Kabanata 18

231 14 1
                                    

Kabanata 18

Set


Alleth.

I think, I hear it somewhere else. And she's very familiar. Yung mukha niya, may similarity sa lalaking tinakbuhan ko. The resemblance, the height and the way she walked, it's really the same. Hindi ko lang makumpirma kasi hindi naman ako sigurado.

Tinignan ko ang keypad na phone. Simula nung umalis ako sa kanya apat na buwan na ang lumipas, bumili ako ng ganitong cellphone lang. Hindi ko pa afford bumili ng magandang cellphone dahil mas kailangan kong pagtuonang pansin ang pagbubuntis at tinitirahan ko.

Kahit papaano sa trabaho may mga kaibigan akong tumutulong sa akin kaya medyo umaayos ang budget ko. Tsaka hindi naman sensitive ang baby ko sa kahit anong pagkain kaya nakakabawas ako sa gastusin.

Hindi pa masyadong visible ang tiyan ko tsaka base sa huling pa-check-up ko, malusog naman ang anak ko. Maayos na rin iyon para hindi na ako magkaroon pa ng problema sa susunod.

Minsan, sa gabi kapag mag-isa ako sa dorm, napapa-isip ako. Kumusta na kaya siya? Kumusta na kaya ang kanyang kalagayan? Maayos na ba sila ni Celeste? Finally, silang dalawa ang para sa isa't-isa.

Nasasaktan ako para sa sarili ko kasi mahal ko siya. Mahal ko si Areson. Sobra. At gusto kong kami nalang sana pero alam kong hindi 'yon mangyayari. His father will never let it happen. Pipili pa rin sila ng babaeng nababagay kay Areson. At hindi ako 'yon.

Ngayong buntis pa ako sa anak namin, mas lalo kong napatunayan sa sarili na hindi kami ang para sa isa't-isa. Ang tanga ko kasi e. Hinayaan kong mahulog at mahalin ko siya ng ganito. Ngayon ako ang nahihirapan sa aming dalawa.

Mahirap lang ako. Mag-isa sa buhay. May kaibigan pero hindi ko naman kasama. Malaki pa ang problema sa pamilya dahil kay Mama. Ang laki kong problema sa mundong ito. Parang pasan ko ang lahat ng problema. Minsan, pumapasok talaga sa isip kong mawala nalang ng parang bula para mawala na rin itong nararamdaman kong sakit.

Hindi ko naman gustong magmahal ng ganito. Kusa ko 'tong naramdaman at nagustuhan kaya hindi ko kayang talikuran.

No matter how I want to forget him, it's not easy. No matter how I want to stop this feeling I have for him, I just can't.

Nagising ako sa alarm clock. Tinignan ko ang oras at maaga pa naman para sa pagpasok. Bumangon ako at nag-ayos na rin. Nagtimpla muna ako ng gatas at kumain ng almusal bago maligo. Tulog pa ang mga kasama ko sa dorm. May kanya-kanya rin kasi kaming buhay.

Nag-init rin ako ng tubig para sa pangligo ko. Nang matapos sa breakfast, hinanda ko ang susuotin at naligo na rin. Hinaplos ko ang tiyan habang nakangiti.

Kung hindi man kami ang para sa isa't-isa, at least may anak ako na galing sa kanya. Kung hindi niya man tatanggapin ang anak ko, hindi ko ipagpipilitan kasi gagawin ko ang lahat para maibangon ko ang buhay namin.

Hindi ko naman ipagkakait sa baby ko na malaman ang kanyang Ama. Ipapaunawa ko sa kanya ang lahat at sisiguraduhin kong maiintindihan niya ang sitwasyon namin.

Mamahalin ako ang anak ko at ganoon rin ako sa kanya. Kaming dalawa lang. Hindi magiging hadlang ang pera sa amin. Sisikapin kong mabigyan siya ng magandang buhay.

Pagkatapos maligo, nagpalit ng damit at inayos ang mga gamit, muli akong tumingin sa salamin at napahinga. Maayos ang katawan ko ngayon. Sabi ng tatlo kong kaibigan, blooming daw ako habang nagbu-buntis.

Natatawa nalang din ako kasi may mga lalaking nagpaparamdam sa akin. May TL din na galing sa ibang account ang nagpapahiwatig ng kanyang pagkagusto sa akin. Hindi naman ako interesado sa mga ganoon ngayon. Focus ko ang anak ko at kung paano kami mabubuhay sa mundong ito.

Ruthless Series 2: Secret Wild In Bed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon