Kabanata 3

1.2K 46 4
                                    

Kabanata 3

Letting


Umuwi ako sa penthouse na malungkot pagkatapos kong aluhin si Berna. Alam kong masakit sa parte niya ang narinig mula kay Arviel. At alam kong natamaan talaga siya sa sinabi ng lalaking iyon. Kahit naman kasi ganito ang kaibigan namin, hindi naman siya bad influence e. Sa katunayan, siya ang naging nanay namin sa lahat ng bagay. She helps us. Hindi niya kami pinabayaan kaya hindi ko masasabing bad influence siya. Sobrang higpit lang talaga ng lalaking iyon pagdating kay Ariadna.

Nagtataka nga ako kung paano naging mag-pinsan ang dalawang ito e. Malayo naman ang apelyido nila sa isa't-isa. Merciless si Arviel tapos Rago si Areson kaya paano sila naging magpinsan? Ngayon ko lang din naisip ito. Mula sa pagsasam namin ni Areson, hindi niya nabanggit ang mga bagay na katulad nito. Siguro kasi private at confidential kaya kailangan ilihim pero bakit alam ng bansa ang tungkol sa kanila? Bakit nagsasama ang business nila?
Dulot ng curiosity, kinuha ko ang cellphone at nag-open ng internet.

I search their family relatives. Nakita ko ang pangalan ng Papa ni Arviel kaya iyon ang tinignan ko. Arvin Arvelon R. Merciless. Iyon ang nakalagay sa kanyang profile. Nagtaka ako sa middle initial niya, ano kaya 'yon? I click the full name so that I can see what is the meaning of his middle name.

Arvin Arvelon Rago Merciless, 45 years old and a retired business man. He had two children, named as Arviel Jash and Mary Alleth Merciless. Sa ngayon si Arviel ang humahawak sa kompanya nila. Tinignan ko ang pangalan ng kanilang relatives. Nangunguna doon si River Jude Rago kaya doon na ako napatango. So, si Arvin at River ay magpinsan at ang kanilang anak ay ganoon din. Kaya ngayon ay kilala sila bilang magpinsan.

Napahinga ako ng malalim at handa na sanang patayin ang internet kaso mabilis na nag-pop in ang news headline sa Google site. Kumunot ang noo ko habang nakita ang news tungkol kay Areson at ang kanyang kasamang babae sa isang event sa ibang bansa. three hours palang ang nakalipas at sigurado akong kanina lang ito naganap sa ibang bansa. Tinignan ko iyon at binasa.

JUST IN: A leading businessman Areson Trax Rago has been linked to different woman for the past months. Just of this moment, the both influential family seen in the event where the two are sweet to each other.

Napalunok ako at ang puso'y mabilis na sumiklab sa sakit. May mga pictures pang nandoon kung saan ang braso ni Areson ay nasa baywang ng babae at nakangiti silang dalawa sa harap ng camera. May ibang larawan na kuha patago kung saan naghahalikan sila sa madilim na parte ng hotel. Sa mga larawan na iyon, mas lalo kong napatunayan na hindi talaga siya committed na lalaki. Na kahit wala kaming label, hindi niya pa rin iniisip ang babaeng iniwan niya. Ang sakit lang isipin na ganito siya, walang paninindigan.

Pareho lang talaga sila ng pinsan niya, mahilig sa mga babae. Hindi kuntento sa isa at gusto maraming bihag. Tinignan ko ang babaeng kasama niya, last time, maputi 'yong girl pero ngayon morena na. Maganda, sexy at mataas. May common denominator ang mga babaeng dinadala niya sa mga ganoong events. Siguro ang nag-iiba lang ay ang mga kulay nila kasi iba't-ibang lahi. At syempre mayaman.
Umiling-iling ako at mabilis na pinahid ang luha sa mata.

Punyetang luha na 'to! Naku naku Theia, wala kang karapatan na umiyak at masaktan kasi sa una palang alam mong ayaw niya sa commitment! Kaya bakit ako masasaktan? Kasi ang tangina, hinayaan kong magmahal sa kanya! Hinayaan kong mahulog sa kanya! Hindi ko inisip ang sarili na magiging ganito sa mga panahon na may kasama siyang ibang babae!

Gusto kong mag-inom ngayon gabi ngunit alam kong busy ang dalawa kong kaibigan kaya wala akong kasama. Pero dahil nagagalit at naiinis ako, tumayo ako mula sa sofa at pumasok sa kwarto upang magpalit ng damit. I put light make-up on my face, red seductive lipstick on my lips and a smirk that makes me sophisticated. Lokong Areson 'yon, sa ganda kong ito naghahanap pa siya ng ibang babae! Nyeta, malaki naman suso ko! Halos nga malunod siya sa laki e! Tapos masarap naman ako! Oo, kasi ungol siya ng ungol kapag nagsi-sex kami! Kaya bakit pa naghahanap ng iba?

Ruthless Series 2: Secret Wild In Bed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon