Kabanata 14
Here
When I lost my father years ago, I lost half of my life too. Usap-usapan noon pa na may relasyon si Mama at si Donaldo kahit nung buhay pa si Papa. My father always ignores it and just continues living like a normal family. Wala akong narinig na mga salita kay Papa kahit pa nung nahuli niya si Mama na kasama nga ito. He let it happen.
When he was diagnosed with liver cancer, doon gumuho ang mundo ko. I was in high school while I was trying to help my father's bill. Kahit alam kong wala ng pag-asa pang mabuhay si Papa ng matagal, nasa tabi niya pa rin. My mother didn't show up during his critical days. Sobra akong nalungkot para sa Papa ko. He doesn't deserve this! He just wants a happy family.
I remember his words.
"Mahal ko ang Mama mo kahit ganito ang nangyari sa amin. Pero nung dumating ka, wala na akong inisip kundi ikaw nalang at ang magiging kinabukasan mo. Amaltheia, mangako ka, kahit mawala na ako, magpatuloy ka pa rin sa buhay, anak. Nandito lang ako at gagabay sayo."
Iyon palagi ang iniisip ko sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob sa buhay. I always use his words as my motivation to continue forward and move on.
When he died, my mother showed up. Bitbit ang pagiging sugalera niya, she was in my father's wake to play, not to mourn. Iyon na rin ang naging daan para sumama na siya ng tuluyan kay Donaldo.
Sobra akong nasaktan para sa Papa ko. At kahit nawala na siya, patuloy pa rin akong umaasa sa mga salitang iniwan niya sa akin.
Ngayon nangyari ito, sangkot ang asawa ni Mama sa ambush sa pamilya Rago. Paano at bakit nangyari iyon? Kasali ba sa sindikato ang asawa niya pati ang anak nito? At ang naging misyon nila ay patayin ang mag-ina ni River Rago?
Malakas ang kutob ko na ganoon nga yata ang nangyari? I need to confirm this! Hindi ako puwedeng basta nalang mag-conclude sa bagay na ito.
I sent a message to Radson.
Ako:
Bago ka umalis sa probinsya, anong nangyari sa pamilya ni Mama?
Tinignan ko ang orasan, madaling araw at alam kong baka tulog pa ito. Hindi ako makapaghintay sa sagot ni Radson. Habang nag-iisip ng malalim, nanginig ang phone ko.
Radson:
Nalulong sa drugs at sugal si Tita Amalia. Kasama ang asawa nito, napuno sila ng utang kaya minsan nagtatago sa mga nautangan.
It was his reply. Mabilis akong nagtipa ng panibagong tanong.
Ako:
Naging miyembro ba ang bago niyang asawa sa sindikato?
Radson typing...
Radson:
Huli kong balita, Oo. Dala na siguro na puno sila ng utang, sumali ang kanyang asawa sa isang sindikato sa probinsya. Hindi ko alam ang pangalan ng sindikato pero nung sumali sila doon, naging matunog ang pangalan nila sa atin. Binayaran yata ng sindikato ang mga utang nila kapalit ng serbisyo nila.
Ngayon, nagtagpi-tagpi na ang nasa isip ko. I don't want to conclude but every possible reason is just right!
Napuno ng utang si Mama kasama ang kanyang asawa, sumali sila sa sindikato para mabayaran ang kanilang utang, ngayon isa sa mga misyon ng leader nila na i-ambush ang mag-ina. Ang tanong ko, sa anong rason bakit kailangan nilang idamay ang mag-ina?
Bumukas ang pinto ng penthouse at pumasok ang kilala kong lalaki. Madaling araw ito at hindi ko alam kung anong oras sa Europe.
Malamig ang tingin sa akin ni River Rago habang ang mga nakaitim na bodyguard ay nasa kanyang likod. He looks ruthless and demon.

BINABASA MO ANG
Ruthless Series 2: Secret Wild In Bed (Completed)
RomanceAmaltheia Orejola, the woman who has the innocent heart and pure. Nagsusumikap sa buhay, kaibigan ang tanging sandalan sa buhay. Paano kung may dumating sa kanya na lalaking babago sa buhay niya? Ika nga'y masarap daw ang bawal. At kung paano mali p...