Chapter Eleven
Mabilis tumakbo ang oras. Umaga na hindi pa rin sumisink in sa utak ko ang lahat. Wala na akong ibang maisip kundi tumakas. "Im sorry"
Yun na lang ang tangi kong magagawa ang humingi ng tawad. Nagmamaneho ako ng biglang pumasok sa isip ko si Ysa. Sigurado akong nag aalala na sya.
"Hello papa? Nasaan na po kayo?"
"Anak bilisan mo."
Pagkarating ko sa lugar na iyon ay walang katao tao sa labas. Kahit takot ay kailangan kong puntahan si papa.
Niyakap nya ako ng mahigpit habang umiiyak. Nadudurog ang puso ko sa bawat bigkas nya ng anak. "Papa, tama na po. Tutulungan ko po kayo."
Muling nagvibrate ang cellphone ko. 15missedcalls from Gino. Napakagat labi ako, kagabi pa sila nag aalala, alam kong galit na galit na si sir arjay. Pero hindi ko ipagpapalit ang kapakanan ng papa ko. Kailangan nya ako.
** Flashback **
"Where are you going Pina?"Nagmamadali akong lumabas ng mabasa ang message ni papa nang makasalubong ko si Gino.
"I need to go Gi."
"Hindi pa tapos ang pinag uusapan natin nila Arjay. We need to fix this kung hindi baka mapalitan ka."
Parang tumigil ang mundo ko. Nagpatawag sila ng urgent meeting dahil bumaba ang rate ng company. Hindi pumatok sa masa ang last shoot namin.
Kaya ako nagbakasyon sa probinsya para makapag isip. Dahil alam kong tatanggalin na ako ni Arjay bilang model nila.
"But Gino, this is more important than my career."
At tumungo na ako sa kotse ko para puntahan at hanapin si papa.
**Gusto kong umiyak pero hindi pwede. Isang buwan na ng makauwi si papa ng pilipinas. Umuwi sya dahil nagkapatong patong ang utang nya sa ibang bansa at di nya yon kayang bayaran.
Binantaan sya ng mga dati nyang boss na papatayin sya kapag di agad nakapagbayad.
"Papa halika na po, sumama na lang kayo sakin. Mababantayan ko po kayo kapag nasa tabi ko kayo."
"Pero anak, baka mapahamak ka. Tulad ngayon, sa tinutuluyan ko ay pinaulanan nila ito ng bala. Buti na lang at natakas ako
kagabi." nanginginig pa sya habang kinukwento ang nangyari.Kusang tumulo ang luha ko. Hindi ko sya pwedeng hayaan dito.
Inaalalayan ko sya hanggang makarating sa kotse ko. Gusto ko syang dalhin sa hospital pero wanted sya. Hinahanap sya ng mga pulis. Sigurado akong hindi na sya safe dito.
Akmang paandarin ko na ang sasakyan ng may humarang samin.
"Gino.."
Bumaba ako ng kotse at lumapit kay Gino.
"Im worried Pina, hindi mo kailangang gawin yon. Kung may problema ka sabihin mo sakin."
Hindi na ako nakapagsalita. Niyakap ko sya ng mahigpit. Sobrang thankful ako na nagkaroon ako ng kaibigan.
Kaibigang tulad ni Gino.
"How's Ysa?"
"She's fine."
"That's good." nakahinga ako ng maluwag, siguradong marami syang tanong at ako lang makakasagot.
Daldalhin kami ni Gino sa isang private resort na pagmamay-ari nila sa batangas. Doon muna kami hanggat hindi pa maayos ang lahat. Napatingin ako kay papa na nakatulog sa haba ng byahe.
"Pa, dont worry gagawa ako ng paraan." hinawakan ko ang kamay nya.
"We need to talk Pina, kung gusto mong tulungan ang papa mo" tiningnan ko si Gino pero wala akong masabi, hindi ko alam ang gagawin.
"Magmamakaawa ako kay Sir Arjay." yun ang huli kong sinabi at nakarating na kami sa resort. Walang tao don, safe para kay papa.
Binalingan ko ng tingin si Gino at ngumiti at niyakap nyako.
"Im always here for you my apple pie" napangiti ako habang tumutulo ang luha.
BINABASA MO ANG
Panyo ni Ysa
FanfictionIsang araw ay nakatanggap si Ysa ng isang puting maliit na kahon na naglalaman ng isang panyo.. "Panyo? Ano to pamunas sa sipon?" - Ysa