Kabanata 20
Desisyon
Truthfully, hindi nga umuwi si Areson. He stayed in my dorm. At ang nakakainis pa, sa bed space ko rin siya natulog kaya masikip tuloy kami. Hindi ko rin alam kung bakit pumayag si Ate B na dito siya tumira sa akin! Kaya ngayon hindi ko alam kung paano aayusin ito. Parang asong sunod ng sunod si Areson!
"Ma'am, pwede po bang dito nalang ako tumira?" iyon ang narinig kong paalam niya kay Ate B.
"Ha? Paano at saan? Occupied na kasi ang rooms." sagot ni Ate B.
Tumingin sa akin si Areson at ngumiti.
"Okay lang po sa room ni Theia?" walang pag-aalinlangan niyang sabi.
Napasinghap si Ate B. Tumingin ito sa akin na may halong kuryusidad.
"Girls room iyon at bawal ang lalaki, Sir." si Ate B.
"I'm her boyfriend po." sagot ni Areson.
Halos malagutan ng hininga si Ate B sa sinabi ni Areson. Animo'y napakalaking gulat iyon sa kanya.
"Talaga ba? Theia, totoo ba ito? Jusmiyo! Ang guwapo nitong lalaki at totoo bang may relasyon kayo?" sunod-sunod na tanong ni Ate B sa akin.
Napahinga nalang ako ng malalim bago umiling kay Areson. Ganoon ang nangyari. Nagbayad ng doble si Areson para lang pumayag si Ate B. Sa huli, nasa iisang bed space lang kami ngayon.
"Umuwi ka na kasi sa inyo! Masikip dito tsaka walang air-con!" pilit ko sa kanya.
He shook his head. Sabay tingin sa mini fan ko.
"No. I'm fine with that ventilation." aniya sabay tagilid ng higa.
Hindi pa dumadating ang mga ka-dorm ko kaya kaming dalawa pa lang ang nandito. Nag-order lang din siya ng pagkain sa isang fast food restaurant kasi wala akong time magluto. Siya rin nag-ayos ng mga damit niya sa cabinet ko. Yung sasakyan niya rin nasa labas ng dorm, walang parking area dito kaya nandoon lang.
Iniwan kasi ng kanyang assistant ang sasakyan niya dito. Nahihiya tuloy ako sa may-ari ng dorm baka sabihin abusado kami.
"Hinahanap ka na siguro ni Ma'am Marfel. Umuwi ka na, Areson. Okay na ako dito. Wala na rin akong plano pang bumalik sa inyo." malamig kong sabi.
He sighed heavily.
"Then we'll look for another house far from my family?" he said.
Umiling ako.
"Hindi nila ako tatanggapin para sayo. They want rich---"
"Why do you always say that? Why do you always compare yourself? I hate that, Amaltheia." he cut me.
"Totoo naman e! Kahit baliktarin ang mundo, magkaiba tayong dalawa." katwiran ko.
Umiling siya at niyakap ang tiyan ko. Hinaplos niya iyon at para bang kaming dalawa lang ang importante sa kanya.
"We are not different. Hindi ko makita ang pagkakaiba natin. We loved each other. Iyon lang ang mahalaga sa akin ngayon. I don't care if you're not rich. I don't care if you don't belong to a rich family. I only care for your love, for us, and for our future with our baby." he whispered gently.
Maiiyak na naman ako sa sinasabi niya. Simula nung mabuntis ako, emosyonal na talaga ako. Hindi ko rin kayang pigilan ang sarili kong umiyak.
"Gusto ko, simula ngayon, tayong dalawa lang. Ako at ang magiging anak lang natin ang iisipin mo. Gusto kong kalimutan mo ang hindi naman importante." he added.

BINABASA MO ANG
Ruthless Series 2: Secret Wild In Bed (Completed)
RomanceAmaltheia Orejola, the woman who has the innocent heart and pure. Nagsusumikap sa buhay, kaibigan ang tanging sandalan sa buhay. Paano kung may dumating sa kanya na lalaking babago sa buhay niya? Ika nga'y masarap daw ang bawal. At kung paano mali p...