Chapter Eight

8 0 0
                                    

Chapter Eight

Araw ng linggo ngayon. Natutulog pa rin si Pina. Kaya pinagluto ko na rin sya ng makakain nya. Kaya pala nya ako dinala dito para may tagaluto sya, chos!

Habang nagluluto ay naisip ko bigla si auntie. May pagkain kaya sya ngayon? Gising na kaya sya? Baka napasarap ang tulog nya at di na nagising. Natawa ako sa sariling naisip sabay sampal sa sarili. "Ysa mabait ka, wag ganyan." Malaki ang naitulong sakin nila auntie at pina kaya dapat ibalik ko yun kahit man lang sa ganitong paraan.

"Pina, gising na." tulog mantika talaga to. "Pinaa." nakakainis kanina pang ginigising e kaya binuhusan ko sya ng kape sa mukha. Sobrang nagulat sya naging kamukha nya si Efficascent yung may sungay. Tapos tinulak nya ako sa may bintana. Aaaaahhh. Biro lang!

"Insan kakain na tayo." minulat nya ang mata nya na halatang antokfully pa. Nginitian ko sya.

"Good morning ysa." bati nya sakin habang papikit pikit. "Buti na lang nandito ka. Teka? Gumaganda ka lalo."

Napatingin naman ako sa salamin. Grabe parang araw araw nag iimprove yung epeks ng panyo. Hindi pa nga ako nakakaligo e. Ginagawa ko lang sya ponytail, nuks.

"Ano ka ba insan, bolera ka. Ikaw nga kahit tulog maganda e." tumawa naman sya syempre joke lang yun mas maganda ako.

Kumain na kami ni Pina. Pero matutulog daw ulit sya. Sabi ko sa kanya magsisimba ako, malakas ang loob ko kase isang tawid lang naman daw ang simbahan hindi ako maliligaw. Ito namang pinsan ko tulog ng tulog kaya pala maganda feslak!

Nag ayos na ako. Syempre naligo ako. Totoo ngang bumabalik sa dati kong mukha kapag naliligo. Sungki talaga ngipin ko ngayon ko lang napansin. Linaw ng salamin ni Pina dito. Doon kase sa bahay ni Auntie malabo panay alikabok hindi na madala sa punas.
Bilhan ko nga si auntie ng bagong mirror mirror kapag may pera na ako.

"Pina sisimba ako ha?" Hindi sya sumagot. Sarap tulog teh?

Excited ako na medyo kinakabahan. Sumakay ulit ako sa elevator. Buti na lang may nag babantay dito. Hindi ko rin alam paano mag pindot pindot non. Baka matype ko yung number ng ex ko. Chos wala pa akong nagiging jowa! At syempre paglabas ko ng elevator feeling jelly ace na naman ako.

"Uhm? Sir saan ho dito banda ang simbahan?" tanong ko don kay kuya security guard na natutulala pa sakin.

"A-ah? Deretso lang ma'am kaliwa tapos tawid lang po kayo pagdating sa kanto." ano daw?

"Salamat ho." hindi ko gets pero keri na yan.

"Walang anuman ma'am, ang ganda nyo po." napahawak pa ako batok ko kashe naman e. Enebe kuya!

"Ay salamat ho ulit." yumuko ako at umalis na.

Sabi ni kuya kaliwa lang. Habang naglalakad ay tinitingnan ako ng mga nakakasalubong ko. Bakit kaya? Ngayon lang sila nakakita ng dyosa? Chour! May dumi ba ako feslak? Nagagandahan talaga sila sakin. Buhat mesa na to. Yun lang yun! Suot suot ko ang dress na binili namin ni Pina. Bagay talaga sakin. Nakakatuwa. Ngayon ko lang nagawa ito.

"Lola? saan ho dito ang simbahan?" tanong ko sa matandang nakaupo sa gedli.

"Ah ayan iha. Tawid ka. Kay ganda mo namang bata."

Nginitian ko si lola at nagpasalamat. Hanep lungs. Hindi ako sanay pero kailangan kong masanay. Tumawid ako at oo nga ang t*nga ko laki laki pala neto di ko pa nakita.

Pumasok ako doon at nagsisimula na ang sermon. Nasa bandang likod lang ako kase nakakahiya, late na ako. Umupo ako at tahimik na nakinig.

"Miss? Miss? Wake up!"

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at May anghel sa harap ko? Nagpalinga linga ako at..

"Sino ka?"

"You're sleeping?"

"Kita mo naman diba?"

"Pero nasa simbahan tayo."

Naglalabasan na ang mga tao. Loka ka talaga Ysa! Nakakahiya. Nakatulog pala ako. Si Pastor naman kasi nakakaantok magsalita. Chos lang. Wala pa akong tulog e. Pagod.
Eto namang tukmol na to di ako ginising agad.

"Kanina ka pa dyan? Bakit di mo ako agad ginising?"

"Tss. Eh bakit ka kasi natutulog? Humihilik ka pa?"

Sabay alis nung lalaki. Epal! Pogi nga masungit naman! Ggggrrrr!

Lumabas na rin ako ng simbahan ang daming tao. Hindi ko rin alam kung saan ako dumaan kanina. Mahina talaga ako sa destructions. Destructions ba yon? Disaster? Ah basta! Naglakad lang ako ng naglakad pero di ko makita yung building. Hindi ko rin alam kung anong building yon! May pangalan pala pati building? Bakit naman ganito dito sa syodad.

Naiiyak na ako kase kanina pa ako naglalakad. Wala akong cellphone, di ko rin alam number ni Pina huhu Lord. I want to come to house of Pina.
Napaupo ba ako sa may gilid gilid. Pagod na ako.

"Its you again? Tss. Sinusundan mo ba ako?" may boses na pamilyar akong narinig.

Tiningnan ko ang lalaking nasa harapan ko. Ang pogi talaga nya kaso masungit.

"Nawawala kasi ako." ngumuso pa ako at naiiyak na.

Tinitigan nya ako at tumawa sya ng tumawa. Hanep lungs. May nakakatawa ba don? Tukmol!

"Ang tanda mo na nawawala ka pa rin?"

"Hindi naman sa ganon, bago lang ako dito sa manila."

"I see. Okay. Ingat ka dyan. Maraming snatcher dito. Tsaka kidnaper and r a p i s t."

Lumaki ang mata ko. Hanep lungs! Totoo ba yon? Umalis na yung lalaki natakot ako ng medyo kaya sinundan ko na lang si tukmol.

*Yiee mukhang magkakalovelife na si Ysaprank sa manila bwahahahaha.*

Panyo ni YsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon