Kabanata 23
Accepted
Mabilis ang takbo ko kaya hindi ako naabutan ni Areson. Ramdam ko ang kanyang galit habang tumatakbo na rin palapit sa akin. Hindi ko siya hinayaan na makahabol kasi kailangan kong mapuntahan si Mama at mahuli na sila. Kahit sobra akong kabado at nanginginig sa takot ngayon, kailangan kong gawin ito. Hindi titigil si Mama hangga't hindi sila nahuhuli ng otoridad.
"Amaltheia!" mariing tawag ni Areson sa akin.
Nang makatungtong sa palapag kung nasaan ang room nila Mama, mabilis kong tinakbo ang hall. Nang makita ang room, hinawakan ko ang pinto at malakas itong binuksan. Tama lang sa pagyakap ni Areson sa aking baywang at sa pagkakahuli kay Mama at kanyang asawa ngayon.
Napatingin si Mama sa akin, kumakain sila habang nakatingin sa amin. Nanlaki ang kanyang mga mata at huli ng napagtanto na may kasama kaming pulis. Pinilit pang tumakas ni Naldo ngunit mabilis siyang naharang ng pulis at maging si Mama. Yakap-yakap ako ni Areson, mahigpit at nilayo ako sa harap ng pinto.
"Walang gagalaw!" sigaw ng pulis.
"Sir! Wala po akong kasalanan! Hindi po ako kasama sa sindikato!" si Mama habang nagsisimulang umiyak.
Si Naldo naman ay tahimik na at tinanggap ang mangyayari sa kanila. Nakaposas na ang kanyang kamay. Napatingin si Mama sa akin.
"Amaltheia! Anong ginawa mo! Ina mo ako! Bakit mo 'to ginawa sa akin!" she shouted angrily.
Umiling ako habang patulo ang luha sa mata ko. Areson didn't let me go.
"B-binigyan kita ng pagkakataon na magbago, Mama! Hindi mo kayang iwan yang asawa mo! May kasalanan kayo sa batas, Ma! Inosente ang muntik niyong patayin!" mahina kong tugon.
"Hindi ako kasama sa kanila! Asawa ko lang si Naldo pero hindi ako parte ng sindikato na iyon!" umiiyak na siya ngayon.
Napayuko ako habang umiiyak. Ayokong makita na ganito si Mama. She's my mother. Siya nalang ang meron ako pero hindi niya kayang iwan ang kanyang asawa at handa siyang gawin ang lahat para sa kanila. May kasalanan sila sa batas. Nararapat lang na harapin nila iyon.
"Anak! Huwag mo akong hayaan na makulong!" si Mama.
Mas lalo akong niyakap ni Areson. Gustong lumapit ni Mama sa akin ngunit nilalayo niya ako. Wala na akong magagawa pa.
"Amaltheia! Katulad ka lang ng Papa mo! Mahina at walang utak!" she shouted again.
"Bring her now!" utos ni Areson.
Mabilis na tumugon ang mga pulis. Nagwawala si Mama habang hawak-hawak siya ng pulis. She's crying. Pero kahit ano pang gawin ko, ito ang kasalanan nila na kailangan harapin.
Hindi ko gustong mangyari ito sa kanya. I try to save her. I try to clean her name. I tried to warn her but she didn't listen. Ayaw niyang iwan ang kanyang asawa. Malaki ang kasalanan nila sa batas. They should face it.
"Let's go." malamig ang boses ni Areson.
Mahigpit niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at naglakad na kami palabas ng dorm. Nahihiya pa dahil may mga taong nanonood sa amin at sa nangyari. Kinausap ng pulis ang may-ari ng dorm. Sumakay kami sa kotse at mabilis na umalis doon. Tahimik kaming dalawa at alam kong galit siya sa ginawa ko.
"The baby is fine. Malakas ang kapit sa Mama niya." nakangiting sabi ni Doktora.
Napahinga ng malalim si Areson at tumango. Lumabas ang doctor at naiwan kaming dalawa. Rinig na rinig ko ang kanyang malalim na paghinga. Tumunog ang kanyang phone at sinagot niya iyon.

BINABASA MO ANG
Ruthless Series 2: Secret Wild In Bed (Completed)
RomanceAmaltheia Orejola, the woman who has the innocent heart and pure. Nagsusumikap sa buhay, kaibigan ang tanging sandalan sa buhay. Paano kung may dumating sa kanya na lalaking babago sa buhay niya? Ika nga'y masarap daw ang bawal. At kung paano mali p...