Chapter Four

18 0 0
                                    

Chapter Four

Humiga na ako sa kama ko para makapag pahinga. Pero bago yon naligo ulit ako baka hindi totoo e.
Tinanggal ko ang panyo na ginawa kong ipit kanina at dumeretso sa banyo.

"Paanong naglevel up ang itsura ko?" napapaisip pa rin ako kase kagabi wala namang nangyari? Hindi naman ako nabagsakan ng bulalakaw. Wala namang fairy e. Kinausap ko lang yung mga lamok kahit kanta sila ng kanta tapos pinunas ko lang sa mukha ko yung panyo at..

 Imposible nasa 21st century na. Hindi na totoo yung mga ganon.  Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. "Anong kalokohan ba to?" 

Pagkatapos ko maligo. Humarap ulit ako sa salamin. At nagulat ako hanep lungs bumalik sa dati ang itsura ko. Ysaaa prank ysa! Nananaghinip lang ata ako e o nag iimagine ako buong araw. Kamukha ko na si Julia B. Hmm whatevah!

Namaglino lang talaga siguro ako. Huhu Lord! Help me.

Kakaimagine ko lang to. Humiga na ako sa kama ko. Marami na nga akong iniisip e. Dumagdag pa yung kanina. "Ma? Pa? Paki whisper naman sakin ano yong ganap? Panandaliang ganda lang yons? Miss ko na kayo." napaluha naman ang lola nyo. Feeling ko talaga nasa kdrama ako.

Masyado ata akong nagalak at nagulat kaya binawi agad. Si auntie kasi kung makahawak sa pisnge ko. Tumayo ako at pumunta sa kwarto ni auntie anita habang may dalang bote at hinampas ko yon sa mukha nya. Hahaha chour lungs. Mabait ako.

At kung nananaghinip man ako thank you Lord pa rin naranasan kong maging maganda kahit one day lang.

Tik tak tik tak tik tak.
Oh orasan yan wag kang ano. Hindi kasi ako makatulog. Bumangon ako at tumingin sa salamin. Wala namang nagbago e. Imagination ko lang talaga yon. Kinuha ko yung panyo sa ulo ko.
"Hoy panyo! Niloloko ko lang talaga sarili ko. Kung tama nga naiisip ko pwes wala akong isip." Kahit ganito itsura ko makapal kilay, sungki ngipin, maraming pimple, matangos naman ilong ko, proud akong anak ako ni Emong at Layla. Ganda kaya ng lahi namin. Diba example na lang si Auntie na nakadapa ilong. Hahaha.

Tinabi ko na yung panyo. Hihiga na sana ulit ako ng may tumawag sakin.
"Ysa!" napabalikwas ako. "Ysaa!" daling dali akong tumayo at binuksan ang ilaw.

"Sino ka? Magnanakaw ka no?" walang sumagot. Mga ilang minuto din akong nakatayo malapit sa pinto habang hawak ang suklay ko. Wala lang suklay yung nakita ko e. Nawala na yung boses. Nag iimagine na naman ba ako? Pinagchichismisan na naman siguro ako ng mga ipis sa ilalim ng kama ko.

Tumingin ako sa bintana at nakabukas yon. Pero di ko naman talaga sinasara yon. Kaloka.

So kaya yon, sinara ko sya pero biglang may humawak sa kamay ko. "Ysa!"

Panyo ni YsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon