Chapter Nine

16 0 0
                                    

Chapter Nine

Parang palayo ako ng palayo. Lord huhu.

"Tukmol!" sigaw ko sa lalaking nasa harapan ko habang ang bilis nito maglakad.

"Sinusundan mo talaga ako e no? Ano bang kailangan mo miss? Wala akong pera. Hindi ako mayaman. Sa ganda mong yan? Tss."

Nagpacute pa ako ng konti kashe nemen, hindi naman ako maganda.

"Nawawala ako. Hindi ko alam kung paano makakabalik. Wala akong balak na masama sayo tukmol." pagmamakawa ko.

Nakasunod lang ako sa kanya tapos bigla syang tumigil kaya nabangga ako sa may likod nya. Ay pak! Bango naman.

Humarap sya sakin at ngumisi.

"Taga saan ka ba? Anong lugar? May contact ka ba? Okay fine, i'll help you."

"Talaga?" lumiwanag ang mga mata ko at tumalon talon.

Sobrang tuwa ko kaya niyakap ko sya. Hindi sya gumalaw kaya bumitaw na ako.

"Pero."

Nagpacute ulit ako sa kanya kase inaantay ko yung pero. Pero kiss muna? Pero payag kang ligawan kita? Haluh! Chour! Assuming ka Ysa.

"Pero tulungan mo rin ako."

"Tulungan saan?"

"Basta!"

At sinabi ko kay tukmol kung saan ako galing. Kung anong natatandaan ko.

"Eto na nga yun tukmol." sobrang saya ko kaya niyakap ko ulit sya. Bakit ba? Ambango e.

"Okay. Tss. Puro yakap. Tinulungan na kita kaya ako naman."

Napatingin ako sa kanya. Ano ba yon? Nakakaines namen kase.

"Bukas susunduin kita dito. 8am. Ipapaliwanag ko sayo pagnagkita na tayo. Maliwanag?"

"Maliwanag pa sa sinag ng araw."

Ngumiti ako sa kanya pero wala syang reaction. Sungit talaga.

"Salamat ulit tukmol!"

Kumaway pa ako nung umalis sya.
Dali dali akong pumasok sa building. Sumakay sa elevator. Lumabas ng parang jelly ace at boom! 28th floor, room 148.

Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot. Hanep tong pinsan ko hindi ba sya nag aalala? Kanina pa akong wala e. Tulog ng tulog. Kumatok ulit ako pero wala talaga. Sa sobrang inis ko sinipa ko yung pinto. Sinigawan ko si Pina sa tenga. Napakaganda pero napakabungol! Chour.

Napaupo na lang ako sa harap ng pintuan. Hintayin ko na lang si Pina baka maisip nyang may pinsan pala syang pa anga anga. Hays.

"Ma at pa? Tinatawanan nyo ako no? Alam ko. Sa inyo ako nagmana e. Unang araw ko pa lang dito pero parang ayaw ko na." naiiyak na ako ng biglang dumating si Pina.

"Ysabell! Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap. Libot ako ng libot sa labas e." nagmamadali si Pinang lumapit sakin.

Wala ng lumabas sa bibig ko at niyakap ko na lang si Pina. Takot na takot ako. Ayokong mawala ulit.

"Sshhhh. Tahan na. Bibili ako ng new phone para nacocontact kita. Grabe nag alala ako sayo."

"Sorry Pina. Hindi ko aakalaing mawawala ako." sambit ko habang himihikbi.

"Tahan na."

Ang arte ko diba?
Pagtapos ng dramahan na yon. Umalis saglit si Pina. Babalik din naman agad daw sya. Bilin nya rin na wag na akong lumabas na hindi sya kasama. Masasaulo ko rin tong buong manila. Not now but never. Tama ba? Basta!

Habang hinihintay ko si Pina inaayos ko yung mga gamit namin. Malaki tong condo ni Pina. Bigay daw sa kanya to ng company kung saan sya nagtatrabaho. Excited na tuloy ako magtrabaho at kumita at magkaroon din ng tulad nito. May dalawa itong kwarto. Medyo okay naman ang sala at kusina. Sakto lang para sa mag jowa. May jowa kaya Pina? Nyeee.

Naglinis na din ako at nagluto pero wala pa rin si Pina. Asan naman kaya yon? Nawala din sya? Naalala ko rin yung usapan namin ni tukmol. Papayagan kaya ako ni Pina? Ay tae lungs. Baka hindi. Paano na si tukmol?

Ding. Dong. Dantes.

Pogi ng doorbell namin hehe.

Binuksan ko ang pinto at isang lalaki ang nakatayo doon. "Yes sir.." nagulat ako ng mamukhaan kung sino iyon, ngayon ko lang ulit sya nakita.

Wala akong masabi, hindi rin ako makagalaw. Bakit nandito sya?

Panyo ni YsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon