Kabanata 4
Magkakalaman
Nang dumating kami sa penthouse, nakatago pa rin ang mukha ko sa kanyang leeg. Halos hindi ako bumitaw kahit nakatulog ako sa biyahe. Hindi naman din kasi malayo ang bar sa building kaya ilang sandali lang ang tinulog ko. Hindi niya rin ako binitawan, yakap-yakap niya pa rin ang katawan ko kaya kahit papaano'y nawala ang hiya ko. Tsaka tahimik naman sa loob ng condo kasi alam kong may mga respeto ang empleyado dito.
I tried to compose myself again, pero sadyang bumabalik ang hiya ko kapag naaalala ang ginawa kanina. Remembering what I said to him earlier makes me blush on! Nakalimutan kong baka siya iyon kasi hindi naman imposible na umuwi siya. He had a money to buy ticket. He had his time to make way to home. In short, hawak niya ang oras at buhay niya kaya okay lang kung uuwi siya kung gugustuhin niya. It doesn't matter to him.
Pero malaki ang problema ko ngayon. Nasabi ko na sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko. At hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon. Hindi ko alam kung okay lang ba sa kanya na mahalin siya gayong unang-una palang sinabi niya sa akin na bawal ang commitment sa aming dalawa. Bawal akong magmahal sa kanya, at bawal akong mahulog. But I break his rules! I broke it! Nakakahiya naman sa kanya kasi taksil ako sa batas, at hinayaan ko pa talaga ang sarili na mahulog.
Tapos yung sinabi ko kanina sa kanya. Yung mga salitang binitiwan ko! Damn it, Amaltheia! Bakit kasi tanga-tanga ka pa! Alam mong any time ay pwede siyang umuwi! Bakit sinabi mo pa sa kanya 'yon! Pero kasi naman e, buong akala ko ay ibang lalaki iyon. Akala ko hindi siya yung lalaking nasa likod ko at hinahawakan ako. Kaya panatag ako na sabihin iyon. Tsaka iyon naman kasi ang nakasanayan naming gawin na magka-kaibigan.
Mas magandang magsabi ng saloobin sa hindi kakilala. At least we don't know each other. Kung ipagkakalat niya man ang sinabi ko, hindi niya naman masasabi ang pangalan ko kasi hindi niya alam. Tsaka lalaki siya, hindi ugali ng mga lalaki na magkalat ng issue. Wala sa bokabularyo nila ang maging taga-sumbong kaya malayo sa isipan ko 'yon. Ganito rin naman ang ginagawa nila Ariadna at Berna e.
Minsan nga nakikipag-inuman pa sila sa ibang lalaki. Buti nga ako ay medyo naiba.
Pero sana kung ano man ang narinig ni Areson kanina, dapat maramdaman niya rin 'yon sa kanyang sarili. Sa apat na buwan naming pagsasama, we know each other. We fuck each other. We taste each other.Kaya wala ng lihim pa ang makakalusot sa amin. Naramdaman ko ang malambot na kama, napahinga ako bago bumitaw sa kanyang leeg. I swallow my pride, knowing what I said earlier. Hindi ko siya matignan sa mga mata kasi nahihiya pa rin ako. Pakiramdam ko masama akong babae dahil nagmamahal ako sa isang makapangyarihan na lalaki. Walang yaman, mahirap, basura, nagsusumikap na matapos ang pag-aaral.
Ano nga ba ang makukuha niya sa akin? Ano nga ba ang maibibigay ko sa kanya? Kilala ang pamilya nila bilang traditional. Kung ano ang gusto ng Papa niya, iyon ang masusunod. Tsaka ang Rago clan ay iba sa Merciless. They are relatives but different in traits. Kung masama ang ugali ni Arviel, tumatanggap naman ng mahirap na babae ang pamilya nila. Pero sa Rago ay hindi. Kung mahirap kang babae tapos hinahangad mo ay isang Rago, tiyak na pagtatawanan ka lang. Baka kapag makaharap ko na ang grandmother nila, baka pagtawanan lang ako.
Iyon ang kinakatakot ko kapag sinabi ko sa kanya na mahal ko siya. Baka kasi matulad lang ako sa mga babaeng nangarap sa kanya. Hindi kayang abutin ng ganda ko ang standard ng kanilang pamilya. Tsaka mahigpit talaga sila, lalo pa't first born si Areson. Kung ano ang gusto ng Ama, iyon ang masusunod.
"Love, look at me." masuyo niyang sabi.
Umiling ako.
"K-kalimutan mo nalang ang sinabi ko kanina." my voice shaking.

BINABASA MO ANG
Ruthless Series 2: Secret Wild In Bed (Completed)
RomanceAmaltheia Orejola, the woman who has the innocent heart and pure. Nagsusumikap sa buhay, kaibigan ang tanging sandalan sa buhay. Paano kung may dumating sa kanya na lalaking babago sa buhay niya? Ika nga'y masarap daw ang bawal. At kung paano mali p...