Chapter one:
Bumalik na ako sa labahan ko kasi miss ko na sila. Sino kaya yung lalaking yon? Mukhang galing ibang planet. "Bakit nya naman ako binigyan ng panyo? Uhugin ba ako?" Hmp!
"Ysaaaaaaaaa!" isang mapanglait na boses ang narinig ko. Oo, dumating na ang pinya. Tuwang tuwa syang yumakap sakin.
"Oh my gash couz! Hahaha mamaya mo na gawin yan. I have pasalubong for you." giliw na giliw si Pina habang kinakaladkad ako papasok sa sala. Ang dami nyang maletang dala. Dami ko na namang iimisin nyan mamaya e.
"Pina kung ano ano nanaman yang ibibigay mo dyan sa pinsan mo. Sayang lang hindi nya nagagamit at hindi bagay sa kanya." sambit ni Auntie Ani, tiningnan ko sya ng wow ha? look, kala naman nya bagay sa kanya yung ilong nya. Chour! Mabait ako.
"Oo nga naman Pina, hindi naman ako mahilig sa ganyan." mabait kong sabi. Mabait naman talaga ako e, medyo, basta!
"Ano ka ba Ysa! Para sayo to, alam kong gusto mo nahihiya ka lang di ka na nga maganda mahiyain ka pa. Mama kasi! Parang ano. Kaya ko nga sya binibigyan ng ganito para gumanda sya." Ah ganon Pina? gusto mong labhan ko yang nguso mo. Chour!
Dahil mapilit ang pinya tinanggap ko yung mga binigay nya sa akin na parang beauty products at mga damit na parang di na damit, labas na kaluluwa ko dito e.
Kung ayaw nyong malaman wala akong pake, kailangan nyo pa rin malaman na pangit ako. Oo, pangit as in mula mata kasama ang malaking kong salamin, maraming pimple, di pantay ang ngipin para akong pating, makapal kilay, sabog ang buhok, morena pero matangos ilong ko di tulad ng ilong ni auntie nakadapa, kala mo may gera.
Pero kahit minsan laitera tong pinsan ko at tiyahin ko ramdam ko namang mahal nila ako. Halos magkasing edad lang kami ni Pina kaya kasundo ko naman sya sa ibang bagay kahit papaano. Nag-iisa lang kasi syang anak, parang itlog yung pag-aalga ni auntie kanya. Gintong egg.
Mahilig rumaket tong pinsan ko. Nanghoholdap ng banko o di kaya nangisnatch sa may quiapo. Chour! Nagmomodel sya sa isang company, sobrang ganda naman kasi talaga nya. Kamukha nya si Liza Sobretes, yung jowa ni Enrique Mountain.Dahil doon nakakatulong sya kay auntie, at syempre sa akin.
Pagtapos ko sa gawaing bahay nakapagpahinga din ang anak ng pating. "Nakakapagod naman Lord." nakahiga ako sa kama ko ng makita ko ang picture ng mga magulang ko, miss ko na kayo mama at papa. "Ma? Pa? Nakikita nyo ba ako? Iinvite nyo na kaya ako dyan sa heaven." isang malalim na buntong hiningaaaaa. Hmm baho!
"Okay lang mapagod Ysa, wag ka lang sumuko." sabi ng ipis sa gilid ng kama ko. Napangiti ako ng bahagya tapos hinampas ko sya ng slaypers ko. Kala mo ha!
Habang nag mumuni-muni ako tiningnan ko yung listahan na binigay ni auntie kanina. "Patatas, sibuyas, kamatis, sigarilyas, at mani, sitaw, bataw.." Parang bahay kubo na to Auntie hays. Mamalengke na nga ako, bilhin ko na lang rin kaya buong palengke? Chour!
Pagdating ko ng palengke ang daming tao. Syempre, palengke nga, marami ding musmos sa gedli, habang pinagmamasdan ko sila naisip kong maswerte pa rin ako kahit papaano kung tutuusin lalo na kapag binibigyan ko sila ng pagkain, naluluha ako kasi maarte ako, baka madiscover diba. Chour!
"Ate magkano po itong sibuyas nyo?" tanong ko sa ale na busy sa pagtsismis.
"Ay singkwenta yan inday." sino si Inday?
"Ah sige po, isang kilo."
Habang hinihintay ko yung ale, isang batang nakaupo ang napansin ko. Hindi sya nanlilimos, tinitingnan nya lang ang mga taong dumadaan.
"Inday oh."
Sino ba yang Inday na yan? "Ay, salamat po."
Nilapitan ko yung bata at binigyan ko ng pagkain na ninakaw ko doon sa ale, chour! Syempre binili ko yon, mabait ako e.
Pag uwi ko ng bahay parang hihiwalay na yung kaluluwa ko sa katawan ko. Andami kong pinamili. Merong bahay at lupa, kasama si Willie Reverent. Reverent ba yon? Ah basta yung namimigay ng jacket!
Pagkatapos kong ayusin yung mga pinamili ko. Umakyat na ako ulit sa kwarto. Gusto kong matulog forever, chour lang Lord mga 30 minutes okay na po.
Tapos tiningnan ko yung mga binigay ni Pina sakin na bakit ganon? Bakit ganito to Pina? Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam paano yon gamitin. Hindi ko din nga alam anong mga pangalan non. Hindi naman kasi ako gumagamit ng mga ganito. Hays. Tsaka kahit anong ilagay ko sa mukha ko ganito na ito. Panlaban ko na lang talaga ang ilong ko. Okay na yan! Kesa sa ilong ni Auntie Ani sumusuko agad sa laban. Chour!
Tinabi ko na lang ulit yung mga beauty products. Bahala kayo dyan maexpired! *ipis laugh*
BINABASA MO ANG
Panyo ni Ysa
FanfictionIsang araw ay nakatanggap si Ysa ng isang puting maliit na kahon na naglalaman ng isang panyo.. "Panyo? Ano to pamunas sa sipon?" - Ysa