Patrick's POV:
Nag-aayos lang kami ng gamit dito nang biglang may kumakatok sa pintuan, si Kenneth na ang nagbukas at si Gwyneth pala yung kumakatok. Nagpaalam si Kenneth na sasamahan nya daw si Gwyneth kaya naiwan naman kaming dalawa dito.
Maya-maya lang may kumakatok uli, sabi ko kay Brent ako na lang ang magbubukas. Pagkabukas ko nakita ko si Janella. Inaya nya akong magboating daw, wala naman akong magagawa basta gusto ni Janella payag ako.
Inalalayan ko syang sumakay sa boat, medyo lumayo-layo kami sa dalampasigan. Ang ganda talaga dito, ang tahimik at napaka-romantic place.
"HAPPY BIRTHDAY AL-AL!" masaya nyang bati sa akin, sabay abot ng maliit na pahabang box.
"Thank you Yhab!" sabi ko sa kanya sabay kuha sa box at binuksan.
"Friendship necklace?" sabi ko sa kanya pagkabukas ko nung box.
"Yes, yung BEST sayo then yung FRIEND yung sa akin, at kapag pinagdikit mo BESTFRIEND!" masaya nyang sabi
"Suot ko sayo" sabi ko sabay kuha dun sa necklace nya. Sinuot nya rin namn yung sa akin.
Nagstay pa kami sa boat, nagkwentuhan ng kung ano-ano. Natanaw pa nga namin sila Gwyneth at Kenneth sa may dalampasigan.
"Tingnan mo yang dalawa, para talagang may something sa kanila, may payakap-yakap pa oh tingnan mo" sabi sa akin ni Janella habng nakatingin kayla Kenneth
tiningnan ko naman yung dalawa at magkayakap nga pero 'di doon naka-focus ang isip ko. Nakatingin lang ako kay Janella, super ganda talaga netong Yhab ko.
Nagstay pa kami ng ilang sandali sa boat, pagkatapos nun bumalik na rin kami sa mga kwarto namin para magpahinga.
Brent's POV:
Naiwan ako mag-isa dito sa kwarto namin kasi nga nagsidatingan ang mga partners nila at sinaman sila, ako kaya tatawagin din ni Patpat?Yes tama ang basa nyo may tawagan na kami ni Cayllee, nainis kasi ako sa sinabi ni Patrick kanina sa unit ni Janella, kaya sabi ko kay Caylle gawa rin kami ng endearment tutal kami na lang naman ang walang endearment sa aming anim.
toot....toot....toot
Nagvibrate yung phone ko kaya tinignan ko kung sino yun.
Fr: Patpat
Hi Balbal! gising ka pa naman siguro noh, punta ka dito sa may garden, pleaseeeeeee. :)
Hindi na ako nagreply pa agad na akong nagpunta sa garden.
"Hi Balbal!" salubong nya sa akin
"Hello Patpat! What is this for?" may naka-setup kasing table for two
"HAPPY BIRTHDAY!" sabi nya sabay abot sa akin ng small box
"Thank you!" sabi ko at binuksan yun.
Yung favorite kong cologne ang binigay nya sa akin.
"Lika na kain na tayo" sabi nya at umupo na kami.
Nagkaroon lang kami ng konting kwentuhan at asaran, after nun bumalik na rin kami para makapagpahinga.
Gwyneth's POV:
(KINABUKASAN)
Kakagising ko lang at wala na sila Janella at Cayllee dito.
May napansin akong note sa may side table kaya kinuha ko yun at binasa.
Wear these clothes then go outside, we're waiting for you
-Handsome
Nag-ayos na ako at sinuot yung two piece na nakalagay dun at yung beach dress, napaka-strict talaga ng lalaking yun :)
Hinanap ko sila sa may lobby pero hindi ko sila nakita. naglakad ako palabas at nakita ko si Kenneth.
"Goodmorning Siopao" masaya nyang bati sa akin
"Goodmorning, san sila?" tanong ko
"Nandun sila nagvo-volleyball" sabi nya
"O 'di tara na, gusto ko ring maglaro" sabi ko say hila sa kanya pero pinigilan nya ako
"Hep hep hep, kumain muna tayo ng breakfast" sabi nya, no choice naman ako kailangan ko syang sundin. Nagpout na lang ako habang naglalakad kami papuntang cafe.
"Anong gusto mo?" tanong nya
"Pancake tsaka coffee na lang" sabi ko sa kanya
"Miss two orders of pancakes and coffee" sabi nya sa waitress
Hinintay na lang namin ang inorder namin.
Pagkadating nung order namin kumain na kami.
Dumeretso kami kung saan naglalaro yung iba ng volleyball.
Janella's POV:
Nagpahinga na kami ng mga girls sa cottage namin. After an hour, we decided to ride a banana boat. I'm wearing a two piece pero may beach dress na nakapatong.
"Ready guys?" tanong ni Patrick
"READY!" sabi naming lahat
Pumunta na kami kung saan kami sasakay ng banana boat. ganito ang position namin:
Kenneth-Gwyneth-Brent-Cayllee-Ako-Patrick
Ang saya pala maka-experience sa banana boat. Muntik na nga kaming malaglag kasi ang gulo-gulo nung tatlong boys.
Pagkatapos naming magbanana boat nagdecide kaming mag-jet ski. Syempre si Patrick ang kasama ko , si Kenneth naman at Gwyneth ang magkasama at si Cayllee at Brent naman sa isa.
Naka-ilang ikot kami sa dagat, nung una si Patrick ang nagdrive nung sumunod ako naman.
Nung napagod na kami, we decided na magpahinga muna at kumain.
Pagdating ng gabi nagswimming kami at nag star gazing.
Hay bukas babalik na akmi sa Manila, back to normal na naman ang lahat.
Cayllee's POV:
(KINABUKASAN)
Magbebreakfast na kami ngayon, 10 am kasi ang alis namin. Naka-ayos na rin ang mga gamit namin. Hindi pa lumalabas yung tatlong boys kaya nagdecide kaming umorder ng three cakes para sa kanila.
Saktong pagdating nila nakahanda na ang breakfast at cake na may nakasinding kandila na.
Pagkalapit nila sa amin kumanta kami
Happy Birthday to you
Happy Birthday to you
Happy Birthday Happy Birthday
Happy Birthday to you
"Thank you" sabi nila
"Make a wish first before you blow the candle" sabi ni Gwyneth
Pumikit naman silang tatlo at nagwish tapos minulat nila ang mga mata nila at hinipan yung mga kandila.
"Yehey! Happy Birthday Guys!" sabi naming tatlong babae.
Kumain na kami ng breakfast at hinintay na lang namin ung sundo namin.
Pagkadating ng sundo namin sumakay na kami agad at natulog kasi mahaba pa naman ang byahe namin.
BINABASA MO ANG
Can Present Remember the Past?
Teen FictionA book about friendship, love, happiness, sorrow, heartbreaks, and learnings. This will let you cry, smile, laugh, stun, or even angry. Find out how will these group, who were best of friends, ovecome the challenges that will come. The question is:...