Kabanata 21

250 16 1
                                    

Kabanata 21

Party


"Hindi mo manlang sinabi sa amin na ganyang kaguwapo ang Papa ng anak mo! Napakamalihim mo talaga!" nagtatampong sabi ni Charity.

Nandito ako sa company, formally filed my resignation letter. I should render at least one month kaso nung malaman ng management na may kaugnayan ako kay Areson, agad nilang ni-release ang clearance ko. Areson is just waiting outside in the lobby.

"Magsasama na ulit kayo? Kaya mo yan te?" si Ylena sabay tingin kay Areson.

I sighed heavily. Tahimik lang si Cyver at nakikinig sa amin.

"Huwag mo kaming kakalimutan ha! Friends naman tayo sa Facebook kaya chat ka sa amin o kaya sa group chat natin! Gawin mo rin kaming ninang at ninong!" sunod-sunod na habilin ni Megan.

Tumango ako habang nakangiti sa kanila. Tumingin ako kay Cyver. Bumuntonghininga siya at umiling.

"Pinsan yan ni Alleth Merciless?" he asked me.

Tumango ako.

"Oo. Kapatid ni Alleth si Arviel Merciless, pinsan naman nila si Areson at Aressia Rago." paliwanag ko.

Umiling siya at nagkamot ng ulo sa batok.

"Bakit?" I asked him.

Curious na rin ang tatlong babae. Nakikinig at naghihintay sa sagot ni Cyver.

"W-wala! Sa bar lang 'yon ah." nahihiya niyang sagot.

Kumunot ang noo ko. Sa bar? Anong nangyari?

"Oh tapos?" hindi makapaghintay si Charity.

Lumunok si Cyver at namula. Guwapo si Cyver. Matangkad rin at maganda ang built ng katawan. May edad na rin siya, if I'm not mistaken, near twenty eight or twenty nine na siya. Masipag rin at walang bisyo!

"Ah ano lang... d-dinala niya kasi ako sa condo niya." he said stuttering.

Naguluhan ang tatlong babae. Mabilis kong nakuha ang ibig sabihin ni Cyver.

"Ha? Medyo magulo ka nak! Dinala ka sa condo tapos nagkita kayo sa bar?" animo'y nire-review ni Charity ang sinabi ni Cyver.

Pumikit ng mariin si Cyver at umiling-iling bago tumingin sa akin ng makahulugan. Ngumiti ako at tumango sa kanya.

"Ah basta! Huwag niyo na alamin!" sagot ni Cyver.

Umirap ang tatlong babae at hindi na rin nangulit. Tahimik akong nagpaalam sa kanila dahil lumapit na si Areson.

"Thank you for being her friends." si Areson.

Pulang-pula ang pisnge nilang tatlo samantalang tahimik lang si Cyver.

"Shet! Mahihimatay yata ako!" sagot ni Megan.

"Oo nga! Hayop sobrang guwapo pala sa malapitan!" dagdag ni Charity.

Umiling nalang ako sa kanilang tatlo. Parang nakakita ng multo habang kaharap si Areson.

"W-walang anuman, Sir!" they said uniformly.

Areson smiled and then nodded to girls. Muli akong tumingin sa mga kaibigan ko at iiyak na naman. Kahit ilang buwan ko lang sila nakasama, sobrang ma-miss ko silang lahat. They become my other family here. Sila yung sandalan ko kapag walang-wala ako.

"Magkikita pa tayo! Ma-miss ko kayo!" pilit pinipigilan ang sarili na umiyak.

They nodded and waved their hands. Muli akong ngumiti at tumango na rin. Yakap lang ni Areson ang baywang ko hanggang sa makababa kami ng building. Binuksan ng assistant niya ang pintuan para sa amin. Pinapasok niya ako sa loob at tumabi na rin siya sa akin.

Ruthless Series 2: Secret Wild In Bed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon