iyan eh. Kaya nagbuntis ng maaga iyang mga kapatid mo dahil sa kakaselpon. Lalandi-landi ng maaga kaya ayan, nabuntis!"




Luh? Porket napuyat dahil na agad sa kakaselpon? Tsaka hindi naman ako nagselpon kagabi eh. Tsk si mama talaga. Pero... may point naman si mama, kaya maagang nabuntis ang mga kapatid ko dahil sa maaga silang nakipag relasyon. Kasama ang mga kapatid ko sa mga batang napabilang sa teenage pregnancy. Tama nga naman na may hindi talaga magandang naidudulot ang pag unlad ng teknolohiya.




"Hay naku ikaw talagang lalaki ka. Kaya hindi nagtatagal sa trabaho eh dahil kukupad-kupad kang kumilos! "




"Oh siya't bilisan mo na d'yan dahil male-late ka na!" Sabi pa nito bago ko narinig ang tunog ng paghakbang nito papaalis.




Agad-agad kong inayos ang pinanghingaan ko bago kumaripas ng takbo sa loob ng banyo.




Kahit na nakakangatog ng buto ang lamig ng tubig ay tiniis ko ito. Nagtoothbrush na din ako sa loob ng banyo at pagkatapos ay bubuksan ko na sana ang pinto ngunit nang madako ang tingin ko sa ibabang bahagi ng katawan ko ay tsaka ko lang napagtanto na hindi ko pala nadala ang twalya ko.





Bahagya kong binuksan ang pinto at inilabas ang ulo ko bago tinawag si mama na sakto namang sala.





"Ma!" Tawag ko dito.





"Ano ba?!" Aboridong sagot nito.




"Ah... eh... Nakalimutan ko yung twalya ko" naka kamot ang ulong ani ko.





"Pwetnangyaeroy ka talaga Laurence sa dinami-daming makakalimutan eh yung twalya mo pa talaga? Hay naku ang bata-bata mo pa makakalimutin ka na! Kung hindi lang talaga nakadikit iyang itlog mo malamang ay makakalimutan ma din iyan!" Sermon nito habang naglalakad papunta dito sa banyo dala ang tuwalya ko.




"Sorry naman ma, tao lang ho ako makakalimutin din minsan kaya pagpasensiyahan mo na po ang gwapo mong anak."





"Tigilan mo ako Laurenzo!" Ani nito sabay abot ng tuwalya. "Magbihis ka na d'yan, mas lalo ma lang pinapainit ang ulo ko."




DFS 1: My Boss Is My Ex-loverWhere stories live. Discover now