Kabanata 19

249 15 1
                                    

Kabanata 19

Magsama


Dumating ang lunch ko kaya mabilis kong tinapos ang last call. Hindi kami sabay ni Cyver kasi iba na naman ang kanyang break schedule sa akin. Yung tatlong babae naman ay nagko-call pa kaya hindi ko nalang muna ginulo.

Lumabas ako ng production at pumunta sa locker. Nahagip ng mata ko si Areson, nakaupo sa lobby couch at naghihintay talaga sa akin. May plastic siyang hawak, kita ko ang brand name ng pagkain. Mabilis siyang tumayo ng magkatinginan kami.

Dumiretso ako sa locker at sumunod naman siya. Hinayaan talaga siya ng guard na pumasok kahit hindi naman siya employee dito! Maya-maya pa'y naramdaman ko na ang kanyang presensya sa likod ko. Tahimik pa rin ako.

"Kakain na tayo?" maingat niyang tanong.

Hindi ko pa rin pinansin.

"Bumili ako ng pagkain natin. May pantry or dining area ba sila dito?" he asked me again.

I sighed heavily.

"Bakit hindi ka pa umuwi?" tanong ko sa kanya.

Tumikom ang kanyang bibig pero ngumiti kalaunan.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya.

What? Goodness!

"Areson, hindi ka pwede dito! Tsaka iniisip ng mga kaibigan ko na magkakilala tayo---"

"I'm your boyfriend." he cut me off.

He tilted his head and grinned.

"I'm breaking up with you." sagot ko.

Umiling siya.

"Hindi ako pumapayag. Tayong dalawa ang magdi-desisyon sa relasyong ito." aniya sa maingat na boses.

"Hindi mo ba nakikita? Ayaw ng Papa mo sa akin! He even accused me of doing that thing!"

He sighed.

"I know and I'm sorry. I believe in you. This is the reason why I didn't let my father get involved in our relationship. This is me and you. Not my parents and other people." he said softly.

Umiling-iling ako. Nararamdaman ko ang nagbabadyang luha. Ayokong umiyak sa kanyang harapan.

"Hindi ako aalis dito. Hindi ako uuwi sa inyo. Hindi ako sasama sayo. Maayos na ako dito. I can live alone. Kaya please, umalis ka na." mahina kong sabi.

He shook his head. Alam kong hindi naman siya papayag at aalis kasi kung nasaan ako, nandoon siya. Kahit anong sabihin ko sa kanya, hindi siya aalis.

"Hindi rin ako aalis dito. Kung gusto mo, sige dito nalang tayo. Kung saan ka umuuwi, doon ako uuwi. Ayokong umalis." sagot niya.

Napahinga ako ng malalim at napapagod lang makipagtalo sa kanya. Buntis ako at mabilis maubusan ng pasensya. Ayoko rin mag-eskandalo dito dahil hindi naman ako ganoong babae. I respect him.

Sabay kaming kumain ng lunch. Sa pantry, inaasikaso niya ang pagkain ko. Hinayaan ko nalang kasi mag-aaway pa kami kung pipigilan ko.

Masarap ang pagkain na kanyang binili. Habang naaamoy ko, mas lalo akong natatakam. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili at kumain ng mabilis. Ramdam ko ang titig sa akin ni Areson pero hinayaan ko lang siya.

"Dahan-dahan lang, sayo lahat 'yan." he said carefully.

Hindi ko siya sinagot at kumain lang. Hinayaan niya naman ako at nung maubos ko na ang pagkain, ramdam ko ang kabusugan ng tiyan. Gustong gusto talaga ng anak ko ang pagkain na dala ng kanyang Papa!

Ruthless Series 2: Secret Wild In Bed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon