Kabanata 17

203 16 0
                                    

Kabanata 17

Kilala


I'm trying to convince myself that I can do it with myself while carrying my baby alone. Nahihirapan akong tanggapin pero paunti-unti, inisip ko na magkakaroon ako ng kasama sa buhay dahil sa biyaya itong.

Two lines.

After doing a pregnancy test and seeing the results, it was hard for me to accept it. Hindi ako handa. Paano ang magiging buhay ng bata? Paano kami mabubuhay? Paano ko siya mapapalaki ng maayos? Saan ako kukuha ng pera para sa aming dalawa?

Iyon ang mga katanungan ko sa sarili last month, but eventually, as time goes by, tinanggap ko ang lahat ng iyon. It's my baby. It's my blessing.

Three months of surviving, nakapasok ako bilang isang call center representative sa malapit na BPO company dito sa area namin. Kasama ang ka-dormmate ko, they help me to get the work. Sa dorm namin ay may kasama akong isang Team Leader at siya ang nag-invite sa akin sa company nila.

Sobrang lapit lang kasi walking distance lang siya sa dorm ko. Harap lang din ng Welcome Rotonda signage at tabi ng PLDT office building.

Hindi ko na inalala pa ang pag-aaral kasi alam kong hindi na ako makakabalik doon. Susubukan ko nalang pagkatapos kong manganak at magkaroon ng pagkakataon na tapusin ang kolehiyo.

"Theia, saan ka kakain?" tanong sa akin ni Cyver.

Tumingin ako sa kanya pagkatapos i-hold ang client ko.

"Sa pantry lang. Nagtitipid e." sagot ko.

Si Cyver ay ka-batch ko at kami ay pioneer ng account na ito. Under financial account kami, Outsource ng isang kilalang Bangko sa bansa.

Mabait si Cyver na kaibigan, sa katunayan ay tinutulungan niya ako sa mga bagay na hirap kong gawin dito.

Hindi naman ako maalam sa call center dahil hindi naman iyon naging part ng past job ko pero dahil sinikap kong matuto kaya nandito ako at nagpapatuloy sa pagta-trabaho.

"May baon akong ulam, share nalang tayo." aniya pagkatapos niyang i-end ang call niya.

Ngumiti ako.

"Sige ba! Libre na 'yan e!" sagot ko.

He smirked. Nagpatuloy kami sa pagta-trabaho. Maayos naman ang account namin. Truthfully, mahirap ang financial account. It's about a credit card service at wala akong alam sa mga ganoon. Batch 1 kami at pioneer pa kaya mataas talaga ang standard pagdating sa call at products.

Gaya sa paaralan, may mga ayaw sa akin dito. Siguro ay hindi lang nila bet ang presensya ko? Dahil ba maayos akong mag-take ng call at mababa ang average handling time ko kaysa sa kanila? I don't know!

I'm just doing my job. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Tulad nalang ng grupo ni Jely, they hated me. Alam ko naman dahil nararamdaman ko ang bawat matatalim na mga titig nila sa akin. Hinahayaan ko lang 'yon kasi ayoko ng away.

May mga kaibigan rin naman ako na nakikipag-usap sa akin dito. Isa na doon si Cyver, sa babae ay nagkaroon ako ng tatlong kaibigan na kasundo ko. Si Charity, Ylena at Megan. Sila ang kasundo ko dito at naging kaibigan na rin.

"Balita ko magkakaroon daw ng party ang company! Kasama daw tayo!" Charity said excitedly.

Napabuntong-hininga ako kasi wala naman akong balak na sumama sa party iyon. Tsaka pagod ako at gusto ko nalang magpahinga sa dorm. Ayaw rin ng baby ko na dumalo sa mga ganoon.

"Alam mo bang gwapo ang business partner ng company namin! Yung tatlong matataas na condo ay sa kanila rin! Mayaman daw sila, maraming company!" si Megan.

Ruthless Series 2: Secret Wild In Bed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon