Chapter Seven

11 0 0
                                    

Chapter Seven

Nag aayos ngayon si Pina dahil ngayon kami aalis. Isasama nya ako sa manila, makikita ko na ang syodad na sa t.v. at pictures ko lang nakikita. Sa tagal ko dito sa probinsya ay sa wakas.

This is Ysabell Belen the new sunshine of all the sunshines. Chour! Ano ba yung sunshines?

"Ayos na ba ang mga gamit mo Ysa?" tanong sakin ni Pina na shems why is she so prettyfull? Natulala ako sa ganda nya. Maganda na sya kahit walang make up e. Lalo syang gumanda.

"Oy insan."

"O-oh? Ah! Ayos na ako insan. Wala naman akong masyadong gamit." napatingin naman sya sakin dahil isang bag lang dala ko. Sya kase dalawang maleta dala. Lol.
Tinitigan nya ako saglit.

"Gumanda ka nga Ysa hindi ka naman naliligo." *snif* hindi naman ako mabaho. *snif* Medyo yung kili kili powers ko lang. Joke. Mabango ako no! Napakajudgmental mo Pina.

Sabay kaming kumaway ni Pina kay auntie anita na may sipon sipon pa sa ilong. Umiiyak sya noong nagpaalam kaming aalis na. Medyo nahabag pa ang aking kalooban chos masaya akong makakapupunta ako ng manila pero syempre mamimiss ko ang bunganga ni auntie araw araw.

Nasa sasakyan na kami ni Pina. Kung hindi nyo man maitatanong ay may kotse si Pina. Odiba! Yeyemenen.
Medyo matagal daw ang byahe sabi ni Pina. Mamimiss ko ata ang mindoro. Hays. Hindi ko na makikita ilong ni auntie na laging sumusuko agad umaga pa lang.

Apat na oras kaming nasa byahe at ngayon ay nakasakay na kaming barko. Dalawa o tatlong oras daw ang inaabot bago makarating sa batangas terminal. At babyahe ulit ng apat na oras ulit patungong manila. Grabe sakit na ng pwet ko kakaupo. Parang gusto ko na lang ulit magmop habang binubulyawan ni auntie. Chos biro lang.

"Insan pagdating ba natin sa manila may tutuluyan tayo?" tanong ko kay pina na kanina pang nakaharap sa cellphone nya.

"May condo ako insan, dont worry." hindi man lang ako tiningnan. Hagis ko yang cellphone mo sa dagat e.

"Inaantok ako, gisingin moko pag nasa pier na tayo ah?" bilin ko kay Pina.

Binuhusan nya ako ng malamig na tubig. Galit na galit sya sakin. "You dont deserve this Ysabell." hinawakan nya ako sa buhok at hinila. Kinuha nya ang panyo na bigay ni mother at sinunog yon. "WWWAAAGGGGGG!"

"Ysa? Oy? Gising Ysa!" tinapik ako sa noo ni Pina. Ay hanep lungs!

"Ang ingay mo insan, kanina humihilik ka lang, ngayon sumisigaw ka pa. Nakakahiya." mahinang sabi pa nya. Yumuko na lang ako. Malapit na rin kami sa pier. Ilang minuto pa ay nakadaong na kami.
Naamoy ko na ang aking panibagong buhay.

Sumakay ulit kami ni Pina syempre sa kotse nya ulit. Hindi na ako inaantok dahil ilang oras na lang nasa manila na kami.

"YSAA!" isang malakas ng sigaw ang narinig ko. Tragis natutulog ang tao e.
"Andito na tayo." napabalikwas ako at nakita ang isang napakataas na building. Dito siguro nakatira si Pina. Hanep lungs. Lawak ng lilinisan ko sigurado.

Bumaba na ako dala ang bag ko. Syempre di ko na tinulungan si Pina. Kakapagod magbitbit. Gamit nya naman yon e. Chour!

"Akin na yung isang maleta insan." at pumasok na kami sa loob. Marami pang comercial noong sasakay kami ng elevator. Pinalinawag pa ni Pina doon sa nagbabantay ata nitong building na pinsan nya ako. Hiningi pa nga ID ko, sira ata tornilyo non kaya ang ginawa ko hiningi ko rin ID nya. Hahaha!

Pagpasok namin sa elevator. Pumikit ako. Hindi dahil nakatulog ulit ako dahil para akong lumulutang. "Pina hawakan mo ako, mahuhulog yung atay ko." tinawanan lang ako ni Pina at ting. 28th floor. Paglabas ko ng elevator feeling ko isa na akong jelly ace.

Woah. "Sobrang ganda dito insan, ang taas kita ko pati Japan." chos lungs. Marami pa akong tinanong kay Pina at tinatawanan nya lang ako. Nakatulog na nga sya siguro dahil sa pagod sa byahe.

Pumunta ako sa may bintana. Hanep lungs. Kita ko ang Korea dito. Makikita ko na rin ba si Lee Min Ho? Ay grabe. Lalo akong naexcite. Hindi ko aakalaing mararating ko ito.

Kumikislap ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang matataas ng building. Ganito pala sa syodad.

"Hi ma at pa! Kita nyo ba ako dyan sa heaven? Ganda ko diba? Opkors mana ako senyo e. Guide me any minute, every hours. I Miss you." napabuntong hiningaaAaa ako at pinagmasdan si Pina habang natutulog.

"Thank you Pina Apple Martin." bulong ko sa kanya sana di nya narinig, nakakahiya ang drama ko.

Panyo ni YsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon