Chapter Thirteen

8 0 0
                                    

Chapter Thirteen

Nagpaalam ako kay Liam na lalabas muna sandali para makapagpahinga na yung mommy nya. Kitang kita ko sa mukha nilang dalawa ang kasiyahan.

Habang naglalakad ako sa hallway naalala ko na naman ang araw na yun. "Parang kahapon lang, nagwawala ako sa lugar na to at nagmamakaawang buhayin nila si Ma at Pa." bulong ko sa sarili. Gusto kong maiyak pero ayoko naman magmukhang kawawa dito hindi ito kdrama.

"Ysa, are you okay?" isang mahinahong boses ang nanggaling sa likuran ko. Si Liam. 

"Okay lang, malayo sa bituka." napakamot ako sa batok ko dahil sa tingin ni Liam sakin.

"Salamat Ysa." napatingin ako sa kanya, nakangiti sya at alam kong totoo yon.

Naglakad pa kami sa bandang likod ng hospital, meron don na parang isang garden at may isang maliit na bahay kubo.
Habang nakaupo, pinagmasdan ko ang langit, sobrang ganda nito, ang daming ulap, sobrang payapa. Napangiti ako. 

"You like clouds?" tanong ng lalaking papalit sakin at may dalang tubig. Tumango ako at tumabi sya sakin. Walang nagsasalita sa aming dalawa, tanging ihip ng hangin lang naririnig namin.

"My dad died when I was 9 years old." biglang sabi ni Liam.

"Nung nawala sya, nagdecide si mommy na pumunta kaming Amerika, lumaki akong palaging mag-isa. School at bahay lang pinupuntahan ko, natuto akong itayo ang sarili ko habang nagtatrabaho si mommy, nag aaral ako pero hindi nya alam nagpapart time job din ako." natawa syang naluluha. "Halos gabing gabi na sya nakakauwi, pagod na pagod, wala na syang oras para sa sarili nya, doon ako nangako na hindi ko sya iiwan, she sacrified a lot for me at sya na lang meron ako." Then nangyari to, pagkauwi namin last month, bigla na lang syang nawalan ng malay. Buti na lang andon ako." nakikinig lang ako sa kanya, pakiramdam ko sobrang lungkot nya ng mga panahong yon.

"Dinala ko sya sa hospital at don ko pa lang nalaman na malala na ang sakit nya. She hide everything from me, para di ako mag- alala. Nanghina ako, hindi ko alam anong gagawin, ayokong mawala sya sakin Ysa." at simula na ngang pumatak ang mga luha nya.

"Sshhh.. tahan na. Gagaling sya Liam, maniwala ka lang." niyakap ko sya. Para syang bata na inagawan ng lollipop. Awang awa ako habang pinakikingan ang bawat hikbi nya, ramdam na ramdam ko ang sakit sa kanyang mga mata. 

Alam kong wala namang sigurado sa mundong to, lahat pansamantala lang. Maraming bagay ang pwedeng mawala sa isang segundo lang. Kaya dapat pahalagahan natin yon hanggat hawak pa natin, hanggat nasa tabi pa natin. Sana nasa tabi din ako ng mga magulang ko nung araw na nawala sila sa akin, hindi ako naging handa, hindi ko alam na huling araw na pala nila yun.

Anubaaa Ysa, hindi nga ito kdramaa.

"Why are you crying Lovey?" hindi ko napansing nakatingin pala si Liam sakin.

"Sorry, nadala lang ako." tumawa naman sya tsaka ako binigyan ng panyo.

Dumaan ang mga oras at nagpaalam na ako kay Liam at sa mommy nya, hapon narin kasi baka nakabalik na rin si Pina. "Maraming salamat po tita, magpagaling po kayo ha." sambit ko sa mommy ni Liam at lumabas na ng kwarto.

Hinatid din ako ni Liam sa labas at syempre pinahatid nya rin ako kasi sa malamang mawawala daw ako, tumatawa pa sya habang sinasabi yon sa harap ko, hmp!
Habang pauwi ako ay naalala ko ang mukha ni Liam, pamilyar ang gwapo nyang mukha sakin.
Napangiti ako, ang sarap sa pakiramdam tapos gwapo pa  boyfriend ko pa tapos napapikit ako, kasi naman Ysabell, hindi to totoo, panggap lang to.

"Kuya salamat po sa paghatid, mag iingat po kayo." paalam ko kay kuya driver pagbaba ko ng sasakyan.

Nagmamadali akong pumasok sa elevator at lumabas na parang isang jelly ace. Baka hinihintay na ako ni Pina, marami akong ichichika sa kanya.

Kumatok ako sa condo ni Pina pero walang bumubukas. Napakamot ako sa kilay ko, pano ako papasok neto ha? Dito na lang ako matutulog kasama ang mga ipis, langgam at alikabok? Chos.
Naghintay pa ako ng konting oras, baka biglang dumating si Pina.

"Lunes ng tayo'y nagkakilala, martes.." ako yan kumakanta, wag kang ano.

Nasa ganung sitwasyon ako ng may isang lalaking dumating, matangkad ito, moreno, singkit ang mga mata at patungo sya sa direksyon ko.

"Excuse me? Nandito ba si Ms. Apple Martin?" tanong sakin ng lalaking kaharap ko. "Miss?"

"A-ah? Wala po sya. Hindi pa bumabalik." nakakatulala naman ang lalaking to.

"I see, mukhang tinakasan nya talaga ako, by the way who are you?" tiningnan nyako mula ulo hanggang paa. Tapos ngumiti sya. "Okay! I found a new model of my company"

Model? Company?

"Ah teka lang po sir? Sino po ba kayo?"

"Oh, Im sorry, Im Arjay Buenzo, ako ang manager ni Ms. Martin."

Tumango ako "Ah? Ako si Ysabell Belen, pinsan ko po si Pina este si Apple." at nakipagkamay sya sakin.

"Perfect!" at agad nya akong hinila papasok na naman sa elevator.

Hindi ako makapagsalita, hawak nya lang ang kamay ko at sa sobrang inis sinipa ko sya mula sa likod, at sinuntok ang kanyang mukha! Biro lang, mabait ako.

"Teka lang po sir? Saan nyo po ako dadalhin? Asan po si Apple? Ano pong nangyari? May problema po ba sya?" sunod sunod ang tanong ko kasi sobra na akong nag aalala pero ngumiti lang si Sir Arjay.

Sumakay kami sa isang puting kotse at di naman kalayuan ang byahe, bumaba kami sa isang napakalaking gusali.

"Buenzo's Beauty" nabasa ko sa isang malaking tarpaulin sa labas. "BB Company?"


Alam nyo na ba ang mangyayari kay Ysa? :) Kung hindi pa aba bakit? Wahahaha! #Ysabeautifull

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Panyo ni YsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon