Chapter Two

34 0 0
                                    

Chapter Two:

"Ang ganda nya diba?"
"Oo nakakainggit."
"Sino yang kasama nya?"
"Ang pangit, baka yaya."

Ang daming sinasabi ng mga ito, lumapit kayo sakin. Isasampal ko sa inyo tong dala kong paper bag. Hindi ako yaya! Mukha lang pero hindi! Hindi! Kala nyo lang meron pero wala! Ay ibang line na pala iyon.

Napalingon ako ng magsalita si Pina. "Ayos ka lang ba Ysa? Pasensya na." nasa mall kami ngayon ni Pina para mamili. Ganito ba kailangan nya araw araw? Ganito karami? Di na lang bilhin yung buong mall. Dagdag pa tong mga ano na ito. Mukha namang tikbalang. Hmp!


"Marami ka pa bang ipamimili insan?" tanong ko sa kanya kasi hirap nako magbitbit, wala naman akong soaper powers. "Wala na, kain tayo?" yaya nya sakin kaya naman tuwang tuwa yung mga bulate ko sa tiyan. Natawa naman kami parehas kasi may bulate din sya sa tiyan.

Kumain kami ni Pina sa isang restaurant na medyo mamahalin. Oo, grabe at ang dami ng nakakalilla sa kanya. Ganon pala pag model sa isang magazine tas nakabra ka lang tsaka pan--, joke. Model ng branded na damit at beauty products. Kayo ha!

"May gusto ka ba pa couz? Sabihin mo lang sakin patay gutom ka e." walang filter bibig neto. Spray ko sayo tong mouthwash na binili mo e. "Nako tama na to. Pero Pina? Grabe marami na ring nakakakilala sayo. Sikat ka na talaga insan!" natutuwa ako na natutupad na yung pangarap nya na dati kinukwento nya lang sakin. 

"Oo nga couz, akalain mo yun? Dati ikaw lang nagpipicture sakin ng camerang laruan diba?" Natawa kaming parehas. "Uhugin ka pa non couz diba." dugtong pa nya, bastos talaga to. Wag mo namang lakasan.

Pagkatapos naming kumain pumunta kami sa isang bilihan ng mga damit. "Wow, ang gaganda nito insan." manghang mangha ako habang pinagmamasdan ang mga  bistida sa harap ko. Kahit pangit ako mahilig ako sa mga ganitong klase ng damit. Wala lang. Feeling ko ako yung partner nung Beast sa Beauty and the Beast. Pero parehas kaming beast. Beaset!

"Pwede akong sumukat insan?" tanong ko kay Pina at naexcite naman sya sa sinabi ko.


"Omg, go couz! Nako sure ako bagay sayo to kahit kuba ka!" bastos talaga, lagyan ko zipper bibig mo e, tapos hinampas ko sya ng hanger, chour! Mabait ako.

"Eto Ysa try mo, ako titingin kung bagay sayo tapos bibilhin natin. Kuha tayo dalawa." giliw na giliw si Pina, mas excited pa sya kesa sakin. Ikaw na lang kaya magsuot?

At sinukat ko na nga yung mga dress. Gustong gusto ko talaga to. Mukha akong prinsesa. Frog Princess! Hahaha.

Nagulat si Pina ng lumabas ako suot ang isang itim na dress. "Omg, Ysabell! Bagay sayo yan." natuwa naman ako. Sa lahat ng binigay nya eto yung hindi ko itatago. *ipis laugh*

"Ang bait ni Miss Pina. Binilhan ka talaga nya ng damit? Yaya ka ba nya?" tanong ng isang sales lady sakin. Mukha ba talaga akong yaya? Natahimik ako, sabagay kung ilalapit ako kay Pina mukha lang akong paa ni auntie. Nakakahiya. "Opo personal assisstant nya ako." sabi ko sa babae at nagmamadaling umalis. 

Pagdating namin sa bahay. "Ysa, masyado kang nag eenjoy! Marami ka pang lilinisin oh!" sigaw ni Auntie agad ang bumungad sakin. Sakit sa ears. Kung tutuusin katulong talaga ako dito tama yung sales lady, nagpapanggap lang akong pamangkin ni Auntie.

 "Opo auntie." mabait kong sagot. Nagrolled eye lang sya. Pano nya naiikot mata nya ng ganoon? Para syang manika, si Annabelle. Cute.

6pm.
Natapos na rin ako magluto. "Auntie? Pina? Kakain na po." tawag ko sa mag ina pero walang sumagot. "Auntie?" wala pa ring sumagot. Bingi lang auntie? Papayat kayo pag nagbingi bingihan kayo.

Umakyat ako sa kwarto ni Auntie pero wala sya don. "Baka nanghahalungkat sya ng gamit ni Pina." pumunta ako sa katabing kwarto nya pero wala din tao. Where is the mother and the daughter? Pagsara ko ng pinto ay may sulat na nakadikit pala. Bulag lang Ysa?

"Ysabell, kakain kami sa labas. Hindi ka na namin sinama kasi di ka pa nakakaligo. Wag mong kalimutang ilock ang mga pinto lalo sa kusina. Matatagalan kami ng uwi ni Pina."
                                                                                                                                                                  Anita Dyosa.

Dyosa daw? Sinong dyosa? Umalis sila di man lang ako sinama, sabagay. Nakakahiya naman di pa nga ako nakakaligo. Napasinghot ako, medyo nga amoy sibuyas. "Im no belong here as always." kumain na ako mag isa at niligpit ang pinagkainan ko. Nilock ko na rin lahat ng pinto. Yung tipong hindi na sila makakapasok pag-uwi.  *ipis laugh*

"Bakit kasi pangit ka Ysabell." sabi ko sa repleksyon ko sa salamin. Muntik pa nga itong mabasag e. Chour! Habang nagsusuklay ako ay napansin ko yung isang puting kahon sa tabi ng mirror mirror ko.

Ito yung binigay ng lalaki sakin, binuksan ko ulit yon. Syempre nakita ko ulit yung panyo. Sobrang lambot nito at ang bango. Kinuha ko ito at pinunas-punas sa mukha dahil sobrang lambot. "Empernes, this is soft like of my pillows." natawa ako sa english ko. Kwento ni ma at pa dati mahilig daw ako magenglish noong 2yrs old ako kahit di ko alam anong meaning non, syempre mana ako kay ma at pa. *ipis laugh* 

"Miss na miss ko na kayo ma at pa. Guide me tomorrow and to another tomorrow." Napatingin ako ulit ako salamin. Buntong hiningaaa. 

"Pangit man sa inyong paningin pag si Ysa ang nalanamin makikita nyo ang isang mukhang puno ng bituin." sabi na naman ng ipis sa gilid ng bintana, bakit ba dumadami kayo sabay hampas ko ulit sa kanya ng slaypers ko. 

Isang buntong hiningaaaa! 

"Lord, okay lang kahit mahirap ang mabuhay sa mundong ang karapatan ay hindi pantay at itsura ang basehan pagdating sa ibang bagay basta ingatan nyo na lang po ako palagi." ngumiti ako at natulog ng mahimbing.

Bahala sila aunite kumatok. Tse!

Panyo ni YsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon