Kabanata 22

202 13 1
                                    

Kabanata 22

Galit


The party went on. Kaunti lang ang bisita pero masaya na ako. Hindi ko naman ine-expect na pupunta ang magulang ni Areson. This is just me and him, with his sister and his cousins. Kahit hindi namin kasama ang kanyang magulang, masaya naman ako kasi kahit papaano ay may bisita kami.

Medyo lasing na si Aressia habang nakikipagkwentuhan kay Alleth. Tahimik lang ako habang katabi si Areson. Hawak niya ang kamay ko habang nakikitawa kay Aressia dahil sa kanyang kakulitan.

Nasa likod niya lang si Radson at nakabantay sa kanya. Cyver is a bit uncomfortable but he seems fine. Hindi nga lang makatingin ng maayos kay Arviel. Natatakot siguro. Tsaka wala naman silang relasyon ni Alleth. They are friends.

"Super nakakatawa nga yang bodyguard ko! Alam mo ba, he was very arrogant in the bar nung isang araw. Tapos super landi pa nyan! Kung sino-sinong babae gusto niyan!" Aressia said tipsily.

Napalunok ako at napatingin kay Radson. Sumimsim siya sa alak na hawak at napailing sa kwento ng kanyang binabantayan.

"Baka naman type mo na rin yon ha! Lumalabas sa ilong yung galit mo e!" sagot ni Alleth.

Napatakip ng bibig si Ariadna at hindi mapigilan na tumawa.

"No way! He's not my type kaya! He looks old and arrogant!" she claimed.

"Sabi mo yan ha! Paano kung may humalik na ibang babae dyan sa bodyguard mo? Anong gagawin mo?" panunukso ni Alleth.

Tumigil si Aressia at binitawan ang kanyang hawak na alak. Tumingin siya sa kanyang likod at umuusok ang mukhang tinignan si Radson.

"May babae kang dala dito ha!?" Aressia said accusingly.

Nalaglag ang panga ni Radson at napahinga ng malalim.

"Sabi na e! You see Kuya? Bakit kumuha ng unprofessional si Papa!? He's flirting while he's with me!" aniya sa kanyang kapatid.

Ngumisi si Areson.

"Hindi mo type pero nababaliw ka na." sagot sa kanya ni Areson.

Mas lalong nagalit si Aressia. Nagtawanan ang mga tao sa paligid. Alleth laughed so much it makes Aressia's blood boil.

"Stop it, Mary Alleth!" she mocked her.

Umiling-iling si Alleth at uminom sa kanyang alak. Hindi na tumigil si Aressia sa lahat ng kanyang rants sa buhay. Nagpatuloy ang kasiyahan at inuman. Dumating ang malalim na gabi at naisipan nilang kumanta.

Gamit ang cellphone ni Alleth at mini speaker with mini mic ay nagsimula silang kumanta. Tuwang-tuwa ako habang pinapakinggan silang kumakanta. Nung si Aressia na ang kumanta, mas lalong umingay dahil sa kanyang boses. Pumipiyok-piyok pa pero damang-dama niya ang kanta.

"Whoa! Yeah! Let's get it on!" Aressia shouted drunkly.

Lasing na nga kasi hindi na niya makanta ng maayos yung sunod na kanta. Nasa likod niya na si Radson at hinahawakan ang kanyang baywang at braso para alalayan. Umiling-iling ang kaibigan ko at hindi iniwan si Aressia.

Natapos ang party dahil antok na ang ibang bisita. Natapos sa pag-uusap si Arviel at Areson. Hanggang sa pag-uwi ay ganoon pa rin ang pinag-uusapan nila, tungkol sa business.

"Congratulations again! Thank you so much for the party!" si Alleth sa amin.

Ngumiti ako at kinawayan sila ni Cyver. My friend looks uneasy but he manage to bid his goodbye. Umalis na sila at ang naiwan nalang sa pool si Radson at Aressia.

Ruthless Series 2: Secret Wild In Bed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon