Chapter Three

24 0 0
                                    

Chapter three:

Pagkagising ko syempre ganon ulit ang routine. 

Maglilinis. Magluluto. Maglilinis. 

Minsan naiisip din kaya nilang napapagod ako? Kahit gawaing bahay lang ito kung ginagawa naman araw araw tapos kalat sila ng kalat, mga walang puso at pusod. Yes ang drama sa umaga Ysa, hindi ito kdrama.

Naligo pa ako para freshy naman habang naglilinis. Empernes parang pumuti ako. You know is me, morena ako bakit parang pumuti ako? Amazing earth!

At hindi pa ako tapos maligo ay dinig ko na ang bunganga ni auntie. 

"Ysabell! Tanghali na! Anubaaa?" grrrr malapit ko ng susunugin tong buong bahay na ito. Chour!

Nagmadali na akong maligo at pagkatapos ay nag umpisa ng maglampaso, tulo ng tulo pawis at sipon ko tapos naalala kong dala ko yung puting panyo, pinunas ko iyon sa aking mukha. Ginawa ko ring panali sa buhok kahit hindi pa nagsusuklay  baka palayasin ako ni auntie e saan ako pupulitin? Sa ilog pasig?

"Good morning auntie." magiliw na bati ko sa kanya at bigla syang sumigaw "SINO KA? ASAN ANG PAMANGKIN KO?" etong si auntie pag kaaga aga pero natatch ako sa pamangkin ko ah? Hehe. "Auntie ano ka ba di ka pa nasanay sa mukha kong bokbokin." dumeretso na ako sa kusina para makapagluto ng almusal.

Habang nagluluto ay pinagmamasdan ako ni auntie anita. Anong kalokohan bang ginagawa nya sa sobrang inis ay sinabuyan ko sya ng kumukulong mantika. Napasigaw sya sa sobrang sakit. Joke. Mabait ako.

"Auntie baka po matunaw ako. Wala na po kayong bubulyawan araw araw." tatawa tawa pa ako ng bigla nya akong hinawakan sa mukha. "Ysabell! Anong nangyari? Ginamit mo ba yung beauty products na bigay ni Pina?" di ko gets tong dambuhalang to.
"Hindi po auntie. Wala rin namang magbabago sa mukha ko e." parang hindi sya naniwala sa sinabi ko.

"What are you two doing?" dumating si Pina habang hawak ni auntie ang pisnge ko. Cute ko ba auntie? Hehe.
"Gowd mowneng ensen." di pa rin ako binibitawan ng balyena.

"Good morning insa.." para din syang nakakita ng multo. "Ysa? Ysabell Belen?" naainis nako ha. "B-bakit!" napasigaw na ako kase they acting so weird na hanep lungs napapaenglish na ako ng bongga.

Kinuha ni Pina ang kanyang selpon. At tinapat yon sa mukha ko. Nagulat ako.

"Tomboy ka insan? Ganda naman ng wallpaper mo." tiningnan nya lang ako na parang hindi makapaniwala. "Ikaw yan Ysa! Ano ka ba?"
Napablinks blinks yung dalawa kong cute na mata. "Ako? Bakit ganyan? Ginamitan mo ng Camera360 hmm! Alam ko." Ysaaaa prank!
Seryoso pa rin ang tingin nila kaya tumakbo ako sa may salamin malapit sa sala. And howley sheyt! This is real Ysa? Am I dreaming?

"Anong nangyari sakin auntie? Bakit ganito itsura ko insan? Tulungan nyoko. Namaligno ako." pumapadyak pako habang umaarte ng iyak hahaha bakit saking kwento to.

Nakaupo kami ngayon sa sala. Nakapaikot ang upuan para kaming may session ng alak.
"Anong ginawa mo kagabi?" tanong ni Pina.

"Wala natulog lang ako kasi iniwan nyoko." nagpacute pa ako kasi shems cute ko.

"Wala kang ininom o nakausap na fairy godmother?" tanong naman ni auntie.

"Auntie tanda tanda nyo na naniniwala pa rin kayo dyan?" natawa ako parang ewan to si auntie pero meron akong kinausap na lamok kagabi.

Nakaupo lang yung mag ina sa sala habang tinitingnan nila akong naglilinis. Natapos ata ang araw na nagtanungan lang kami sa mga ginawa ko kagabi. Naligo lang naman ako e. Ligo lang pala kelangan ko, bakit kagabi ko lang ginawa? Chours.
Pero kahit ano pang dahilan, di ko rin alam. Pwede palang mangyari yun? Yung pangit ako bago natulog tapos pag gising ko, maganda na si Ysa. Tadaa! Lord kung ito man po ay totoo, hala Lord? Di nga Lord? Huhuhu.

Umakyat ako sa kwarto ko habang nag iisip ng kung ano ano. "Hindi kaya sumpa to ng mga ipis na hinampas ko ng slaypers?" napahawak ako sa ulo ko kasi maarte ako.

"Ysabell think of it, anong ginagawa mo kagabi?" 

Panyo ni YsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon