Chapter 14- Good or Bad News

11 2 0
                                    

Kenneth's POV:

"Siopao, sampalin mo nga ako"

*Paakkk*

"Aray! Ang sakit huh" pero nasaktan ako, ibig sabihin hindi ako nananaginip.

"Aangal-angal ka, eh ikaw may sabi" oo nga naman, hays.

"Ehhhh kasi.... hindi pa rin ako makapaniwala na tayo na"

Yes, you heard it right. Mag-girlfriend boyfriend na kami. Ganito kasi yun.....

-Flashback-

Inaya ako ni siopao sa butterfly garden, sabi nya may importante daw na mangyayari dun. Ano kaya yun?

"Handsome, lika dun tayo sa may fountain" hinila nya ako papuntang fountain at naupo kami sa may bench.

"Handsome, naaalala mo pa ba yung sinabi ko sayo noong dinala mo ako dito?"

"Alin dun?"

"Yung kung sinomang makasama ko dito, sya na si Mr. Right One ko" Ahhh yun ba.....

"Ahhh yun, oo naaalala ko pa"

"Nahanap ko na sya" napatingin ako sa kanya

"Sino? Huwag mong sabihing hindi ako" pagbabanta ko sa kanya

"Si ano?..... si Gon--" pinutol ko na ang sasabihin nya, hindi naman ako yung babanggitin nya.

"Ganyan ka naman eh" tumayo ako at aakmang magwa-walk out

"Teka nga, hindi mo pa nga ako pinapatapos eh" hindi ko makita ang reaksyon nya kasi nakatalikod aki sa kanya

"Oh 'di tapusin mo para namang ako yun"

"Si Gonzales" huh? Sino naman yun?

"Kita mo na hindi ako yun, dyan ka na nga" dahan dahan akong naglakad palayo sa kanya

"Hoy Kenneth! Ano bang apelyido mo?!" May halong inis na sa boses nya

Ako? Apelyido ko? Kenneth.......Gonzales. Oh eh di Gonzales, ano naman meron dun. Teka Gonza-- GONZALES, ibig sabihin ako yung tinutukoy nya.

Lumingon ako sa kanya at nakita ko syang nakangisi.

"Oh ano Mr. Gonzales?"

Lumapit ako sa kanya at niyakap nang sobrang higpit.

"Sorry, akala ko hindi ako eh"

"Handsome......."

"Hmmm?" Naghiwalay naman kami ng yakap para makita namin ang isa't isa. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at inantay ang sasabihin nya.

"Oo.............oo ang sagot ko" Oo? Ibig sabihin ba nyan sinasagot na nya ako?

"Huh? A-ano? Si-sinasagot mo na ako?" Nauutal pa ako

"Oo, I.....love......you.....Handsome" pinagdikit ko ang noo namin

"I...(sabay hagod ng nose tip ko sa nose line nya)....love...(nose to nose)......you" unti-unting naglapat ang mga labi namin. Grabe nakakabakla, kinikilig ako, first kiss namin toh noh.

-End of Flashback-

"Huy! Handsome, hindi ka naman nakikinig eh" hindi ko napansin na may sinasabi na pala si Siopao sa akin

"Huh? Ano ba yun?"

"Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin maka-get over na tayo na?"

Can Present Remember the Past?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon