Kabanata 12
Spoiled
Umalis si Areson kasama ang kanyang Papa para sa kanilang business trip. I was alone in our penthouse, with longing and missing him. Mahirap na hindi pumayag lalo pa't business nila ito at kailangan siya doon pero mahirap rin pala itanggi o isipin na hindi niya ako kayang isama?
Well, enough is the reason that I don't have my visa yet, pero hindi niya manlang sinabi sa akin na gusto ko bang sumama.
This is the reality of life. Kahit anong ipilit ko sa sarili, our world will never be meant to be together. Kapag sinama ang mundo namin, doomsday.
Ibig sabihin, ang mahirap ay para sa mahirap. Ang mayaman ay para sa mayaman. Ganoon lang kasimple ang paliwanag doon.
Kahit pa sabihin natin na powerful at magical ang pagmamahal pero sa katotohanan ng buhay, it will never be the same. It's a different world.
Yung pagmamahal ko sa kanya, nag-uumapaw na sobrang hirap tanggapin ang kalagayan namin. Hindi ako selosa. Hindi ako kailanman na-insecure sa mga babaeng nakikita ko. Pero nung dumating at nakilala ko si Areson, he made me think of insecurities, lacking in life and financial.
Marami akong nasabi sa sarili ko ngayon. Malayong malayo sa dating ako, na tanggap ko kung ano ang meron ako. Is it really healthy?
My phone beeped. Isang tawag mula sa kababata kong taga probinsya.
"Hello?" bungad ko.
"Magandang umaga, Teyang!" bati niya.
Ngumiti ako. Muli ko tuloy naalala ang buhay probinsya at si Mama. It's been a long years.
"Oh, hi! Kumusta?" I asked him.
He sighed deeply.
"Okay lang naman. Medyo naguguluhan at natatakot pa dito sa Manila." aniya sa mahinang boses.
What? Nandito siya sa Manila? Lumuwas siya para magtrabaho ba?
"Talaga ba? Nandito ka sa Manila ngayon? Anong ginagawa mo dito?" sunod-sunod ang tanong ko.
Bumuntonghininga siya.
"Naghahanap ng trabaho. Tsaka kailangan ko rin magtrabaho kasi alam mo na, mahirap ang buhay sa probinsya." sagot niya.
Nalungkot ako. That's real. Masagana ang bigas at gulay sa probinsya pero mahirap rin talaga mamuhay doon. Hindi sapat ang bigas at gulay lang ang kakainin. Minsan, naghahanap rin ng ibang pagkain na pwedeng mabili gamit ang pera. This is the reason why I decided to take a risk here. Kasi kung doon lang ako, sabay lang kami ni Mama na lulubog.
"Wow! Mabuti naman! Nasaan ka ba ngayon?" I asked him, concern.
"Nandito sa Quiapo. Kararating ko lang ng Maynila at dumiretso na muna ako dito para magsimba." sagot niya.
Ngumuso ako. Radson is a kind man. Simula nung bata ako, naging magkaibigan kami sa probinsya. He is actually a good looking man. Mabait at may takot sa Diyos.
"Gusto mo ba magkita tayo? Nakahanap ka na ba ng work? May matutuluyan ka ba dito?" I asked him again.
Ang alam ko, may Tita siya dito sa Manila. Baka doon siya pansamantalang titira?
"Ah, pwede naman tayo magkita. Naghahanap palang ako ng work dito, baka bukas ako magsimula tsaka kay Tita Mary ako tumuloy muna."
"Mabuti naman! Sige, kita tayo? Dito sa Makati?" tanong ko.
"Ah, sorry saan yang Makati?" he said innocently.
Natawa ako saglit. Oo nga pala at bagong salta siya dito sa Manila. Ibo-book ko nalang siya ng MoveIt? Or Angkas?

BINABASA MO ANG
Ruthless Series 2: Secret Wild In Bed (Completed)
RomanceAmaltheia Orejola, the woman who has the innocent heart and pure. Nagsusumikap sa buhay, kaibigan ang tanging sandalan sa buhay. Paano kung may dumating sa kanya na lalaking babago sa buhay niya? Ika nga'y masarap daw ang bawal. At kung paano mali p...