Chapter Ten
"Ysa"
"Uncle Joe?"
Tila nag aalala ang kanyang mukha habang nakatingin sakin. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.
"Andyan ba ang aking anak?"
Mas lalo akong nabigla. Alam nyang nandito si Pina. Alam nya? Paano?
"Uncle, a-ah wala po si Pina."
"Pwede mo bang sabihin sa kanya na dumating ako dito. Pakisabi din na kailangan ko ng tulong."
Sa sobrang gulat ay wala na akong ibang nasabi. Hindi ko akalain na makikita ko sya.
Tatlong oras akong nakatunganga habang hinihintay si Pina. Sasabihin ko ba? Wag na lang kaya? Pero humihingi ng tulong si Uncle. Bakit kaya? Paano nya nalaman ang address ni Pina. Mababaliw ata ako.
Ding. Dong. Dantes.
"Sino na naman ba to?" nag aalinlangan akong buksan ang pinto. Pero baka si Pina na to.
Binuksan ko ang pinto at may bababeng nakatayo sa harapan ko. Who is you?
"Good evening ma'am, pinapasabi po ni ma'am pina na hindi sya makakauwi ngayong gabi. Wag daw po kayong mag alala. May emergency lang, pinatawag sya ng manager nya."
Tumango tango ako at nginitian ko na lang si ate. Hindi uuwi si Pina. Mag isa na naman si ysa.
"Ma at pa? Alam nyo ba ang magaganap? Bumalik na si Uncle Joe galing ibang bansa pero bakit ganon yung feslak nya? Atsaka kelan pa sya nakauwi?" nagtatanong pa rin ang sarili ko sa sarili ko kasi sarili ko lang naman kasama ko ngayon.
Marami akong tanong pero si Pina lang makakasagot. Malakas ang kutob ko na matagal ng nandito si Uncle Joe. Paano na si Auntie Anita pag nalaman nya? Umuwi na ang taksil nyang asawa. Hays!
K I N A B U K A S A N
7am na ako nagising. Hindi talaga ako masyadong nakatulog kagabi. Wala pa rin si Pina hays. What type of emergency is that ba? Kaines ha.
Umiinom ako ng kape ng mapatingin ako sa orasan, 7:45. Binalewala ko
lang iyon ng bigla kong naalala ang gwapong fes ni tukmol."Ay jusmiyu! May usapan kami ni tukmol"
Mabilis akong kumilos para maligo at shems ang pangit ko pala. Ay matagal na nga pala.
Nagmamadali na akong pumunta sa kwarto ko para maligo ng biglang parang may bumukas ng pinto. "Pina?"
Akmang lalabas na ako ng kwarto ng may boses ng isang lalaki ang narinig ko. Its not Pina its Pino again.Dinikit ko ang tenga ko sa pinto, parang may kausap sya.
"Im not done talking to you Ar jay. Marami tayong pag uusapan.."
Nasa ganong posisyon ako ng biglang bumukas ang pinto kung nasaan ako.
"Ay pipino."
"AAAAAHHH!" sabay naming sigaw.
"Who are you?"
"Who you too!!"
Nakakunot ang noo nya habang nakatingin sakin.
"Anong ginagawa mo dito sa condo ko?"
"Condo mo?"
Hinila nya ako sa may sofa, pinaupo nya ako at tinitigan. Enebe! Pero Nakakatakot ang tingin nya kaya nagpakilala ako. Malay ko ba kung jowa to ni Pina hays.
"Ako po si Ysabel, kilala bilang Ysa. Pinsan po ako ni Pina sir."
"I know you. Wag mo na akong tawaging sir. Im Gino Baltazar. Kaibigan ako ni Pina."
Tumango na lang ako. Nakatayo lang sya sa harap ko habang nakacross arms. Magsasalita sana sya ng may nagdoorbell ulit sa pinto.
Ding. Dong. Dantes.
Baka si Pina na. Binuksan ko ito at hindi si Pina. "Tukmol?" halatang naiinis yung tingin sya sakin.
"Di ba may mausapan tayo?" iritadong sabi nya.
"A-ah, Oo nga. Pasensya na. Pasok ka." Teka pano nya nalaman tong room 148? Ah whatevah!
Hindi ko alam kung tama bang pinapasok ko sya habang andito ang kaibigan ni Pina. Ano bang gagawin ko. Where you na Pina ba? T^T
Iniwan ko muna si Gino at tukmol dahil maliligo ako. Nilock ko ang pinto bago inalis ang panyo sa ulo ko. You know naman daba my hidden secret, ang panyong ito ang dahilan kung bakit narito ako ngayon.
Napabuntong hininga ako. Hmm baho."Paano kaya kung itong mukhang to ang makikita nila? Mukhang rabbit na maraming pigsa sa mukha." napabuntong hininga aulit ako habang nakaharap sa salamin.
Hmm! baho talaga. Hays makaligo na nga. Wait me tukmol hihi <3
BINABASA MO ANG
Panyo ni Ysa
FanfictionIsang araw ay nakatanggap si Ysa ng isang puting maliit na kahon na naglalaman ng isang panyo.. "Panyo? Ano to pamunas sa sipon?" - Ysa