Chapter 10- Patrick and Brent's Surprise

4 0 0
                                    

Cayllee's POV:

Excited na ako kasi magbo-bonding kami ni Brent. Ang sabi nya maaga daw akong mag-ayos at tatawag na lang daw sya pero hindi nya sinabi kung saan kami pupunta.

Inaantay ko na lang ngayon ang tawag nya nang magvibrate ang phone ko.

----Call Conversation----

Me: Hello Balbal!

Brent: Hi! O ano? Okay ka na?

Me: Yup

Brent: Ah o sige babye na, pero after natin mag-usap labas ka ng unit mo ha. Bye!

----Call Ended-----

Hindi na ako nakasagot, bigla na kasi nyang binaba yung phone, at ang sabi nya lumabas daw ako ng unit ko, so lumabas ako.

Pagbukas ko ng door may note na nakadikit sabi: 'Follow them' at may rose petals sa floor kaya sinundan ko yun, paakyat sya sa rooftop.

Pagdating ko sa rooftop, may isang helicopter at may nakatayong super gwapo, si Brent. :))

"Hi Patpat" masaya nyang bati sa akin

"Ah? Anong ginagawa natin dito?" Nagtataka kong tanong sa kanya

"Ano pa eh 'di sasakay dito" sabi nya sabay turo sa helicopter

Sinamaan ko naman sya ng tingin, kahit kelan talaga puro kalokohan ang nasa isip.

"Joke lang. Basta makikita mo rin, okay?" Sabi nya, nag nod naman ako sa kanya at sumakay na kami sa helicopter.

Mga ilang minuto lang din ay lumapag na ang sinasakyan namin. Isang private beach resort ang pinuntahan namin, grabe ang ganda.

"Lika dun tayo" sabi ni Brent sabay hila sa kamay ko

"Surprise!" Masigla nyang sabi.

Ang sweet talaga netoh, may naka set up na table for two at andaming petals na nakakalat sa buhangin.

"Thank you" sabi ko sakanya.

Kumain kami at isa lang ang masasabi ko ang sarap ng pagkain. Lahat ng nakaserve na pagkain ay ang mga favorites ko.

"Lika dun tayo sa seashore" aya ni Brent ng matapos na kami kumain.

HHWW ang peg namin habang dinadama ang malakas na simoy ng hangin.

Umupi kami sa buhanginan at pinapanood ang malakas na pag-agos ng alon sa dagat.

"Patpat" tawag sa akin ni Brent

"Hmmm?" Pagrespond ko

"May tanong ako sayo" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya as a sign na ituloy nya ang sasabihin nya.

"Kelan mo ako sasagutin?" Nagulat naman ako sa tanong nya

Agad naman akong nag-iwas ng tingin "ewan" ang tanging nasagot ko sa kanya.

"Ano ewan? Kelan nga?" Hinawakan nya ang baba ko at ipinaharap sa kanya.

"Konti na lang, Promise!" Sabi ko na lang para matahimik na sya

"Sabi mo yan ha, hihintayin ko yang Promise mo" sabi nya na parang hindi na makapaghintay pa.

"Oo naman. Promise is a promise" sabi ko sakanya

"Itong lugar na toh ang saksi sa promise mo kaya sa susunod na punta natin dito tayo na" sabi nya sabay yakap sa akin.

"Babalik tayo dito at dito kita sasagutin"  sabi ko sa kanya.

Matapos ang mahabang oras na pagbo-bonding nila napagdesisyunan nilang sumakay na sa helicopter.

"Ah balbal sama-sama daw tayong magdi-dinner mamaya" sabi ko kay Brent

"Oo nga daw magsu-swimming din daw tayo" sabi nya

Nag-agree naman ako sakanya. Excited na akong magswimming kasi magtu-two piece kami nila Gwyneth at Janella.

Janella's POV:

Hindi pa ako tinatawagan ni Al-Al. Naligo na ako at nagbihis para anytime na tumawag si Al-Al, ready na ako.

*ring*ring*ring*

Me: Hello Al-Al

Patrick: Hi Yhab! Ready ka na ba?

Me: Yup! Ikaw?

Patrick: Reading ready na. Andito na kaya ako sa tapat ng unit mo.

Agad naman akong pumunta sa pintuaat binuksan. Nakita ko si Al-Al, nakangiti ng super lapad.

"Lika na?" Aya nya sa akin

"Sure. Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Manonood ng sine" sabi nya sabay hila na sa kamay ko at nagpunta na sa parking lot.

-Cinema-

Pumasok na kami sa loob at nakakapagtaka kung bakit kami pa lang ang tao sa loob.

"Teka lang Al-Al. Bakit tayo lang ang tao dito? Pangit ba yung movie? Ano bang movie papanoorin natin?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Wait lang Yhab, easy lang. Unang question, tayo lang ang tao dito kasi pinareserve ko toh. Second, hindi pangit ang movie actually yung papanoorin natin ang gustong-gusto mo nang mapanood, The Fault in our Stars. Last, ay nasagot ko na pala. Okay na ba?" Sagot nya sa akin.

"Talaga? Pinareserve mo toh?" Di ako makapaniwala sa mga sinabi nya

"Yup! Kaya halikana at magsisimula na ang movie" sabi nya sabay hila sa kamay ko at umupo na kami.

Nanonood na kami ng movie nang maramdaman kong umakbay sa akin si Al-Al. Hiniga ko naman yung ulo ko sa shoulder nya.

"Pwede ba? Nilalamig kasi ako eh" sabi ko sa kanya

"Sus, nakahigs ka na nga eh, papaalam ka pa" kahit kelan ka talaga Patrick, pilosopo.

"Wag na nga" sabay alis ng ulo ko sa balikat nya.

"Joke lang, sige na" sabi nya pero 'di ko pa rin binalik ang ulo ko.

Bigla namang nilagay ni Al-Al ang ulo ko pabalik sa balikat nya, hindi naman na ako umangal.

Pagkatapos ng movie tumayo na kami. "Tara n-" naputol ang sasabihin ko kasi biglang nagplay ang favorite song ko na Thinking Out Loud by Ed Sheeran. Tinignan ko ang screen, kung kanina black na lang ito, ngayon may mga nagfa-flash na iba't ibang pictures namin ni Al-Al pati na rin ang barkada.

"Advance happy birthday Yhab" masayang bati sa akin ni Al-Al

"Thank you Al-Al" sagot ko naman sa kanya.

Pagkatapos ay naglibot pa kami at kumain ng lunch. Umuwi na rin kami kasi sama-sama kaming magdi-dinner at magsu-swimming kami.

Can Present Remember the Past?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon