Chapter Six

10 0 0
                                    

Chapter Six

Dahil sa nangyari kagabi. Para lang itong panaghinip. Pero dzai totoo. Nakaharap ako ngayon sa salamin at panay pacute. Nagbago talaga ang feslak ko.

"Totoo nga si Mother."

Bumaba na ako at dumeretso sa kusina. Alam nyo ba mga dzai? 4am pa lang. Hindi ko lang talaga alam ang dapat kong maramdaman kaya ganito. Maagang nagising ang lola nyo. At dahil maaga akong nagising kumuha ako ng kalamansi tapos pumunta ako sa kwarto ni aunite. Nakakanganga pa ang balyena. Pinatakan ko yon ng kalamansi. Ang mukha ni auntie parang ewan di madrawing kahit kinder. Nagising sya at nagulat sya. Nakakita sya ng dyosa. Pero chour lang yun. Di ko kayang gawin kay auntie yun ket masungit sya.

Mula ng mamatay si ma at pa si auntie na nagpalaki sakin. 9years old lang ako ng masunog ang bahay namin at don din namatay si ma at pa. Nasa school kasi ako non. Sarap siguro tulog nila. "Ma at pa, maganda na ang ysa nyo. Nasisee nyo ba dyan sa heaven?" natawa ako pati ipis sa ilalim ng mesa.

"Good morning Pina." nakangiting bati ko sa pinsan kong maganda na mana sakin. chour!

"Good morning din Insan! Nice, gumaganda na talaga tayo ah." inaasar pako. Nakkahiya e! Anuba! Ih!
"Nako insan mas prettyful ka parin." tinimplahan ko sya ng kape at binigyan ng almusal nya. "Salamat insan."
Dumating naman si auntie na magulo pa ang buhok. "Good morning auntie!"sigaw ko sa kanya kasi nakapikit pa e.

"Ang aga mo namang nagising ysabell. Ang ingay mo, dinig ko sa kwarto. Penge ngang kape dyan." eto namang si auntie kagigising lang e. Tinimplahan ko sya ng kape pero asin nilagay ko hindi asukal. Biro lang. Mabait ako.

Pagkatapos namin mag agahan niyaya ako ni Pina na sumama sa kanya sa manila.

"Mama payagan mo na si Ysa, para dalawa na kaming nagpapadala sayo ng allowance at kailangan mo." pamimilit ni Pina kay auntie.
Gusto kasi ako ako isama ni Pina sa trabaho nya dahil sure daw sya magugustuhan daw ako ni Sir Arjay na boss nya.

"Osige sige pero sino namang kasama ko dito?" may point naman si auntie kawawa sya dito wala na syang bubulyawan.

"Mama, bata pa naman kayo. Pero kukuha na lang ako ng kasambahay para di na rin kayo magtrabaho." ay hanep lungs, pwede naman pala yon pero ginawa nyo akong alila dito. Nagmuka akong si Ai Ai Del Monte? Del fabric? Whatevah basta yung mahaba baba!

At di naman nabigo si Pina dahil pumayag si auntie na sumama ako sa kanya. Yes! Makakalabas na ako sa hawla.

Magbabago na ang buhay ni Ysa. Hindi na sya laging mag ysa. Magysa? Magysarap? Hahaha Chour.

Panyo ni YsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon