Chapter 15
Laurence
Pangiti-ngiti akong pumasok sa loob ng kompanya at agad na pinindot ang floor kung saan naroon ang malditang receptionist.
Hindi parin talaga ako makapaniwala na nanala kami ng bahay! Halo-halong emosyon ang nasa loob ng isip ko pero mas nagingibabaw dito ang saya. Sa wakas ay may bahay na din kami at hindi na kami mangungupahan. Makakaalis na din kami doon sa magulo naming lugar.
Nang marinig ko na nag 'ding' ang elevator indikasyon na nakarating na ako sa floor kung nasaan ang masungit na receptionist ay agad naman akong lumabas at tinungo ang station nito.
"Hello, good morning ma'am," ngiting bati ko dito. Nag angat naman ang mukha nito at tiningnan ako taas baba bago inirapan ako.
"What brings you here Mr. Gomez?" Mataray na sabi nito. Malamang mag la-log in ano pa nga ba?
"Uhm... mag la-log in na po ako ma'am," magalang na sabi ko.
"Didn't I tell you to speak to me in english?" Taas kilay na sabi nito. Naku talaga ang babaeng 'to nababanas talaga ako dito. Pinili ko nalang na ngumiti dito. Ayoko na masira ang araw ko ngayon dahil lang sa kanya.
"Sorry about that ma'am," paghingi ko ng paumanhin dito. "Uhm... Can I log in now?" Magalang kong tanong.
"Here, just write you name on it and you can go." Walang gana nitong sabi. Pansin ko talaga na mabigat talaga ang dugo ng babaeng 'to sa'kin. Hindi ko nalang ito pinansin pa at madaling isinulat ang pangalan ko sa log book bago tumalikod para umalis nang may tumawag sa pangalan ko.
"Laurence Gomez?" Pagtawag nito sa pangalan ko kaya nilingon ko naman ito.
"Ano po yun ma'am?" Tanong ko sa babae. Ito yung babae na naghatid sa'kin dati papunta sa private office ni Wade.
"Bakit ka d'yan nag log in?" Tanong nito sa'kin bago binalingan ang masungit na receptionist.
"Ikaw Jenny bakit sa log book mo lang pinag la-log in si sir Gomez?"
"Eh ma'am wala pa naman po kasi s'yang bio and bago palang naman s'ya dito"
"Kahit na, dapat hindi mo s'ya d'yan pinag la-log in. Pansin ko na mabigat ang dugo mo kay sir Gomez, bakit? Is it because palagi siya ang napapansin ni boss Wade at hindi ikaw? Kaya mo siya sinusungitan? Naku, humanda ka kay boss Wade kapag nalaman n'ya na gano'n ang pagtrato mo kay sir Gomez. Malinaw na paglabag iyan sa rules and regulations ng kompanya. Tingnan nalang natin kung hindi ka matanggal sa trabaho." Sermon nito sa masungit na receptionist. Kaya pala mabigat ang loob nito sa'kin. Bigla ko tuloy naalala yung babae na tinanggal ni Wade dahil sa hindi ito nagustuhan ni Wade kung paano ako nito taasan ng kilay.
Kita kong pasimpleng nag ikot ng mata ang masungit na receptionist. Bumaling naman ang babae sa'kin. "I'm sorry Sir dahil sa hindi magandabog pakikitungo nitong si Jenny sa inyo." Sabi nito.
"Ok lang yun ma'am." Sagot ko.
"I'm Maribeth. I'm the Human Resource assistant." Pagpapakilala nito.
"Ako naman po—"
"I know you're name sir." Sabi nito.
"Laurence nalang po ma'am ang itawag n'yo sa'kin. Huwag na po sir ang itawag n'yo sa'kin. Nakakahiya tsaka, hindi naman ako yung boss n'yo eh." Nahihiyang sabi ko dito.
"Hindi pwede dahil iyan ang bilin sa'min ni boss Wade. Tatawagin nalang kita sa pangalan mo kapag nasa labas tayo ng kompanya pero kapag nandito tayo sa loob ay tatawagin kitang sir," nahihiyang napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko dahil sa hiya.
YOU ARE READING
DFS 1: My Boss Is My Ex-lover
Diversos[Warning! BxB/BL/SPG] [ONGOING|UNEDITED] Laurence Aiden Gomez knows too damn well that he's straighter than the pole your mom dances on. But that was until, he met this man named Godwill Wade Dela Fuente his lover, way back in highschool and happene...